Time
Question: Paano kapag nawalan na siya ng oras sayo?
Answer:
Kung sa pag-ibig ang pag-uusapan isa sa dapat hindi mawala ay ang oras niyo para sa isa't isa. Kahit gaano man kayo kabusy dapat meron at meron pa rin kayong oras para sa taong mahal niyo. Huwag na huwag kang mawawalan ng oras sa kanya dahil baka yan ang dahilan ng inyong paghihiwalayan. Sa pagkakaibigan naman dapat hindi rin yan mawalan. dapat kung may karelasyon ka, kailangan mo ibalance yong oras mo sa kanilang dalawa. Kasi parehong mahalaga ang pagkakaibigan at ang inyong relasyon. May nagsabi kasi sa akin na nawalan ng oras sa kanya yong kaibigan niya dahil mas binibigyan niya ng atensyon yong karelasyon niya. Advice ko sayo ate, kung alam mong wala ng patutunguhan yong pagkakaibigan niyo you better let him go and maging masaya ka na lang para sa kanya. Kung alam mong mas masaya siya sa gf/bf niya hayaan mo na lang sila. Kasi alam mo kung kayo talaga ang magkaibigan hinding hindi siya mawawalan ng oras. Kung mas pinili niya ang relationship than friendship niyo, palayain mo na siya. Dadating at dadating din yong tunay mong kaibigan, yong hindi ka iiwan kahit na anong mangyari. Huwag mong ipakita sa kanya na hindi mo kaya kapag wala siya. Ipakita mo sa kanya na nagkamali siya na binitawan niya yong pagkakaibigan niyo.
Dedicated ko ito sa kaibigan ko na si @nclxsrcd at @renee. Sana magustuhan niyo guys. Kung kulang po magcomment lang po kayo at dadagdagan ko. Salamat. Pakivote na rin po.

BINABASA MO ANG
ADVICES
Short StoryHindi po ito story, isa lang po itong advice sa mga taong iniwan, pinaasa, ginawang option, pinagpalit sa iba at marami pa. Sana makarelate kayo sa advice ko. Sorry po sa typo, sana magustuhan niyo.