Naging mabilis ang pagpapaandar ng kotse si Eross pagkatapos makatanggap ng text mula sa kanya Stepmom, kanina pa pala ito tumatawag ngunit hindi nya nasagot agad dahil nasa kalagitnaan siya ng photoshoot.Sinubukan niyang tawagan ulit ngunit nagriring lang ang kabilang linya.
" Please come home right away as soon as you read this. It's about Amber."
Di pa man niya alam ang nang yayari ay may pakiramdam siyang may masamang nangyari sa stepsister niyang si Amber Kate.
Ilang minuto pa nang paspasang pagmamaneho ay nakarating din sya sa mansion ng mga Clarione.Pagbukas ng pinto ay agad sumalubong sa kanya ang kanyang Stepmom na si Tita Lucille
"Thank you anak at dumating ka ang kapatid mo kanina pang umaga namin kinakatok sa kwarto pero walang sumasagot. Nag aalala na ko sa mga kinikilos nya nitong mga nakaraan, i tried talking to her but she won't open up kung ano problema. Pinahanap ko na yung spare keys pero ang sabi ni Tinay kinuha daw ni Amber sa kanya kagabi. Nag-aalala na ako sa batang yun baka kung ano na ginawa nya Eross" paliwanag ng tita nya habang paakyat sila sa second floor ng bahay pa tungo sa kwarto ni Amber. Agad niyang sinubukang buksan ang pinto pero nakalock nga ito
"Amber ang kuya to! Buksan mo ang pinto please nag aalala na kami dito sa iyo!" Sabay katok ng malalakas sa pinto. Makailang beses pang nagtawag at kumatok pero walang Amber na sumasagot.
Kaya' nagdesisyon siya pwersahang buksan ang pinto sa pamamagitan ng pagsipa dito, pagkatapos ng mga apat na malalakas na sipa ay nabuksan ang pinto ng kwarto at tumambad sa kanila ang magulong kwarto at si Amber na nakahandusay katabi ang mga bote ng alak at mga nagkalat na sleeping pills sa sahig.