Erros POV
" Oh! Mukhang di ka ata nakatulog kagabi at ang aga-aga nakashades ka!" puna sa akin ni Xander nang dumating siya sa garden at naabutan niya akong naghihikab.
" Nasisilaw ako eh sa sobrang liwanag ng araw, bakit kasi sa garden mo pa naisipang mag breakfast Lucian" puna ko sa isa ko pang kaibigan na papalapit din sa dinning table na may dala-dalang tray.
"Wala naman para maiba lang" sabay lapag ng tasa sa harap ko
" ...your coffee with three teaspon of sugar and your hot chocolate milk Xander""Thanks Lucian!" Sabay abot ni Xander sa tasa.
"Gising na ba ang bisita mo?" Tanong sa akin ni Lucian.
"Bisita? Sinong bisita yan? Akala ko ba bawal magdala ng kung sino-sino dito sa den lalo ng nang babae. Babae ba yan?!" sunod na sunod na tanong ni Xander na kung makareact akala mo mortal sin na ang ginawa ko.
Sabagay. House rule kasi dito sa den/building ang bawal magdala ng bisita lalo na ng mga babae. Excusively lang ang building na ito sa mga lalaking nakatira na kinabibilangan namin nina Lucian at Xander.
Isa siyang malaking building na may 4 na palapag. Ground floor serves as parking lot, second and third floor naman ay nahahati sa tig-aanim na kwarto. At ang fourth floor served as dining and living room area.
Mga Youpie or young professional ang kadalasang tenant, meron din namang mga university/college students gaya ng dalawang kong matalik na kaibigan.
Lucian Yu. 21 years old, currently 3rd year nursing student bilang kanyang pre-medical requirements dahil balak niyang maging doctor at ayaw sumunod sa pamamahala ng napakarami at napakalaking family bussiness nila.
Xander Castillio. Currently 3rd year Engineering student,varsity player ng basketball team, nag-iisang anak ng mayamang haciendero sa Palawan. Gustong kumawala sa mga magulang niya kaya piniling mag-aral sa manila.
At ako? wala lang chill lang ang life. Photographer dito sa pinas, print ad at runway model naman ibang bansa. Controlado ko buhay ko, pinalaki akong independent nang aking Tima at walang say ang aking magaling na ama sa kung anu man ang gawin ko. I'm his first born, his bastard son. Kahit na kilala siya sa society na isa sa pinakamayamang tao, nakaya ko naman buhayin ang sarili ng wala siya.
"So ano babae nga? " patuloy na usisa ni Xander "At saan mo naman nakilala yan Er ---"
" Sa Moonlust Club kagabi" ani ng boses na biglang sumulpot sa aming likuran, kaya't napalingon sina Lucian at Xander para makita kung sino ang nagsalita.
" La...Lavinia Marie ....Montegracia!" Gulat na bulalas ni Xander sabay tingin sa akin ng masama
" Siya ang inuwi mo at kasama mong natulog sa kwarto kagabi?!!!"" Ouch! Xander Castillio grabe ka naman makapagconclude" sabi ni Lavinia pagkatapos ay sa akin naman siya humarap at tinitigan niya ako.
" Ok, i know you lend me your t-shirt and your boxer short..." biglang nasamid sa pagkakainong ng kape si Lucian at halos mabulunan si Xander sa narinig. Agad napalingon ang dalawa sa amin habang si Lavinia ay parang walang lang na itinuloy ang sinabi.
"...pero kinapalan ko na mukha ko at naghalukat ako sa closet mo at kinuha itong khaki short at belt para isuot. Hindi ko lang maatim na isuot yung boxer mo eh" pinandidiinang sabi nito sa akin.Walang gana kong sinabing " Pansin ko nga"
" Now boys, mind if join you for breakfast. Sorry sa biglaang pagsulpot ayaw kasi akong paalisin nitong si Mr. Hero of mine" Sabay ngiti kila Lucia at Xander.
" Of course, it's our pleasure to have you here Ms. Montegracia have a seat." Agad namang umupo si Lavinia sa bandang harapan ko.
"I'm Lucian Yu, it's nice to finally meet you." Sabay lahad ng kamay ni Lucian kay Lavinia na agad namang naki pagkamay.