Chapter 1

7 0 0
                                    

Lavina's POV

" That guy on the blue is hot!" Kinikilig na sabi ni Millie "Ano kayang name niya? Or saang school kaya siya nag aaral?"

" For the Nth time already Millie, why don't you go and ask the guy about that" iritableng suggestion ko sabay shot ng Tequila, pagkatapos ilapag ang baso sa mesa ay sumenyas ako sa waiter para sa isa pang round.

" At ikaw naman magpapakalunod ulit sa alak. Goodness Lavinia! Ang bata mo pa para maging lasenggera, niyaya kita dito para mag unwind at maaliw hindi para ubusin ang mga alak sa bar".

I gave her a sarcastic smile, ewan ko ba kung paano ko naging kaibigan itong si Millie. Kung kaibigan nga ba talaga, sa panahon ba naman ngayon bihira na lang ang matatawag mong totoong kaibigan. And I lost one...or the best word for it I "ruined" her, at ako ang dapat sisihin. At wala man lang akong magawa, unti-unti akong nilalamon ng konsensya ko.

_........_

It was almost 1 in the morning nang magdecide na akong umuwi, medyo umiikot na ang paligid ko kaya dahan-dahan akong lumabas ng Moonlust Bar nang nakapaa, bitbit ang Gucci Stilettos ko. Ako na lang mag-isa dahil nakajackpot ng date si Millie at iniwan ako.

Akmang patawid ng ko ng kalsada para puntahan ang kotse kong nakaparada sa harap lang ng club, nang biglang lumiwanag.

Isang nakakasilaw na liwanag na nagmula sa left side ng kalsada. Hanggang sa makaramdam ako ng mga kamay na humawak sa aking braso at beywang na mabilisan akong hinablot sa aking kinatatayuan.

Malakas na busina nang sasakyan at hiyawan ng mga taong nasa paligid. Sa nakakabingi at nakalilitong nangyayari sa paligid, isang boses ang nakakuha ng atensyon ko.

"Hey Miss! Are you ok?! Hindi mo ba nakita yung sasakyan na parating?" Nag-aalalang tanong ng lalaking asa harap ko ngayon.

Hindi ko na nagawang sumagot. Ngumiti na lang ako habang nakatitig sa mga matang niyang nangugusap, sa napakatangos niyang ilong at mamulamula niyang mga labi.

" May masakit ba sa iyo? Daldalhin ka na namin sa hos~...."

Di na niya nagawang magsalita dahil tinakpan ng kamay ko ang bibig niya.

"Shhhh...hinayaan... mo na lang...sana akong mamatay.... Gago"

His Majesty QUEEN BEETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon