CHAPTER 16 - Ms. Bitter

7K 244 1
                                    

A/n: Nagiging hot na po ako—I mean yung flow pala ng story. Haha!

-janeleeshunsin

--------


CHAPTER 16



Venus' POV

"Hoy bes! Hintayin mo naman ako oh!" sigaw ko kay Jade dahilan para pagtinginan ako ng mga tao. Hehehe. Binigyan ko sila ng peace sign at hinabol na ulit si Jade.

Napatigil ako ng makita ko siyang nakatalikod sakin kaya hinabol ko na. "There you are!"

Pero akala ko susungitan niya na naman ako ngunit nagtaka ako ng hindi siya kumibo kaagad at may tinitignan siya kaya napatingin narin ako doon sa direksiyong iyun.

Nanlaki ang mga mata ko.

"J-justin?" hindi makapaniwalang banggit ko matapos kong makita ang lalaking matagal ko ng hindi nakita. Ang nanakit sa bessy ko.

Anong? Paanong? All this time, nandito parin pala siya?

Nagulat ako ng magsalita si Jade. "Halika ka na Venus! Mukhang may biglang sumulpot na hindi ko inaasahan!" matigas na sabi niya kaya tinignan ko kaagad ang reaksiyon ng mukha niya.

Nakatingin na ito ng masama kay Justin. Halatang bitter parin at galit kay Justin.

Sino bang hindi magagalit kung hindi maganda ang break up nila at biglaan lang din yun? Oo, updated ako palagi.

"J-jade...How are you? It's been a long time." sabi ni Justin kay Jade, he slightly gave a smile. Mukhang wala na talaga sa kanya ang nangyari sa kanilang dalawa noon. Kung sabagay, siya naman ang nakipaghiwalay.

"A-ako? Tinatanong mo ako kung ok lang? Ok naman ako! Ikaw musta ka na? How are you and your GIRLFRIEND?" she said in a  sarcastic way at pinagdiinan pa talaga ang salitang girlfriend.

Naku naman, ayoko na sa sitwasyong ito! Can we just teleport?

"I'm alright. I'm happy with my new life. Oh, hi Venus long time no see!" sabi niya at tumingin naman sakin. So, ngayon palang niya ako napansin?

Hahah!

Nginitian ko lang siya ng tipid bilang sagot. Mas lalo siyang gumwapo ha.

"Tara Venus, nabwebwesit ako sa aura dito." nanggigigil na sabi ni Jade at tumango naman ako. Mukha kasing ano mang oras ay magwawala siya or worst iiyak.

Matagal-tagal na rin noong huling nangyari yun.

"Ah Justin, we need to go home!Pagod na din kasi si Jade eh!" paalam ko kay Justin, nagtaka naman ito. Wews, ignorante lang ang peg natin?

"Ah ganun ba? Sayang naman, gusto ko pa sanang  makipagkwentuhan. Pero sige I need to go na rin dahil may hinahanap pa kasi ako eh." sagot niya.

"Sige bye Justin!" sabi ko. Kapal ng mukha mong makipagkwentuhan! Ipalapa kita sa aso eh! Kung hindi kalang gwapo! Hmp!

"Bye! It's nice to see you again Ven and Jade!" habol pa ni Justin pero sinamaan lang siya ng tingin ni Jade at umalis na kami kaagad. Hindi narin ako nagresponde dahil medyo naiinis din ako sa pagiging ignorante niya.

Naglakad ng mabilis si Jade kaya agad ko siyang sinundan at sinabayan sa paglalakad. She really needs a comfort right now.

"Bes, are you okay?" tanong ko. Ano ka ba naman Venus! Malamang hindi!

"Mukha ba akong okay? Alam mo Venus! Napipikon ako eh!Talagang wala na sa kanya ang lahat ng pinagsamahan namin noon!" sabi niya sakin hanggang sa pagkalabas namin ng mall at hindi man niya sabihin ay nakikita kong maiiyak na talaga siya.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon