Mr. Mayabang Meets Ms. Masungit CHAPTER 27 : THIS IS IT

4.1K 133 6
                                    

Ito na po ang continuation !! sorry po sa kahihintay , nahirapan lang sa pagbukas ng kabaong ko. Hahahaha!!

sorry po talaga! 

-janeleeshunsin

------------------

CHAPTER 27 :THIS IS IT.

FRENCY'S POV

"Frency ! Frency ! "

Patuloy lamang ako sa paglakad ng mabilis kahit paulit-ulit niyang sinisigaw ang pangalan ko.

Kaya pala kapag nagkikita sila parang may mali sa kanilang dalwa at parang may tinatago sila sakin.Kaya pala nung birthday ni Justin ganun nalang ang pagkataranta ni Jade at parang di mapakali.

Napatigil ako ng biglang may humugot sa kamay ko.Tinignan ko ng masama si Justin.Akala ko ba walang sekreto pero siya na tong may tinago.

"Mag-usap naman tayo Fren oh !" pagmamakaawa niya.

"Mag-usap Justin ? Kung hindi sinabi ni Vince hindi ko malalaman ang tungkol sa inyo ni Jade !! " inis kong sigaw sa kanya.Sinubukan niya akong hawakan pero umatras ako.

"I'm sorry ! Oo naging kami noon ni Jade pero past na yun ! Ikaw ang mahal ko Fren at hindi magbabago yun kaya huwag mo nang gawing big deal ang tungkol samin ni Jade!!"

"Pero dahil sayo kaya nag-iba siya ngayon ! " pagdedepensa ko.Ah basta , naiinis lang ako.

"Nag-usap na kami ni Jade nung birthday ko.Nagkaayos narin kami at aaminin ko medyo naiilang pa ako pero kaibigan nalang ang turing ko sa kanya ! Kaya please Fren , please believe me. " malungkot niyang sabi.Naawa ako ng yumuko siya.

Hmmp.Hindi ko talaga siya matiis.

Haist.Masyado lang siguro ako naging praning at nainis pa ako.Kaibigan ko narin naman si Jade at alam ko naman na mabait siya.Haay naku Frency !!

"Tss ! Tama na nga yan Tin ! " natatawang sabi ko at niyakap ko siya.Niyakap naman niya ako pabalik.

"Effective talaga ang pagmamakaawa ko.I love you and I always will . " bulong niya sakin.Ako naman itong parang kiti-kiti na kinikilig.Hahaha !!

Kumalas na kami sa isa't - isa at bigla kong naalala si Jade.Nasa panganib pala siya.Naku naman !! Umeksena pa ako !

"Tara na ! Hahanapin pa natin si Jade !!" sabi ko at sabay kaming tumakbo pabalik.

*****************

THUNDER'S POV

"Nandito na ako sa lumang bodega na sinasabi mo Sandy.Ilabas mo na si Jade !" sagot ko sa telepono.Ni-loudspeak ko para marinig nila.

Nandito na kami sa isang iskeneta malapit sa bodegang sinabi ni Sandy.Kasama ko sina Kuya Clark,Venus,Frency and Justin.Mabuti nalang at nagkaayos na ang dalawa.Kahit ako nagulat din sa narinig.But past is past.

Sabi ni Sandy ako lang dapat mag-isa but Kuya Clark force me that they will come with me.Hindi ko lang pinaalam kay Sandy dahil siguradong magagalit yun.Nagreprt narin kami sa police tungkol dito at baback-up sila samin.Plinano na naman to kanina na ako lamang muna ang magpapakita kay Sandy.

"Really babe ? Go here inside and make sure that you are alone. " sagot ni Sandy and she end the call. Napatingin ako sa kanila.

"Sasama kami sa'yo Thunder . " sabi ni Kuya Clark.

"I can handle this at kung hindi tayo sumunod sa sasabihin niya baka may mangyaring masama kay Jade. " paliwanag ko.

"Tama si Thunder Kuya , maghintay muna tayo dito at maghintay sa signal niya.We need to be careful. " sabi ni Venus, kahit papano nakakatulong siya kahit kaek-ekan ang nasa utak.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon