Mr. Mayabang Meets Ms. Masungit CHAPTER 34 : The Truth is

3.6K 130 1
                                    

CHAPTER 34 : The truth is

JADE'S POV*

"Ano ba kasing gagawin mo dito? " panay tanong na naman niya.Ang kulit din nito pasalamat siya mah--iehhh... "Sinong hinahanap mo ng matulungan kita !"

Tumigil ako sa paglalakad at tinignan siya. "Bakit, kilala mo ba si Rey Paolo Marquez?? " tanong ko at pansin kong nanlaki ang mata niya.

"Kilala mo siya ? " napaismid ako sa tanong niya.

"Kaya nga hininahanap ko siya . " inis kong sagot at lumapit nalang sa isang babaeng nasa counter. "Miss,nasaan po ba dito ang opisina ni Rey Paolo Marquez? " tanong ko sa kanya.

"Bakit Miss,kaano-ano ka ba ni Mr. Marquez? " tanong niya pabalik.

"Sabihin mo na kasi!! " inis kong sigaw .

Sasagot na sana siya ng mapatingin siya sa likod ko.Kay Kidlat. "Oh, kay Mr. Rodriguez ka nalang magpasama Miss, alam niya yun. "

Nagtaka naman ako.Ngayon ko lang nalaman na Rodriguez pala ang apelyido ni Kidlat pero bakit? Tinignan ko ng may pagtataka si kidlat. " Anong ibig sabihin nito? " tanong ko.

"Si Mommy ang may-ari nito .Si Rey Paolo Marquez, step Dad ko siya.Ano ba kasing kailangan mo sa kanya? " sabi niya .

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya.Siya ba? Sila ba? Sila ang ipinagpalit ni Daddy samin nila Mommy?? Bakit sa dinami-daming magiging stepson niya bakit siya pa??

"Ok ka lang ba Jade ? " tanong niya.

"Samahan mo ako sa opisina niya.Kailangan ko siyang makausap. " sigaw ko. Pinipilit kong huwag lumuha sa harapan niya.Bakit ganito,ang sakit sakit malaman ang totoo.Dahil ba sila ang ipinagpalit samin? O dahil nalaman kong magiging step brother ko siya? Hindi ko matatanggap to.

Kahit alam kong nagtataka siya sinamahan niya nalang ako.Hanggang sa mapatigil kami sa isang pintong may nakasulat na 'Mr. Marquez's Office'.

"Ito ang opisina niya,kumatok kalang ng tatlong beses. " sabi niya at akmang aalis siya ng pigilan ko siya.

"Hindi mo ba ako sasamahan sa loob? " tanong ko.

"No need.Baka sapak lang ang maabot ko sa lalaking yun.Maghihintay nalang ako dito. " sabi niya.Bakas sa mukha niya ang pagkainis.Ngayon alam ko na kung bakit minsan badtrip siya at yun ay dahil kay Daddy.Hindi pala sila magkasundo.Tss.

Kumatok ako ng tatlong beses gaya ng sabi ni Kidlat.Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan ng marinig ko ang boses ni Daddy na pinapapasok ako.Humugot muna ako ng malalim na hininga bago tuluyang pumasok.

"Yes, how m-- " napaangat siya ng tingin at natigilan siya ng makita ako. "J-jade? Ikaw ba yan ? A-anong ginagawa mo dito? " di-makapaniwala niyang sabi .Nagulat ako ng tumayo siya at niyakap ako.Sa isang iglap, bigla nalang bumuhos ang luha ko na hindi ko gustong lumabas.Hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko,mahina na ako.

"Namiss na kita,kayo ni Clark. " sabi niya ng kumalas siya sa pagkakayakap sakin. " Ang laki-laki muna ngayon. "

"Si Mommy ba, namiss mo narin? " yun agad ang lumabas sa bibig ko.

Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin. "Alam mo naman na wala na kami,hindi na maibabalik ang dati Jade. Per---"

"I know!! Alam mo ba Dad , kinamumuhian kita dahil sa ginawa mo sa pamilya natin !! Halos lahat ng mga lalaki tinuring kong manloloko dahil sayo!! Pero siguro nga , hindi ko dapat sisihin ang mga lalaki!! " sigaw ko sa kanya.Sa totoo lang, kulang pa nga yan sa mga panloloko niya samin.

"Sorry Jade. " yun lamang ang nasabi niya pero alam kong sincere siya.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Wala naman akong magagawa pero kaya ako pumunta dito upang humingin sayo ng pabor. "

"Ano yun?? " desperadong tanong niya.

"Si Mommy,nasa hospital siya.May sakit siya at hindi ko alam kung hahaba pa ang buhay niya.Sabi niya samin,na sana kahit isang pagkakataon manlang mas maging masaya siya..." tumigil muna ako umiwas ng tingin. "...at yun ang makita ka.Until now.... she still loves you. " tumutulo na naman ang mga luha ko.

Tinignan ko siya kung ano ang reaksiyon niya.Lungkot lang ang nakikita ko. "..I'm sorry Jade, aaminin ko mahal ko pa ang Mommy niyo pero hindi na kami ehh.Bibigyan nalang kita ng pera upang mapagal--" akmang pupunta siya sa table niya ng pigilan ko siya.

Ngayon, nakaramdam na naman ako ng inis.Anong akala niya, pera lang ang katapat para maging masaya si Mommy. ? Maliit na bagay lang naman ang hinihiling ko hah.

"I don't need your money! Hindi pera ang gusto ni Mommy,ikaw!! Gusto ka niyang makita at kung ayaw mo hindi kita pipilitin dahil wala sa bokabularyo ko ang magmakaawa! " sigaw ko dahilan para matigilan siya at mapayuko.

"Hindi ko nga alam kung bakit hinanap pa kita ehh!! "

"Sa huling pagkakataon , kung may kunti ka pang pake samin.Puntahan mo ang Gabrielle Hospital , room # 201 . Uulitin ko, hindi kita pinipilit!! " sabi ko pa.

Hindi siya kumibo at nanatiling nakayuko.Tinalikuran ko siya at lumakad papunta sa pinto pero bago ko buksan nagsalita muna ako. " Sana maging masaya ka sa new Family mo. " pinahid ko ang luha ko gamit ang palad ko at tuluyan ng lumabas.

"A-anong pinag-usapan niyo ? Teka..umiiyak ka ba?? " biglang salubong sakin ni Kidlat.Umiwas lang ako ng tingin sa kanya at nilagpasan siya pero bigla niyang hinigit ang braso ko. "Jade !! Ano ba kasing problema?? "

Sinamaan ko siya ng tingin. " Wala kang pakealam!! " sigaw ko sa kanya at winakli ko ang kamay niya.

Tumakbo ako palabas sa lugar na yun at alam kong sinundan niya ako kaya mas lalo ko pang binilisan ang pagkatakbo.Bakit,bakit nasasaktan ako ng ganito??

*beeeppp * * beeeppp *

Napatigil ako ng may isang truck ang sasalubong sakin.Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng highway.Para akong tanga sa ginawa ko dahil nakatingin lamang ako sa paparating na truck.Gusto ko bang mamatay nalang ??

"Jade !!!! " rinig kong sigaw ni Kidlat pero hindi ko siya nilingon.

Akala ko mababangga na ako ng may yumakap sakin at pareho kaming natumba sa gilid ng kalsada.Medyo nahilo ako sa pagkakabagsak kaya napasapo ako sa ulo ko at napabangon .Sheez..Ang tanga ko.

Inilibot ko ang paningin ko kahit nahihilo parin ako ng kunti. "What the heck!! " sigaw ko ng makita kong walang malay si Kidlat na nakadapa sa tabi ko at may sugat pa siya sa noo niya.

"Kidlat!! Thunder!! Hoy gumising ka!! Bumangon ka diyan !! Hoy, huwag kang magbibiro ng ganyan , hindi ako madadala sa mga trip mo!! " sigaw ko sa kanya at inuyog-uyog ko pa siya.

Sheez..Hindi talaga siya nagigising.Pinapakonsensiya ako ng lalaking to.Ughh.Seryoso ba siya.??

"Hoy!! Gumising ka Thunder !! Oo na!! Kasalanan ko to , please gumising kana!! " sigaw ko at tuluyan na akong napaiyak. " Sorry!! Sorry!! Sorry sa lahat!! Please !! "

Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama sa kanya.Nasasaktan ako.Ang tanga tanga ko.

Hindi ko alam , sa tuwing nakikita ko siya may kung ano akong nararamdaman...Feeling ko...mahal ko na ata siya.

Mr. Mayabang meets Ms. Masungit [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon