"HINDI ba kayo talaga kayo magha-honeymoon?" Si Madam Angie. Kung ilang ulit na nitong tinanong iyon sa mag-asawa makalipas ang ilang araw na kasal nina Andy at Yolly ay hindi na mabilang. Nangungulit pa rin ang ginang. Kesyo gusto na raw ulit madagdagan ang mga apo. 'Di pa talaga nakuntento sa tatlo.
"Mommy, huwag na po. Gusto ko po kasing paghandaan 'yung pagbabalik namin sa school ni Andy," sagot ni Yolly sa byenan. Hindi na 'Tita' ang tawag niya kay Madam Angie. Pero paminsan-minsan ay nadudulas pa rin siya. Mas sanay pa rin kasi siya na tita ang tawag niya sa Madam.
Nagliwanag ang mukha ng mayamang ginang. "Really? Mag-aaral ulit kayo? E'di mas maganda."
"Yes, Mom. Napag-usapan namin kagabi ni Yolly. At sana suportahan niyo kami. Kasi alam naming mahihirapan kami na pagsabayin ang pag-aaral at ang pag-aalaga sa aming mga anak," sabi rin ni Andy.
Sa mga sandaling iyon ay seryoso silang mag-asawa. Lalo na si Andy dahil napag-isip-isip niya na dapat mas maging matinong tao o lalaki pa siya ngayon para sa kanilang mga anak. Actually, dahil din sa mga kambal kaya naisipan nilang bumalik ulit sa pag-aaral. Ayaw nilang mag-asawa na umasa habang buhay sa mga magulang nila. May sarili na silang pamilya kaya dapat paghandaan na nila ito habang maliliit pa ang kanilang mga anak. Dapat ay maging matured na sila ngayon.
Madamdaming ginagap ni Madam Angie ang tig-isang kamay ng mga anak. "Oo naman. Wala kayong dapat ikabahala."
Niyakap ni Yolly ang pangalawang ina na niya. "Salamat po, Mommy."
"You're welcome, hija." Masuyong hinaplos-haplos ni Madam Angie ang likod niya. "Madami na tayong napagdaanan kaya alam ko kaya natin 'to. Magtulungan lang tayo, mga anak."
"Thanks, Mom." Nginitian naman ni Andy ang mabait na ina. Pasalamat niya sa Diyos at ito ang naging ina niya kahit na hindi na sila buo. Wala naming perpektong pamilya, eh. Isa pa siguro nangyari ang mga bagay-bagay upang maging aral sa kanya ang nagging relasyon ng kanyang mga magulang. Siguro ay para 'pag mag-asawa siya, na nangyari na ngayon, ay maiayos niya ang kanyang pamilya. Na dapat ay hindi niya gagayahin ang kanyang dad.
"So, kailan kayo mag-start?" tanong ni Madam Angie nang kumawala sa pagkakayakap sa kanya si Yolly.
"Sa next na semester na siguro, Mom," sagot ni Andy. Inakbayan niya ang asawa.
"Eh 'di balik first year college kayo?"
"Gano'n na nga po," kibit-balikat ni Yolly na sagot naman dahil ganoon talaga ang mangyayari. Isang semester lang ang natapos nila noon bago nagkagulo-gulo ang lahat kaya malamang ganoon na nga. Pero ayos lang basta makatapos sila ni Andy sa pag-aaral. Walang problema sa kanya. Ganito naman talaga dapat, ang magsimula ulit sa una.
"Okay lang 'yan. Ang importante ay makatapos kayo," mas natuwang saad ni Madam Angie.
LUMIPAS ang araw na ginugol muna o sinulit muna ng mag-asawa ang oras o panahon nila sa kanilang mga anak. Sinamantala nila ang pagkakataon na makasama nila ang mga anak nila bago ang pasukan. Dahil alam nila na oras na mag-umpisa ulit sila sa pag-aaral ay mahahati na ang mga oras nila.
"Hahahahaha!" Tawa nang tawa si Yolly dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin perpekto ang paglalagay ng diaper ni Andy sa mga baby nila. Kung hindi masikip ay lawlaw. At mas madami na hindi tama ng pagkakalagay, minsan baliktad pa.
"Aisst! Paano ba kasi ito?! Tulong!!" reklamo ni Andy na hindi siya tinitingnan. Ang dami nitong kamot sa ulo. Akala mo'y madami ng kuto na sa ulo nito. Tapos ay pinagpapawisan na kahit ang lakas naman ng aircon.
"Akala ko ba magaling ka na? Eh 'di ipakita mo," pang-aasar niya sa asawa kaysa ang tulungan nga niya ito. Nagmamagaling kanina, eh, so magdusa siya.
BINABASA MO ANG
BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)
RomancePLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang baby. Si Yolly hindi na pangit. Maganda na siya kahit na nanganak pa ng triplets. Masaya na...