"Leandro, mag-aaral ka na rin?!" Tuwang-tuwa si Yolly na makita ang kaibigang binata bilang isang estudyante na rin at hindi na bilang isang guwardya ng school.
Tumayo si Leandro at nilapitan siya. Sunod dito ang isang lalaki na estudyante rin yata at nakikilala niya.
"Hi, Yolly!" bati ni Max sa kanya na abot hanggang tenga ang ngiti.
"Ikaw 'yong isang guard din, 'di ba?" hindi makapaniwalang saad niya. Tama! Kilala nga niya ang lalaki. Ito kasi 'yong kasa-kasama rin na guard noon ni Leandro.
"Siya nga. Siy si Max," pagpapatotoo ni Leandro.
Si Andy na nasa likod ni Yolly ay napalatak at napamaywang. Ang mga guard nga lang naman noon, heto at kaklase na nila. E'di wow!
At napangiwi pa si Andy nang lapitan ito ni Max at akala mo'y close sila na inakbayan siya. "Andy, tropa na tayo ngayon, hah?"
Pairap itong tiningnan ni Andy kaya parang napaso ang dating guard ng eskwelahan. Inalis din agad ang pagkaka-akbay kay Andy at balik ito sa likod ni Leandro.
"Yolly, halika na! Do'n tayo sa likod!" Masama ang mukha ni Andy na sabi sa kaniya. High blood na naman. Ay naku!
"Anong course mo?" tanong niya kay Leandro keysa pansinin ang asawa.
"ABM! Ikaw?"
"Parehas tayo!" natuwang sagot niya. Kulang na lang ay yakapin niya si Leandro. Buti naman at naisipan nitong mag-aral. Masaya talaga siya para sa kaibigan.
"Gano'n ba? 'Yon ang kinuha ko kasi kailangan ko sa negosyong pinatayo ko," paliwanag ni Leandro.
"May negosyo ka na?"
"Oo. Dro Security Agency. Mag-iisang buwan pa lang."
"Ang galing! Tama lang ang Business Management nga sa 'yo! Proud ako sa 'yo, Leandro!" Nag-thumbs up siya rito.
"Salamat. Balak ko nga 'pag natapos ko 'to ay criminology naman ang kukunin ko."
Mas napangiti siya ng maluwang sa binata. Masaya siya at natutuwa siya para rito dahil tingin niya ay alam ni Leandro kung saan nito ginagamit ang perang pinanalunan sa lotto na hindi masasayang.
Madami pa sana silang pag-uusapan na dalawa. Nga lang ay tinawag na siya ni Andy."Anong course ni Andy?" pahabol na tanong ni Leandro sa kanya.
"HRM," mabilis na sagot niya saka tinungo na ang asawa.
Lihim na natuwa si Leandro dahil iba pala ang course ni Andy. Ibig sabihin hindi nila ito kaklase sa ibang subject. Makakasama nito si Yolly sa ibang subject/unit nila na wala ang asungot nitong asawa. Well, wala naman itong balak agawin pa si Yolly kay Andy dahil mag-asawa na nga ang dalawa at may tatlo pang anak. Ang gusto lang ni Leandro ay masolo si Yolly bilang isang kaibigan dahil kahit kailan ay hindi na sila magkakasundo pa ni Andy.
•••
"Huwag ka na munang pumasok ngayon sa susunod na subject mo," sabi ni Andy pagkatapos nilang mag-lunch sa canteen na mag-asawa.
"Ano? Unang araw ng pasok magka-cutting class agad ako?"
Kumibot-kibot ang mga labi ni Andy na napasandal ng upo. May pinag-iisipan siya. Alam na rin niya kasi na iisa ang course nina Leandro at Yolly at lihim siyang nangangamba. Syempre magiging close pa ang dalawa kung lahat na lang ay magkaklase ang dalawa.
BINABASA MO ANG
BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)
RomancePLEASE READ FIRST THE BOOK-1 BEFORE THIS. Thank you so much... Si Andy guwapo pa rin na hindi pa rin gago. At ngayon daddy na sa triplets niyang baby. Si Yolly hindi na pangit. Maganda na siya kahit na nanganak pa ng triplets. Masaya na...