Part 5

88K 1.7K 240
                                    

"Where's Shone na ba?! Ilang minuto na akong nag-aantay rito, ah! Tuloy pa ang photo shoot na 'to or not?!" Nagwala na sa set si Shyne Sandoval. Ang sikat na artista ng pinakamalaking estasyon ng TV, na true to life love team daw ng binatang si Shone Ramirez. (Pero ang totoo ay hindi naman) Na may konti ng attitude problem dahil sa tinatamasa na nitong kasikatan. Kaliwa't kanan na kasi ang offer dito ng mga iba't ibang company. At sa dami ng indorsement ay 'di na maikakailang isa na ito sa may pinapatunayan ngayon sa larangan ng showbiz. Idagdag pa na inaagaw rin ito ng ibang mga estasyon ng TV kaya naman lumaki na ang ulo.

"Uhmm.. O-on the way na raw siya, Miss Shyne. May dinaanan lang daw po," takot na takot na sagot ng isang staff sa photo shoot na iyon sa dalagang mataray. Kung 'di pa ito itinulak ng ibang staff ay 'di nito kayang harapin at sagutin ang nagrena-reynahang dalaga.

"My God! Kanina pa 'yan na sinasabi mo sa 'kin! You all just wasting my time here!!" bulyaw ni Shyne sabay tabig sa kamay ng nagmemake-up rito na bakla at galit na tumayo.

Aligaga na nag-dial ng phone si Jolove. Ang PA ni Shyne na nasa tabi lang at tahimik. Ito ang mas takot kapag nagwawala ang alaga nito. "Sagutin mo! Dali!!" sa isip-isip nito habang inaantay na sagutin ang tawag nito sa kabilang linya. Si Charlotte na PA naman ni Shone ang tinatawagan nito.

"Hello!" sagot ng baklang si Charlotte sa tawag makalipas ng ilang ring.

"Nasa'n na kayo? Nagwawala na naman ang bru rito!" Mahina ang boses na hestirikal agad ni Jolove sa kabilang linya. Nakatakip pa ang isag kamay nito sa bunganga nito para 'di ito marinig ni Shyne.

'Bru' ang tawag ng dalawang PA kay Shyne. Short cut ng BRUHA. Dahil bruha naman talaga ang dalaga. Sumikat lang ay akala mo kung sino na.

"Nandito pa kami Sanchi College. Nag-text naman ako sa staff diyan na male-late si Shone, ah?!" nakangiwi na rin si Charlotte.

"Oo! Pero kasi 'di na naman makapag-antay si Bru!"

"Ay grabe talaga 'yang babaeng 'yan!"

"Bilisan niyo na kasi! Baka magwalk-out na ito!"

"Sige! Sige!" At binaba na ni Charlotte ang phone. Nga lang ay 'di nito alam kung paano aagawin ang atensyon ni Shone ngayon. Paano'y parang nakapagkit na ang tingin ng binata sa babaeng nasa dulong upuan ng classroom. Sinubukan ng baklang kinalabit ito sa balikat, ngunit parang 'di naramdaman ng binata iyon.

•••

Kikibot-kibot ang mga labi ni Yolly kasi naman nate-tense na siya sa pagtitig na 'yon sa kanya ni Shone. Pakiramdam niya ay matutunaw na siya. Kung nakakakilig kanina, ngayon parang natatakot na siya sa binata. Grabe naman kasi kung makatitig sa kanya ito. Nakakatunaw.

"Ang ganda mo talaga girl! Parang pati si Shone, eh, inlababo sa 'yo agad?" kinikilig na bulong ni Diane sa kanya.

"Ano bang sinasabi mo?!" pasimpleng siko niya sa dalaga. Hindi siya naniniwala na magkakagusto si Shone sa kanya. Si Shone Ramirez 'yan, eh! Sikat 'yan, eh!

Kumilos si Shone. Palapit sa kinaroroonan nila. OMG!

"Hi!" at bati nito sa kanya na matamis ang ngiti.

Napakamot-batok naman si Charlotte na nasa likod ni Shone. Nabahala ito dahil ano bang ginagawa ni Shone? Kapag nagkaton ay siguradong laman na naman ito sa balita. Patay sila kay Shyne, lalo na sa mga managers. At pati na sa mga fans!

BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon