Part 4

90.3K 1.8K 217
                                    

Ganadung-ganado si Andy sa pagto-toothbrush sa banyo ng silid nilang mag-asawa.

"Hwaaahhh!" At check niya sa hininga niya. "Smell's good!" ta's kindat niya sa sarili nang maamoy niya ang fresh na hininga niya. Mahinang tapik-tapik din siya sa pisngi niya. Fresh na fresh ang kanyang hitsura dahil bagong shower siya. Topless lang din siya at tanging tuwalya ang nakabalabal sa kanya na hanggang tiyan.

Paniguradong matatakam sa kanya si Yolly 'pag labas niya ng banyo.

Hindi pa nakuntento, nagwisik din siya ng cologne.

"Hmmmm!" Ngiting amoy niya sa panlalaking cologne niya.

Tapos ay muling sinipat-sipat niya ang mukha. Pa-cute siya sa salamin. Nag-practice pa siya kung paano akitin si Yolly.

Ganado siya ngayon, eh. Ganado sa ano.. alam niyo na..

Lalabas na sana siya pero naisip niya munang magwarm-up. Nag-stretching muna siya ta's push-up.

"Hooohhh!" At sambit niya pagkatapos. Parang tanga lang. Parang sasabak sa boxing, eh.

At nang medyo pinagpawisan na siya at ready to fight na ay lumabas na nga siya sa banyo.

Kaso'y muntik nang malaglag ang panga niya sa nabungaran niya sa kanilang kama. Napakapit talaga siya sa hamba ng pinto ng banyo.

Ano 'to?! Bakit nasa kama nilang mag-asawa ang mga kambal?! Naman, oh!

"Tapos ka na? Tulog na tayo?" sabi sa kanya ni Yolly na nagbru-brush ng buhok nito bago matulog.

'Di mailarawan ang mukhang tinuro niya ang mga anak nila. "B-bakit sila andito?" ta's tanong niya na 'di alam kung maiinis o ano kasi mga anak niya nga ang mga ito.

"Dito sila matutulog sa tabi natin. Na-miss ko sila ng sobra, eh. Nanibago ako na wala sila sa tabi ko buong araw, okay lang naman 'di ba?"

Tabingi ang ngiti niya sa asawa. Three points na sana bokya pa?! Muntik na siyang mag-walling sa pagkadismaya! Nganga!

Lumaylay 'yong ano niya...

...'yung balikat niya! Hehe!

"Andy, halika na! Tulog na tayo!"

"Kasya ba tayo riyan?" 'di pa rin maayos ang mukha niyang tanong. Kamot-batok din siya.

"Oo naman. Ang laki naman ng kama, eh!"

"Sabi ko nga! Dapat kasi palitan na 'yan ng maliit, eh!" masama ang mukha niyang bulong.

"Anong sabi mo?"

"Haissssttt! Wala! Sabi ko tulog ka na! Patuyuin ko lang 'tong buhok ko!" Padabog siyang umupo sa gilid ng kama na kakamot-kamot ulo. Sayang 'yong push-up niya! Sayang 'yong tubig! Sayang 'yong colgate! At sayang 'yong cologne! Kainis!

"Andy, may problema ba?" pansin sa kanya ni Yolly.

"W-wala!!" busangot niyang sagot "Pero bukas papapalitan ko talaga 'tong kamang 'to!" dagdag pa niya pero sa isip na lang niya iyon.

"Grabe! Na-miss ko talaga ang mga anak ko!" Narinig niyang sabi ni Yolly na gigil na niyakap-yakap ang kanilang mga anak na tulog.

"'Yong si Andy Junior? 'Di mo na-miss?" nagawa niyang ibiro.

"Tse! Manahimik ka nga riyan!" Ngunit bato sa kanya ni Yolly ng unan.

BIHAG PARIN NG PANGIT (ANG NABUNTIS KONG PANGIT BOOK-2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon