CHAPTER 1

54 1 0
                                    

CKY Chapter 01

Today is Friday, sakto sweldo ko rin sa part time job ko. Makakabili na rin ako ng cellphone na gusto ko yipeee, excited na talaga ako. Kaya lang...hayy for sure madami ding tao sa restobar ngayon, syempre madaming magliliwaliw, araw ng sweldo eh. Naku po, baka madaming magrequest sakin *sigh*. Ooopps teka, bago kayo manghula kung anong work ko, eh magpapakilala na muna ako *winks*.

I am Alexis Jane Fuentes, 17 years of age, isang ulila pero may adopted parents naman ako... 4 years old ako nung mapunta ako sa orphanage, ang sabi nila nagcrash daw yung plane na sinasakyan namin ng family ko. My parents died sa hospital, ako naman naconfine daw dun tapos nung nagtagal ala pa rin daw akong kamag anak na dumadating kaya dinala na ako sa orphanage. Dun ko nakilala ang new parents ko, palagi sila bumibisita para sa charity works nila. Sobrang swerte ko nung dumating sila sa buhay ko. Masarap talaga yung pakiramdam na may Mommy at Daddy na nagmamahal at nag aalaga sayo. Pero syempre, mas masarap pa rin kung tunay na magulang *long sigh* tsk tsk ayoko ng ganito, ayoko ng malungkot. So maya na ulit ang kwento, need ko na pumasok sa work eh. Aysssst nga pala ang work ko po ay singer dito sa restobar namin. Yep NAMIN, kasi pag mamay ari to ng adopted parents ko, pero di alam ng workmates ko hihi.

"Good afternoon sa inyo!", bati ko sa mga katrabaho ko, 5pm na kasi...teka mukhang busy silang lahat. "Guys, ba't aligaga kayo?"say ko. Nagtataka na talaga ako eh, dati kasi petiks lang mga to.

"Hoy babae magready ka na kaya, nalimutan mo na ba? Ngayon po yung event", say ni Pia na pinandilatan pa ako ng mata.

"Easy, haha malaglag eyeballs mo sige ka, malabo pa naman mata ko, hindi kita matutulungang maghanap", pang aasar ko, sanay na naman sakin si Pia. Tsaka ganito talaga kami, sya ang bestfriend ko, at sya lang ang may alam sa true identity ko. Ay teka..."huh event?", tanong ko ulit.

"Oo, party?! Alam mo yun? Yung gathering? Tsk baliw ka!!! Magsstart na ng 6pm yun. Magbihis ka na kaya!" sigaw nya sakin

"Shooot! Ngayon nga pala yun, hahaha *piz* maiwan na kita dyan!", tapos dali dali na akong tumakbo sa qurters. Kaya pala busy ang lahat, kasi may nagrent ng whole place. Ang saya!!!  kasi triple nga pala ang bayad sakin ngayon, since ako na lang din yung napiling singer nung magpapaparty. After ko magbihis ng long sleeves na pink top tapos black na skinny jeans eh tumakbo na ako palabas, sisilipin ko lang kung madami ng tao. Shet bakit kinakabahan ako??? Eh palagi naman ako kumakanta sa harap ng madaming tao ah.

"Huy!!!", anak ng kamatis, may biglang nagsalita sa likod ko, titingnan ko na sana pero biglang lumapit yun mukha nya sa may left cheeks ko, at may ibinulong..."kaya mo yan". Tapos umalis na sya. Pagtingin ko, likod na lang nya ang nakita. Si Ryan, tama...si Ryan yung lumapit sakin kanina.

"Oh andyan ka na pala", say ni Pia na bigla na lang sumulpot.

"ah eh, oo...grabe ang dami naman nila, tsaka hello ba't parag mga bagets", nakakapagtaka lang kasi talaga, before kasi puro mga business gatherings ang ginagawa dito at mga matatanda na sila.

"Haha bakit? Gusto mo puro mga seryosong matatanda na naman ang magparty dito?",say ni Pia, ay juskupo na.mis interpret pa ang sinabi ko. Syempre mas masarap sa mata ang mga bata hoho.

"Sige, sumbong kita kay Dad, matatanda pala huh",say ko, tapos binelatan ko si Pia. Hahaha kasi naman si Dad at mga friends nya yung madalas nagpaparty dito whenever they have great deals sa mga business nila.

"To naman, wag mo na sabihin kay Uncle", say ni Pia while pouting her lips.

"Hahahaha pag iisipan ko *winks*, ay teka bukas samahan mo naman ako sa mall ha, alam mo na...yung phone na gusto ko eh bibilhin ko na", waaaah im so excited, bukas na talaga hohoho

CELLPHONE KO 'YAN!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon