Bakit hindi ako crush ng crush ko?

1.3K 8 5
                                    

Isa lamang akong inutil na studyante

Nangangarap balang araw mahalindog ang halimuyak

Masambit maramdaman ang pusong awa

Makita't tuluyang Ibigin ng Tunay.

Araw araw nangangarap makita't makasalubong siya

Kuntento nang malaman mapatingin ang mga mata

Tahimik subalit kaba't siyang nagpapalala

Ramdam kundi kasiyahan at kagalakan.

Malaking tanong crush din ba ako ng lokong iyon?

Oo nga hindi ako kasing gwapo tulad ni Piolo,

Hindi rin kasing talino ni Einstein

At lalong hindi kasing angas ni Chito

Ang mayroon lang ako ay prinsipyo't paninindigan.

Diyosa siya isa lamang akong kentongin

Mga kasama niya mukhang tao,

Mga kasama ko mukhang mga demonyo

Malaking tanong kung bakit.

KIlala siya't hangarin mapasakanya.

Sikat noh?

Ako? kilala lamang ng mga demonyong kaibigan,

Isama mo na rin ang mga lokong prof!

Talentado mapapalakpak ka sa kanya.

All in one este full package na.

E ako? Di hamak ballpen at libro lang ang alam hawakan

Isama mo na rin ang talento ko sa pagtulog, kahit anong pwesto yan

Basta malamig, partida!

Desente kung manamit,

Madalas kumain sa mga Food chain.

E ang lolo mo? tagpi tagpi, mga hiram ang kasuotan

Madalas Postdam at Budotskie lang ang daungan

Atleast naglevel up at hindi na nazie!

Iilan lamang yan sa madaming dahilan kung bakit

Hindi ako crush ng crush ko

Masakit man isipin sa panaginip nalang kita makakausap makakwentuhan.

Isang pala isipan kung bakit si Binay ay hindi pumuputi

Si mahal na hindi tumatangkad, at ikaw na hindi bumabata.

Anong konek? tulad ba ito, ako mula sa iyo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit hindi ako crush ng crush ko?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon