Chapter 3 You've got everybody fooled

61 3 1
                                    

-Beatrix's PoV-

Itong mga nakaraang araw parang may tinatago sakin si Jacen ramdam ko dahil girlfriend nya ako, si Lianna naman laging busy pero halata naman umiiwas sya sakin kung kailan kailangan ko ng Bestfriend saka naman sya wala. Ewan ko ba para akong napaparanoid nagsimula lang 'to nung tinanong ako ni Paul about kung paano ung Boyfriend at Bestfriend ko ay pinagkasundo ng mga magulang nila. Hindi kaya..... imposible

"Ini-Stress mo lang sarili mo Beatrix"sabi ko sa sarili ko.

-Jacen's PoV-

Sinabi sakin ng mga magulang ko na nalulugi na ang Company namin at halos wala na kaming pera sa banko.
The hell no, Ayokong maging mahirap hindi na ako makakasama sa gimik ng barkada ko ako pa naman laging nanlilibre sa kanila tapos ganito.Ang tanging solusyon lang naman ng problema ng pamilya ko ay si Lianna Aly,maganda,mabait at mas mayaman kaysa kay Beatrix. Mahal ko naman si Beatrix noon pero hindi na ngayon.

"Parang ang lalim ng iniisip mo pre" napahinto ako sa pag-iisip dahil tinapik ni Drew ang balikat ko.

"Si Beatrix ba ?" tanong nya nang makaupo sya sa tabi ko.

"Hindi ibang babae, yung bestfriend nya"sagot ko sa tanong nya.

"Grabe ka naman pre sa dinami-dami ng babae Ung Bestfriend pa ng Girlfriend mo" Sumbat nya sakin.

"Hindi ko sya gusto, Pareho ko silang hindi gusto pre!"sabi ko.

"Eh anong meron sa Bestfriend ni Beatrix?" tanong nya ulit.

Tumayo na ako para umalis na dito sa Bar.

"Ang dami mong tanong Pre" irita kong sabi sa kanya at naglakad na ako paalis sa kanya

"Nagtatanong lang pre Tss..." dinig kong sabi nya. Kinuha ko sa bulsa ko ang cellphone ko

"Lianna,kailangan nating magpakasal" txt ko sa kanya.

------------------------------------
-Lianna's PoV-
I received message galing kay Jacen

~Jacen~
{ Lianna,kailangan nating magpakasal }

What O_O ! Seryoso ba sya ? Hindi pwede iba ang gusto ko at lalong lalo na ayokong masaktan si Beatrix
I text him
{ Are you out of your mind? Hindi pwede.} Message send.

reply nya
{ wala kang magagawa dahil pumayag na ako } At talagang baliw na ang lalakeng 'to. Hindi ko na lang sya nireplyan but si Mama tinxt ko.

{ Mama sa ayaw at gusto niyo hindi ako papayag sa kasunduan niyo. Ok! }
and i turn off my phone.

-Paul's PoV-

Nakahanda na Face ko para sa mga Fafabells na makikita ko sa school mamaya and for sure marami na naman mabibighani sa Taglay kong Kagandahan.

"Mas makapal pa ang make up mo kesa sakin"Mataray na sabi ni Keira Pinzon pinsan kong pakeelamera habang nakatayo sya sa pinto ng kwarto ko. Pinapa-aral lang sya ni Mudra dahil wala ng magulang ang magpapa-aral sa kanya. Okay lang naman sakin nandito sya kaso kontrabida talaga sya sa Buhay kong Maganda.

"Di mo kasi matanggap na mas maganda ako sayo, CHE!!!"mataray ko ding sabi sa kanya habang naglalagay ako ng lipstick sa lips ko. Nagpa-pout pa ako sa harap ng salamin

"Okay fine pasalamat ka wala ang mga Magulang mo lalo na si Tito Greg kasi paniguradong itatakwil nya ang kaisa-isang anak nyang lalake"Mataray nyang sabi sakin at naka-smirk pa.
Ang alam kasi ng mga magulang ko Lalake ako at natatakot naman akong sabihin kasi ang aking Papi ay isang Police Chairman, Oh Diba !!!

"So isusumbong mo ako ha Bruhang Bakla?" mataray kong tanong sa kanya.
Pumasok sya at umupo sa bed ko.

"Hindi naman kita isusumbong basta bigyan mo lang ako ng pera, wala na din kasi akong pera" sambit nya sakin. Kapal talaga ng mukha nitong bruhang baklang 'to Kalerki!

"Pinapadalhan ka naman ni Mom ng pera and then manghihingi ka pa sakin"inis kong sabi sa kanya. Padabog akong tumayo at kinuha ko na ang Chanel Bag ko.

"Edi, isusumbong kita, ano kayang mangyayari kapag nalaman nila"napatigil ako sa sinabi nya.

Inhale, Exhale !!! kinakalma ko ang sarili ko dahil baka masabunutan ko itech na nasa likod ko.
"Magkano ba gusto bruhang bakla?"humarap ako sa kanya at nilabas ang Pink Barbie Wallet ko para kumuha ng perang ipanghahampas sa kanya. Tumayo naman sya sa pagkaka-upo sa Bed ko

"two thousand lang naman"Maarteng sabi nya at tumitingin-tingin pa talaga sa Pink Barbie Wallet ko.

"Oh!!!"nanghihinayang pa akong ibigay sa kanya itong pera, syempre pambili ko rin ng make-up itong 2000 na 'to oh!

Nahalata nya naman na nanghihinayang akong ibigay sa kanya yung pera kaya hinablot nya na kaagad sa makinis kong palad.

"Thanks Cousin"Ngiting tagumpay nyang sabi at akmang aalis na sa kwarto ko pero inunahan ko sya at sinadya kong itulak sya dahilan para bumagsak sya sa floor.

"Bye Bruhang Bakla"asar ko sa kanya at saka naglakad ng pa-catwalk.
Di pwedeng inaapi-api ako sa sarili kong bahay DUH!!! And Fyi isa lang ang driver namin kaya bahala syang maglakad tutal may pera naman akong binigay sa kanya. Ang arte-arte di naman maganda HAHAHA ~evil laugh~

-Lianna's PoV-
Nakayuko akong naglalakad sa hallway ng school namin, medyo masama ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa rin pumasok.

"Sorry"mahinang sabi ko sa nabangga ko ng hindi man lang tinitignan kung sino.Nilagpasan ko lang sya at naglakad na lang ulit.

"Lianna?"napatigil ako dahil alam ko kung kanino ang boses na yun. Hindi ko sya nilingon at pinagpatuloy ko na lang ang paglalakad ko.

"Lianna, Wait"sabi nya.

Naglakad ako ng mabilis pero ramdam kong tumakbo sya patungo sakin at hinawakan nya ang magkabilaang braso ko dahilan para mapaharap ako sa kanya

"Jacen, Ano ba ?"galit kong sigaw sa kanya dahilan ng pagkatingin sa amin ng mga estudyante dito sa hallway.

"We need to talk"mahinang sabi nya sakin. Tungkol na naman 'to sa arrange marriage.

"Ang init mo Lianna"halata sa boses nya na parang nag-aalala sya.Kinapa-kapa nya pa ang leeg at noo ko

"May lagnat ka Lianna, namumutla din ang mga labi mo"hinawakan nya ang labi ko agad ko din namang inalis ang kamay nya sa labi ko.

"Pwede ba layuan mo ako"taboy ko sa kanya pero bigla akong natumba dahil sa sobrang sakit ng ulo ko at ramdam ko rin ang mainit na buga ng bibig ko, agad din naman nya akong sinalo.

"Lian,gising"huling dinig ko sa kanya ng tuluyan ng mawalan ako ng malay.

-Jacen's PoV-
"Lian, gising!"sabi ko ng mawalan sya ng malay buti na lang at nasalo ko sya. Binuhat ko sya para dalhin sa clinic ng school namin.

"Tumabi nga kayo" Sigaw ko sa mga estudyante na nakaharang pa sa dinadaanan ko.Tumabi naman din sila . Mabilis ang lakad ko at halata ko rin na maraming nakatingin samin ni Lian.

"Anong nangyari sa kanya?"tanong agad ni Nurse Jean pagkapasok ko sa clinic

"Bigla na lang po syang hinimatay at sa tingin ko may lagnat po sya"sabi ko ng maihiga ko sya sa isa sa mga bed dito sa clinic.

Tinanggal ko backpack ni Lianna at iniligay ko sa katabing upuan ng kama.Nakita ko namang kumuha ng thermometer at gamot si Nurse Jean

"Sige na pumasok ka na sa klase mo Jacen ako na bahala kay Lianna"sabi ni Nurse Jean sakin habang inilalagay nya ung thermometer sa tainga ni Lian.

"babantayan ko na lang po si Lian" Magalang na sabi ko sa kanya.

"Kung yan ang gusto mo sige, i will let you."nakangiting sabi nya sakin. Buti na lang mabait si Nurse Jean kaya walang duda na maraming nagkakagusto sa kanyang mga estudyante dito sa school namin.

"Ipa-inom mo sa kanya 'tong gamot Jacen at aasikasuhin ko lang si Avery" ibinigay nya ang gamot at tubig sakin. Tinignan ko si Nurse Jean papunta kay Avery. Bakit nandito yang lalake na yan? Tss....Alam kong may pagtingin sya kay Lian at ayokong maagawan ako.

Di ko namalayan na mahigpit na pala ang hawak ko sa baso kaya itinuon ko na lang ang atensyon ko kay Lian. Hinawakan ko ang likod nya para mapa-upo ko sya, ipinainom ko sa kanya ung gamot. Inihiga ko ulit sya at kinumutan hanggang bewang lang nya .

A/N:Don't forget to vote, like and comment.

QotD: May gusto ba si Jacen kay Lianna?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend's Boyfriend is my FiancèTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon