[2]

10.3K 416 47
                                    


(BAM'S POV)

"So, ikaw yung maid na tinutukoy ni Dad?" tanong sa akin ng anak ni Mr. Austine nang makarating ako sa condo unit na tinutuluyan nya.

"Oo. Ako nga." Sabi ko sabay ngiti.

Well, maganda naman pala talaga 'tong anak ni Mr. Austine. Mukha siyang manika na nabuhay. Charot! Pero walang halong biro. Maganda talaga siya. Kasing level ko ang kagandahan nya!

Nagtaas siya ng kilay sa akin pagkatapos ay nag-cross arms siya. Lumapit siya sa akin at parang inaamoy-amoy ako pagkatapos ay inilapit nya ang mukha nya sa mukha ko na para bang sinusuri nya ang bawat sulok ng mukha ko. Napaatras naman ako dahil sa ginawa niya. Ano bang nahithit nito? Nakakatol ba 'to?

"Bakla ka ba?" tanong nya pagkatapos ay dumistansya na siya sa akin.

"Nope." Sagot ko naman dahilan para kumunot ang noo nya.

"Hindi ako bakla kasi Dyosa ako." Sabi ko sabay pose pa ng mala-Pia Wurtzbach.

"Tss. Kaya pala amoy pambabae yung pabango mo at pwede na ring sabitan ng basket yang false eyelashes mo sa sobrang haba. Mas lalaki pa ata sa'yo ang second name ko." Sabi nya habang nakataas pa rin ang kilay nya. Maldita ang peg ng bruha!

"Ano bang second name mo?"

"Louise." Sabi nya pagkatapos ay inextend nya ang braso nya papunta sa akin at inalok akong makipagkamayan sa kanya. "I'm Lykah Louise Austine. Wag mo na akong tawaging ma'am. Lykah is enough."

Inabot ko naman ang kamay nya at nginitian siya. May kabutihang taglay din pala ang bruhang 'to.

"Bamiel John Nervalle. Bam for short. Pero kung gusto mo, pwede mo akong tawaging Dyosa ng---"

"Yung katapat na kwarto ng kwarto ko ang magiging room mo. Ayusin mo na ang gamit mo pagkatapos ay ipagluto mo ako ng hapunan." Pagpuputol nya sa sasabihin ko sabay walk-out.

Napailing na lang ako pagkatapos ay inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng unit nya. Tanging kombinasyon ng coral pink at turquoise ang makikita sa kabuuan ng unit nya. Mahahalata mo na agad na babae ang nakatira dito dahil sa kombinasyon pa lang ng kulay.

Umakyat na ako at dumiretso sa magiging kwarto ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko, agad akong tumalon pahiga sa kama ko. Nagpagulong-gulong ako dito hanggang sa mapagod ako. Nung napagod na ako, tumitig naman ako sa kisame at nagmuni-muni.

Hindi kalakihan ang kwarto ko pero hindi rin naman maliit. Sapat lang para sa Dyosang tulad ko! Hayy. Na-miss ko tuloy yung dati kong kwarto. Triple ang laki nun dito.

"BAAAAAAAM!"

Agad akong napabangon ng makarinig ako ng sigaw mula sa kwarto ni Lykah. Tumakbo ako papunta dito at nakita ko siyang kalalabas pa lang ng CR. Nakatapis lang siya ng tuwalya habang nakahawak ang kanang kamay niya sa may tiyan niya tapos yung kaliwa naman ay sa may bewang niya. Para rin siyang namimilipit sa sobrang sakit. Nilapitan ko siya kahit na naiilang ako sa itsura nya ngayon. Inalalayan ko siya sa paglakad at pinaupo sa kama nya.

"Sushmita sen! Bakit bigla-bigla ka na lang sumisigaw? Para kang lumunok ng lapel! Nakakaloka! Eneng nengyere seye? Shontis ka ba? May cancer ka ba? Ano magsalita ka?!" sunod-sunod kong sabi habang kumukumpas-kumpas pa ang kamay ko.

"Would you please shut your annoying mouth? Tss. Meron ako ngayon at masakit ang puson ko!" sabi nya habang may matalim na tingin sa akin.

"Ibili mo ako ng napkin. Isang pad na lang pala ang meron ako. Bilisan mo!" sabi nya habang tinutulak-tulak ako.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon