[EPILOGUE]

14K 552 134
                                    


(LYKAH'S POV)

"Ma, hindi nga po ako makakapunta ngayon." Sabi ko sa nanay ko na nangugulit na puntahan ko siya sa La Luxe Restaurant para sabayan siyang mag-lunch.

"Hija, minsan na nga lang tayo sabay mag-lunch eh. Pumunta ka na dito."

"Hindi nga pwede, ma. Akala ko ba napag-usapan na natin 'to? May gagawin nga po kasi ako ngayon."

Last week nya pa ako kinukulit tungkol sa lunch na 'to pero sinabi ko na sa kanya na hindi ako makakapunta dahil ngayon namin imi-meet yung lolo ni Bam.

"Ma, ibababa ko na po ang tawag." Sabi ko pagkatapos ay inend ko na ang tawag.

"Baka naman may importanteng sasabihin yung mama mo kaya ka niya kinukulit." Sabi sa akin ni Bam.

Nasa loob kami ngayon ng kotse at ilang minuto na kaming nandito. Nasa tapat kami ng isang restaurant na hindi ko naman makita ang pangalan. Dito niya daw kasi imi-meet yung lolo niya pati yung pamilya ng babaeng nakatakdang ikasal sa kanya.

"Sigurado ka ba dito, Bam? Paano kung magalit sa'yo ang lolo mo? Paano kung hindi nya kayo tulungan? Pakasalan mo na lang kaya yung---"

"Lykah, ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo na ayoko?" Inis niyang sabi sa akin sabay tingin sa labas ng kotse.

"S-Sorry." Sabi ko pagkatapos ay hinawakan ko ang kamay niya.

Humarap siya sa akin pagkatapos ay hinatak niya ako palapit sa kanya at niyakap.

"Ikaw lang ang babaeng gusto kong pakasalan." Bulong niya sa akin.

Mahina ko siyang hinampas sa may dibdib dahil sa sinabi niya. Napatawa naman siya.

"Tara na. Baka naiinip na ang lolo mo kakahintay sa'yo sa loob."

Tumango siya bilang sagot tapos nauna na siyang bumaba ng kotse pagkatapos ay pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Magkahawak kamay kaming pumasok sa loob ng restaurant. Agad naman naming natanaw ang lolo niya. Nakaharap siya sa direksyon namin kaya madali namin siyang nakita. May kausap siyang isang matandang lalaki at isang babae na sa tingin ko ay nasa mid 40's. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil parang pamilyar sa akin ang pigura nung dalawang kausap ng lolo ni Bam. Pero imposible namang sila yun.

Malayo pa lang kami ay naririnig na namin ang pag-uusap nila dahil kakaunti lang naman ang tao dito sa loob ng restaurant.

"I'm sure that my grandson will really come but how about your granddaughter?" tanong ng lolo ni Bam.

"Kinausap na ng anak ko ang anak niya. Hindi niya sinabing tungkol sa arranged marriage ang dahilan kung bakit namin siya pinapapunta dito kaso sadyang makulit ang batang yun. Ayaw niya talagang pumunta." Sagot naman nung matandang lalaking kaharap niya.

"Paano na lang kung dumating na yung apo ko tapos hindi pa rin dumating yung apo mo? Ayokong mapahiya sa apo ko." Dagdag pa ng lolo ni Bam.

Napailing na lang yung dalawang kausap niya dahil sa sinabi niya.

Mahigpit na hinawakan ni Bam ang kamay ko nung ilang hakbang na lang ang layo namin mula sa kanila.

"Lolo." Tawag ni Bam sa lolo niya dahilan para mag-angat ito ng tingin sa aming dalawa.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa aming dalawa pagkatapos ay napatingin din sa kamay naming magkahawak. Napakunot ang noo niya. Kinabahan ako lalo. Natatakot ako sa maaaring mangyari kay Bam.

BAM, THE BEKI MAIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon