Chapter 6

1.1K 48 13
                                    

"Dude. Aalis na kami." sabi ni TOP kay Jiyong. Tumango lang si Jiyong.




"Hindi ka pa ba uuwi? Namimiss ka na nila tita." 





"Uuwi ako kung gusto ko."





"Sus, G-Dragon. Alam kong walang pang isang linggo, wala ka na dito sa gubat na to."





Sino si G-Dragon? Pen name niya ba yun? Anyways, naglakad na kami paalis ng tawagin ako ni Jiyong.






"D-dara!" hinarap ko siya at nakita kong namumula yung tenga niya. Agad siyang umiling at tumalikod na.





"Uyyyy~~" pang-aasar nila Bom at Chae sakin. Sila TOP at Seungri ay may sariling pinag-uusapan. Mukha nga silang seryoso sa pinag-uusapan nila.





***





Nandito na kami sa van ni TOP. Dapat ay doon kami sasakay sa kotse namin pero nagprisinta si TOP na ihatid kami at siya na ang mag-uuwi ng kotse namin. Kotse namin kasi pinaghati-hatian namin yung bayad sa kotseng iyan.





Natuwa din naman yung matanda dahil maayos kaming nakalabas. Hindi na namin kwinento yung tungkol kay Jiyong. Pero nakakapagtaka dahil mukhang kilalang kilala na nung matanda sila TOP at Seungri.






"Ikaw si Seungri?!" naka-earphone na ako pero nagising pa din ako dahil sa sigaw ni Chae. Masama siyang nakatingin kay Seungri.





"Ikaw si CL?!" tanong naman ni Seungri at nakaturo pa kay Chae. CL. Initials yun ng full name ni Chae. Chaelin Lee.

His Property (DaraGon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon