Chapter 10

964 44 17
                                    

A/N: Magdidiwang tayo dahil #9 na sa Vampire yung Marked by the Vampire! Fudge omg. Nakapasok sa Top 10 ;_; Achievement unlock mga beh. iyaq na.

***

Sandara's POV

Nandito ako sa kotse papunta sa bahay namin sa Manila. Yep. Nasa Pilipinas na ako! Hindi ko pa sinasabi kela Bom at Chaerin dahil gusto kong isurprise sila. Na-enjoy ko din yung Korea kahit na isang linggo lang akong nag-stay doon. Pinauna na din akong umuwi ni Mama dahil next three months pa daw siya makakauwi. Mukhang magbi-business si Mama doon.



"Mang Ben, hintayin niyo po ako dito ha. Magpapahatid ako papunta kela Bom." bumaba na ako sa kotse at tinulungan naman ako ni Mang ben na kunin yung maleta ko.



***

Bom's POV

It's been a week! Hindi pa din umuuwi si Sandy. Nandito na naman kami sa bahay nila Jiyong. Halos naging tambayan na namin to. Dito na nga yata natutulog sila Seungri at TOP. Binabantayan nila si Jiyong.



"Sandara..." napatingin kaming lahat kay Jiyong na nakaupo sa hagdanan. Mukhang wala siyang tulog! Tapos sandara pa siya ng sandara. Hala na lang teh! Sabog omg.



"Mukha kang natatae." muntik ko ng masuntok si TOP dahil sa sinabi niya. Inirapan ko siya at tumawa naman siya ng napakalakas.



"Hoy? Anong nangyayari sa inyo dyan?" tanong ni Chae.



"Hayaan mo na sila, CL. Nagkakamabutihan na yan." pang-aasar ni Seungri. Inirapan ko siya at tinawanan lang din niya ako. Aba aBAAAA!!



"Chill..." bulong ni TOP at siniko ko siya. Bagay lang sayo yan.



"S-seungri! Please call her." napatingin kaming lahat kay Jiyong na nakahawak sa balikat ni Seungri.



"D-dude! S-saglit lang." sabi ni Seungri at nagpalipat lipat ng tingin samin ni Chae. Napabuntong hininga si Chae at nilabas ang cellphone niya. Naka-ilang tawag siya pero mukhang walang sumasagot.



"Unattended yung phone niya." biglang lumamig yung ihip ng hangin dahil sa sinabi ni Chae. Sumulyap ako sa cellphone na hawak ni Jiyong. Jusko! Halos magbend na yun!



"Give me her number." mariing sabi ni Jiyong. Dahil sa takot ni Chae ay binigay niya agad yung number ni Sandy.



Nakailang tawag din si Jiyong at ang dilim dilim na ng aura niya. Naimagine ko tuloy na baka bigla na lang siyang maging halimaw dyan tas papatayin niya kaming lahat--



"Hoy. Anong iniisip mo dyan?" nagising ako sa katotohanan dahil sa bulong ni TOP. Siniko ko siya pero tumawa lang siya. Kokey!



"DAMN IT!" napaatras ako dahil sa sudden outburst ni Jiyong. No! Halos kaming lahat ay napa-atras.



"Dude---"



"NO! I want to talk to her!" nagdial ulit siya at makalipas ang ilang segundo ay nanlaki ang mga mata niya at namula na lang bigla yung tenga niya. What's happening?



Lalapit na sana sila TOP at Seungri para tignan kung okay lang ba siya pero bago pa sila makalapit ay hinagis na ni Jiyong yung cellphone niya. Napanganga kaming lahat.



His Property (DaraGon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon