Chapter 14

782 30 9
                                    

A/N: Almost 7 months din pala akong hindi nakapag update 😂 Nag try akong magsulat ng chapter 14 nung July 6 kaso hanggang author's note lang yung nasulat ko. Kaya pala nawalan ako ng gana kasi nasira yung cellphone ko pati yung charger ng laptop namin. Kaya hindi ko talaga alam kung paano ako maga-update hanggang sa magkaron ako ng writer's block tapos hanggang sa mawalan na rin ako ng gana kasi akala ko walang nagbabasa neto. Tsaka sobrang busy din talaga dahil sa school works. Nakakapag basa naman ako ng mga comments tsaka ng mga updates sa library ko pero di ko talaga keri na mag-isip ng update. Ginaganahan ako kapag may nag cocomment na "Update~~~~~~" kaso hindi ko talaga alam kung paano iupdate to kasi ang tagal na din. Pero pinaka ginanahan ako dahil 2017 na at dahil na din sa comment ni kimtae2143. I'm so tats ya know? ;A; HAPPY NEW YEAR! Sana regular na yung update ko. Slow update man pero sana matapos ko na to 😂

- - - - -

DARA's POV

Kanina pa ako naririndi dahil sa mga tanong ni Bom sakin. Wala si Chae dahil may meeting ata sa agency niya.

"Ano kasi yung nangyari? Bakit ang sweet niya sa instagram! He even took a stolen photo of you!" Sabi ni Bom. Pinag salikop niya yung mga kamay niya at tumingin pa sa itaas na akala mo'y may rainbow doon.


"Sweet na yon sayo? Pinicturan lang naman eh." Sabi ko kahit na alam kong sa sarili kong kinikilig din ako. Sino ba namang hindi kikiligin doon?!

"Haaaay! Binasa mo ba yung caption?!" Tanong niya at tumango ako.


"The most beautiful girl that I have ever seen..." sabi ni Bom at hindi ko mapigilan na hindi lumayo sa kanya nung tumili siya.


"Bom! Gabi na! Tumigil na sa kakasigaw!" Pasigaw na bulong ni Mommy. Agad namang humingi ng tawad si Bom.

"Buti nga sayo. Ingay ingay kasi." Sabi ko at binelatan siya.


. . .

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga para mag exercise saglit. Kinuha ko ang cellphone ko pati na din ang earphone ko at umalis na.




Habang nasa isang parke ako at naka-upo sa isang swing ay may tumakip sa mata ko.




"Donghae?" Sabi ko at tinanggal naman niya ang kamay niya at naupo sa tabing swing.



"Sorry ulit sa kahapon. Nakalimutan ko talaga eh. Babawi ako! Promise! Manood tayo ng sine mamaya. Or kung saan mo gusto!" Sabi niya



"Hindi ako pwede, Hae. Kailangan ko ng energy kasi may pupuntahan ulit kami bukas."



"Hmm? Saan naman? Nagtatampo na ako ah. Hindi mo pa ako naisasama sa mga gala niyo." Tinignan ko siya ng nakakaloko at mukhang na gets niya naman agad dahil tinignan niya ako ng masama.



"It's not that I'm gay! It's just that... I wanna be with you. E-even just for a whole day. Kahit pa kasama si Bom or si Chaerin."



Ako? Nganga.



. . .




"Kaya ayokong sabihin sayo yun eh! Iiwasan mo ko!" Sabi ni Donghae at ngumuso.



That pout... it reminds me of Jiyong. Kamusta na kaya siya? Nalaman kong siya pala yung parang psycho noonf kausap ko si Bom. I still don't know the real reason. Bahala sila dyan.




"Hey? Are you still listening? Kumain na daw tayo sabi ni Tita." Sabi ni Donghae at kinuha ang kamay ko at itinayo ako.



. . .




Habang kumakain kami ay hindi mapigilan ni Mama na hindi tanungin si Donghae ng tungkol sa akin.




"Ligawan mo na kasi, hijo! Baka maunahan ka pa ng iba!" Sabi ni Mama kay Donghae. Napahawak naman si Donghae sa batok niya at napayuko. I saw his ears! It was red as a tomato!



"Mukhang ayaw pa po ni Sandy eh." Sabi niya at nahihiyang tumingin sakin eh.



Binaling naman ni Mama ang tingin niya sakin at tinitigan ako ng masama.



"Ang tanda tanda mo na pero wala ka pa ding nobyo?! Aba't bakit ayaw mong magpaligaw kay Donghae? Gwapo na, mabait pa! Hahanap ka pa ba ng iba?" Sabi ni Mama at napailing na lang ako. Ilang taon na din kaming magkaibigan ni Donghae at ilang taon na din siyang tinutulak ni Mama para sakin.




But he's just too good for me.




"Sayang naman si Donghae kapag binasted mo lang." Sabi pa ni Mama at tumingin kay Donghae.




"S-sandy... A-ano na?" Tanong ni Donghae. Pareho kaming nagulat ni Mama dahil ang tagal na simula noong tinanong ako ni Donghae tungkol dito.



"Ang tagal ko ng naghihintay. Pero kayang kaya ko pa. Kahit na next year pa yan o next five years o kahit ano pa. Basta sa akin ang bagsak mo. Maghihintay ako kahit kailan." Sabi ni Donghae.



Sobrang awkward dahil hindi ko alam yung sasabihin ko. Katabi ko pa siya! Nararamdaman kong parehas sila ni Mama na naghihintay sa sagot ko ng may mag door bell.



Whoever you are, Thank you!



Bulong ko sa sarili ko at nagmadaling pumunta sa pinto. Pag bukas ko ay napatunganga na lang ako.



"Hey." Si Jiyong.

His Property (DaraGon)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon