JHO's POV
Sobrang ganda ng gising ko mga beh! Alam nyo naman na siguro kung bakit diba? Ikaw kaya gumising ng isang Bea De Leon ang katabi at nakayakap sayo, hindi ba gaganda ang gising mo? Hays 😍 Cute-cute niya kapag tulog promise! Alam mo yung ang amo pero ang hot pa rin lalo na't mapapatitig ka sa lips niya? Asdfghjkl. LANDIIII. Agang-aga ee! HAHAHAHA 😍 So yun nga, medyo maaga ako nagising kaya tumayo na ako dahan-dahan at nagcr. Tapos bumaba para tulungan si mama na magprepare ng almusal. Iwan ko muna si Bei. Sarap na sarap sa tulog ee. Pagod dahil sa byahe, sa sobrang enjoy at sa paggawa ng school works kagabi.
" Hi Ma. Good morning ☺️ Tulungan na kita dyan. Madami tayong mag-aalmusal dito sa bahay ee."
" Good morning Ate Jhow! Naks. Aga nagising ah. Parang kapag andito ka sa atin, tanghali ka gumising kasi sasabihin mo nagbabawi ka ng tulog. Hahahaha" - Mama
" Eh iba naman ngayon Ma. May kasama ako sa kwartong bisita tsaka may lakad ako diba? Skills Camp sa UB, remember?"
" Sus! Ngayon ka pa nanibago eh lagi naman kayong magkasama ni Bea ah. Kahit sa kanila, tabi kayo matulog! Hahaha. Wag ako anak." - Mama
"Harot yan si Ate, Mama! Chansing din talaga minsan kay ate Bea. Galawang hokageng pabebe yan ee. HAHAHAHA" - Jaja
Ay ayon! May nagising na epal na piggy. Inaasar na nga ako ni Mama, may nakisali pa! Ay nako! Sapakin ko 'to ee. Pero joke lang. Mahal na mahal ko yang si Jaja kahit lagi kong binubully no. Nag-iisa kong kapatid ee.
" Epal naman po talaga nung nagsalita ee. Wala kasing lovelife! Kaya bitter sa akin. Hays. Okay lang yan kapatid. Makakahanap ka rin."
" Ako? Maiinggit? Aba ate! Baka hindi mo alam, malakas appeal ko! Wag kang ano dyan. At oo talaga! Kakain ako ng madami. Magkasakit pa ko no." - Jaja
" Ay ganon? Malakas ang appeal? San banda neng? Sa bilbil mo? Ay iba. Hahahaha. Sabi sayo mama ee. Madami tayong kakain ngayong breakfast. Kay Jaja pa lang, 3 na 😂"
Tapos nakakita ako ng lumilipad na unan papunta sakin kaya agad akong yumuko. HAHAHAHAHA. Pikon talaga nito! Jusko. Mas malma sakin ee. Kapatid ko nga naman 😂😂😂
" Hoy hoy hoy. Tigilan nyo na pag-aasaran dyan. Maghayin na kayo at pagkatapos ay gisingin mo na Jho si Bea. Mabilis ang oras. Malate pa kayo sa skills camp. Okay?" - Mama
At dahil masunurin kami ni Jaja, tinigilan na namin ang pag-aasaran at naghayin na. Agad ko namang pinuntahan ang beadel ko sa kwarto ko para gisingin.
Kaso bago ko pa siya malapitan. Nakita ko na siya sa medyo bukas kong pinto na nakangiting inaayos ang kama ko. Yung mga stuffed toys. Basta lahat ng pwedeng ayusin sa kwarto ko. I really admire her so much. Not just with her physical attributes but also her flaws. She's very simple. Mababaw ang kaligayahan at talagang sobrang maeffort and sweet basta sa taong mahal niya. Sobrang swerte ko ❤️
Nilapitan ko siya dahan-dahan habang nakatalikod siya sakin at nakadungaw lang sa bintana. Niyakap ko siya ng mahigpit at inamoy-amoy yung likod niya. Ang bango 😍☺️
" Hi Beh. Good morning po 😊"
Naramdaman ko namang medyo nagulat siya kaya't napangiti ako ng bahagya at nakinig kong napatawa siya. Humarap siya sakin at hinalikan ako sa noo. Sweet ❤️
" Nagulat ako dun beh ha? Hahaha. Good morning too! Aga mo naman nagising. Sana ginising mo na din ako para sabay tayo." - Bea
" Sarap na sarap ka kaya sa pagkakatulog mo. Guguluhin pa ba kita? Syempre hindi no. Kailangan mong magrest kasi alam kong stressed ka sa school works. Buti nga tapos ka na ee. Exams na lang problema mo."
BINABASA MO ANG
This Time For Real #AllYou (Jhobea Ganaps)
FanfictionJhobea Ganaps x Imagination = KILIG