"MOST SUPPORTIVE BESTFRIEND AWARD GOES TO ME"

4.6K 74 15
                                    


Jho.

Nasa mall kami ngayon ni Ged. Matchy-matchy pa nga kami ee. Literal na friendship goals. Hahaha. Hay nako.

"Oy Jhow. Ba't ba ang tahimik at tamlay mo na naman? Pangiti-ngiti ka lang dyan sa mga kwento ko. Pasok tayo ng pasok sa mga clothing stores tapos hahawakan mo lang naman yung mga damit. In short, ba't ka lutang? Hahahaha."

Tawang-tawa na sabi ni Ged. Luh. Wala namang nakakatawa sa sinabi niya ee. Nagjoke ba siya? Hahaha.

"Kalma bes. Hahaha. Eh kasi pagod ako. Bukod sa araw-araw na training, may class pa, tapos nagawa ng thesis tapos talagang kulang sa tulog. Kaya ganon."

Nakita ko naman siyang napasmirk. Luh. What now Ged?

"Ahhh. Eh yun lang ba talaga? Sa pagkakaalam ko, wala namang bago sa sistema mo na yan ee. Nakayanan mo na lagi kang hyper kahit ganyan student-athlete life mo, eh bakit ngayon ka lang ganyan? Baka naman kasi may kulang. Hahaha."

So here's Ged the Bully. Daming alam! Sus.

"Luh. Praning ka lang. Walang kulang. Sadyang sobrang pagod lang. Umayos ka nga. May makarinig sayo dyan ee."

Palusot pa Jhoana Louisse. Dyan ka magaling. Tssss.

"Talaga? Walang kulang? Kahit si Bea? Hindi kakulangan sa sistema mo? Hahahaha."

Binanggit pa talaga ee! Kupal din. Mamaya may makarinig talaga! Tsss.

"Aray ko Jhow! Ba't ka ba nananapok ha? Sakit nun! Volleyball player ka nga! Tsss."

"Masasaktan ka talaga sakin. Ang ingay mo ee. May makarinig sayo! Ay nako. Wag ka ng makulit. Oo na, tama na yang iniisip mo. Tigilan mo na pagbanggit sa pangalan."

Asar kong sabi. Napatawa naman 'tong katabi ko. Parang kanina lang nagrereklamo sa sakit nung pagkakahampas ko tapos ngayon, tatawa. Anuna?

"I knew it! Hahaha. Eh bakit na naman ba kasi? Akala ko okay na? Tampuhan pa more. Di healthy yan. Kaya ka nawawalan ng medal ee. Lagi kasing lutang! Hahaha."

Ugh. Irritating! Pinaalala niya pa yung medal ko na nawala nung finals sa svl :( Grabeeee! Sayang yun! Hays.

"Shut up! Pinaalala pa yung medal ko! Huhu. Anyways, sorry na. Alam mo namang nasa sistema ko na yung si Beatriz sa araw-araw kaya talagang kulang kung di ko nakakausap ng maayos yun."

"Eh bakit nga kasi? Alam kong may tampuhan kayo nung game 2 sa finals ng svl pero diba sabi mo, okay na? Eh ba't ganyan ka pa rin?"

Bakit nga ba? Hays.

"Okay na nga. Kaso ewan ko din ee. Para kasing may kulang, di kami ganun kasweet :( Huhu. Parang may nagbago! Ako yung tampo Ged ee. Pero bakit parang hindi nag-eeffort si Bea na maging sweet? Nubayan!"

Tinawanan na naman ako nitong si Ged. Yung totoo? Wala namang nakakatawa sa sinabi ko ah. Kanina pa siya. Kakairita na. Tsss.

"Hahahaha. Ayun naman pala. Gusto ng lambing. Eh sira ka pala ee! Paano ka lalambingin nung isa ng maayos? Eh busy ka. Tinatanggihan mo kaya! Edi syempre, iintindihin ka ni Bea. Kaya ang ending, lalabas na lang siya with friends. Yun yon!"

Napaisip naman daw ako. May point siya. Pero duh. Hindi yun ang usual na Beatriz ko! Kahit busy ako, willing yun sumama sakin everywhere kahit hindi ko siya masyado naaasikaso o kahit magdamag akong nakaharap sa laptop. Basta nasa tabi ko lang yun at hahawak-hawakan ang kamay ko, biglang manghahalik sa cheeks, mangyayakap. Ganon!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

This Time For Real #AllYou (Jhobea Ganaps)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon