DOHA, QATAR

3.1K 45 1
                                    

BEA's POV

Ang lungkot ko lang 😔 Ilang araw mawawala si Jho dahil pupunta siyang Doha. May laban sila dun kasama si Ate Ly, Ate Den at Ate Kiwi. Ba't di ako kasama? Huhuhu. Charot lang 😫

" Beh? Pansinin mo naman ako kahit konti. Grabe ka naman ee. Ilang araw mo ko hindi makikita no! Sulitin mo naman! Hahaha 😂" - Jho

Parang baliw naman si Jho ee. Pinapaalala pang ilang araw ko siyang hindi makikita 🙄 Gusto ko man sulitin, nangingibabaw ang lungkot! Promise. Huhu. Pero request niyang sulitin na. So okay 😭

" Sorry beh. Daya naman kasi! Ba't di ako kasali dun? Sino ba nag-organize dun? Grabe siya sakin ee. Akala ko makakapagbonding tayo ulit ng magkasama sa labas ng bansa, hindi pala. Hayss. Inggit ako sa AlyDen! Dapat may Jhobea din! 😭"

" HAHAHAHA. Parang bata 'to! Hayaan mo na. Bawi tayo pagbalik ko okay? Halika na. Quality time na tayo. Bawal ang cold at malungkot. Palalayasin ko! 😂" - Jho

" Ay wow! Nasa bahay namin ikaw tapos ako pa palalayasin? Grabe ka! Ikaw ba De Leon sating dalawa ha?"

" HAHAHAHA. Gagalit! 😂 Hindi pa ko De Leon ee, hindi pa tayo kasal ee." - Jho

Yan! Yan ang mamimiss ko kay Jho! Yung personal at on the spot niyang pagpapakilig sakin. Shetmalu naman! Huhu 😭

" Wag kang ano dyan Jho. Galing mo na namang magpakilig tapos iiwan mo din naman ako bukas! Pakasal na tayo ngayon! Tapos bukas honeymoon! Sama ako sa Doha, dun na la--"

Binatukan ako guys! Ang sadista! Grabe guys oh. Sinasaktan ako!

" Parang tanga ee! Hahaha. Kinikilig ka lang, ang dami pang alam! Umayos ka na. Sayang oras! Jusme. Lika na dito! Laki-laki mong tao, napakamatampuhin! Justemels po talaga ate girl!" - Jho

Wala na akong nagawa. Tama naman siya. Sulitin na lang talaga at kahit umiyak ako ng dugo, di pa rin ako kasama. Hays 😭 Andito lang kami sa bahay. Sa kwarto ko actually. Kain lang ng kain. Movie Marathon. Kwentuhan. Lambingan. Tawanan then Repeat! Hanggang sa makaramdam na kami ng pagod at antok. Kaya ito, sleeping time na. As usual, we're the clingy type. Magkahug kami habang nakahiga.

" Jho, ingat ka dun ha? Papabantayan kita kay Ate Ly. Gets niya na yun. I'll miss you so much. Enjoy and goodluck sa game okay?"

" Thank you, Bei! Yes po. Mag-iingat ako dun. Gagalingan sa game at mag-eenjoy. Babalik naman ako ee. Intay ka lang. Makakapag-usap naman tayo kaso di ganun kadalas. Basta I'll keep you updated as soon as I can okay? Don't worry 😊" - Jho

" Dapat lang no! Ano ka naman? Gusto mong mag-alala ako dito? Hahaha. Hatid kita bukas sa Airport?"

" Wag na beh. Si Manong ang maghahatid samin. Wag ka ng mag-alala. Hangga't andito pa ko sa Pilipinas, itetext kita lagi. Lagi namang ganun set up natin ah. Hahaha" - Jho

" Ay ganon? Daya naman ni Manong! Hiwalay ka na lang. Ako na maghahatid sayo."

Tiningnan naman ako ni Jho sa mata na parang sinasabing " Bea, wag ng makulit." So yeah, talo ako. Hays 😭

" Sabi ko nga si Manong na maghahatid sa Airport ee. Hatid na lang kita bukas sa dorm. Dun kayo susunduin ni Manong diba?"

" Yes." - Jho

" Okay. Got it. Sleep na tayo. Maaga kita ihahatid sa dorm para mahaba yung oras mo sa pag-aayos ng gamit. Goodnight! I love you!"

This Time For Real #AllYou (Jhobea Ganaps)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon