Prologue

12 2 0
                                    

Eto na. Gagawin ko na. Masakit na kasi eh ! Masaklap na masyado. Hindi ko na kaya. Wala na nga akong mga magulang. Nawala na rin ang bestfriend ko. Pati ba naman ang mga natitirang ala-ala nila kinuha pa ? Sa lahat naman ata ng pwedeng nakawin bakit yung napakalumang kahon pa ang ninakaw ? Hindi naman yun antique eh ! simpleng kahon lang yun ! Ay mali, hindi yun isang simpleng kahon. Napakahiwagang kahon. Nasa loob 'nun ang mga ala-ala mula sa mga yumao kong mahal sa buhay. Ala-ala na walang kamatayan at hindi kumukupas. Ala-ala na sa tuwing binubuksan mo ang kahon. Lumalabas ang mga napakagandang imahe nga mga pangyayari na nangyari sa buhay noong kasama ko pa sila, buhay at masaya. Pero Ala-ala nalang yun lahat. Dahil hindi ko na mababalik ang nakaraan. Kaya ang kahon na 'yun nalang ang natitirang pinakaimportanteng bagay sa buhay ko.

Ang kahon ko ! Inay ! Itay ! Bespren ! Patawarin nyo po ako pero kailangan ko pong lumabas mula sa pagiging pangit ko. Mula sa pangit kong kaanyuan. Kailangan ko pong gamitin ang natitira kong lakas upang mahanap ko ang kahon. Kailangan ko pong bumalik sa dati kong anyo. Bahala na. Lalagyan ko nalang po ng taghiyawat ang mukha ko upang hindi nila masyadong mapansin ang angkin kong kagandahanh. Kailangan ko pong mahanap ang kahon tatlong buwan mula ngayon. Dahil kung hindi, magsisilbi nalang talaga kayong ala-ala habambuhay. At ayokong mangyari yun! kahit mahirap. Gagawin ko ang natitirang paraan upang bumalik kayo sa piling ko.

At ang paraang yun ang kailangan kong gawin. Ang bumalik sa mundo ng mga tao ng walang pagbabalat kayo. Hindi na ulit ako magpapapanggap na pangit. Ngayon, ipapakita ko na kung ano talaga ako. Kailangan ko lang magin maingat upang hindi nila makita ang kapangyarihan ko.

Kailangan kong mahanap ang nagnakaw sa kahon ko. Kailangan ko siyang dalhin pabalik sa kaharian ko. At mahabaging awa naman ! Sana hindi pa ako nahihibang sa mga oras na yun !

EvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon