Una

10 1 7
                                    

Gamit ang natitira kong lakas. Gumawa ako ng lagusan papunta sa mundo ng mga tao. Mga taong mas may utak pa sa mga uri namin. Pero ang pag-iisip nila ay ang pinaka-ayaw ko sa lahat. Lahat sila hindi nakokontento. Lahat sila gustong makamit ang higit pa sa kung anong meron sila sa buhay nila. Bakit hindi nalang sila maging masaya sa buhay nila ? bakit kailangan pa  nila ang mga materyal na bagay para sumaya ?

Eto ang ayaw ko sa mga tao. Sila dapat ang pinakamaswerte sa lahat sapagkat meron silang natatanging pag-iisip na wala sa lahat ng mga nilikha, mapa hayop man o maging isang tulad kong Evoi . Evoi, ang tawag saming mga nilalang na may kapangyarihan pero ang pag-iisip namin ay hindi konektado sa aming nararamdaman. Kaya kahit na nasasaktan kami ay hindi naaapektuhan ang pag-iisip namin. Hindi ko naranasang maging masaya,hindi ko naranasang umiyak, at hindi ko naranasang masaktan.

Pero ang mga Evoi na katulad ko ay magkakaroon lamang ng koneksyon sa damdamin namin kapag naranasan na namin ang pinakamahiwagang pakiramdam sa lahat. Ang " Pagmamahal " . Nagiging konektado lamang ang pag-iisip at damdamin namin kapag naranasan na naming umibig. Pero hindi ko pa alam kung totoo ba iyon. Dahil wala samin ang nakaranas ng pag-ibig.

Isang mahiwagang kapangyarihan ang pwedeng mapasayo kapag naranasan mong umibig. Pero niisa samin hindi nakuha ang napakahiwagang kapangyarihan. Mahirap umibig. Yun palagi ang sinasabi nila. Kailangan ng Puso. Pero wala akong puso, hinding hindi ako magkakaroon ng puso.

Sa wakas nakagawa na rin ako ng lagusan. Nakikita ko na ang mga tao . Oo, mga tao, naglalakad papunta sa kani-kanilang destinasyon. Sobrang abala nila sa isa't-isa. ayos ang lagusan ko ngayon! atleast, wala masyadong makakapansin sa'ken dahil masyadong abala ang mga tao dito. Magaling! 

Oras na yata para pansamantala muna akong umalis sa kaharian ko. Eto na ang huling tapak ko sa kaharian ko. Mamimiss ko ang mga Evoi. Mamimiss ko ang kaharian ng Evoiyyaj.

Tumapak na ako palabas. At tama nga ako. walang nakapansin saken. Maliban sa isang tagalupa na nasa harapan ko ngayon.

Nakanganga siya habang nakatingin saken. Magkaharap kami sa isa't isa. Hindi ko mawari kung anong iniisip niya at kung anong nararamdaman niya. Nakanganga siya at nanlalaki ang mga mata niya. Nakatabingi na ang maliit na salamin sa mukha niya. Parang salamin ko lang dati nung nagbabalat kayo ako bilang isang pangit? Nakasalamin din ako nun ?

Ang puti niya. Ang ganda ng buhok niya. Ang mga mata niya, ang ganda ng kulay, kulay blue . Ang ilong niya, sobrang tangos. Matangkad siya. Pero payatot. Hmm. not bad ikanga.

" hi " Nakangiti kong bati sa kanya na nagdulot sa kanya ng hindi ko inaasahang mangyayari. Nahimatay siya ! Hala ? Isang tagalupa nahimatay ? Anong dapat kong gawin ? Teka nga lang.

Inisip ko ang mga ginagawa ng mga tao kapag may nahihimatay. Hmm. Binubuhat nila ito at dinadala sa bahay nila . At kapag nagising na ito ay papauwiin na nila. Ganun naman pala kadali yun eh ! Bubuhatin lang naman.

Sinimulan ko ng buhatin ang walang malay na tagalupa. Hindi siya masyadong mabigat. Siguro dahil sa sobrang payat niya kaya ang gaan lang.

Hinanap ko ang daan palabas sa lugar na ito. LRT Terminal . kaya pala maraming tao.

At sa wakas ay nakalabas na ako. Isa nalang ang problema ko. May bahay ba ako ? Wala naman ata ah ? Hmm. Mukhang kailangan ko ang kapangyarihan ko sa oras na'to. Konti lang naman ang kailangan ko. Hindi ako manghihina agad.

Inisip ko ang gusto kong bahay. Kasama na rin sa pag-iisip ko ang lugar ng bahay ko. Tahimik pero maraming bahay. Mababait ang mga tao. At sinimulan ko ng ipalabas ang puting ilaw mula sa likuran ko.

Bahay na simple, buhay na matiwasay at lugar na kaakit akit sa isang tulad ko na Evoi.

Sa isang iglap ay napunta ako sa lugar na tahimik. Maraming bahay, maraming magagarang bahay. Tingin ko isa ito sa tinatawag ng mga taga lupa na Subdivision . Sana nga lang mabait ang mga tao dito. Hays.

Napagawi naman ako sa magiging bahay ko simula ngayon. Hmm. Ang ganda naman ng bahay ko ! Simple siya sa labas. Hindi katulad ng kaharian ko. Palasyo dun eh, Lumulutang na palasyo. Dito iba. Malaki naman ito pero mas malaki yung kaharian namin.

Hindi ako makapasok. Eh pano ba naman ? Ang tayog ng Gate ! Ang haba ng bakod, hindi nga yata makakapasok ang mga magnanakaw dito dahil sigurado, kinakapos na sila ng hininga pagkadating palang nila sa tuktok ng bakod na'to.

At doon ko lang napagtanto, bagong gawa tong bahay na'to ! Nalikha ito nong oras na iniisip ko pa kung ano ang gusto kong maging ng bahay ko. ibig sabihin, bago pa talaga ito. Nagawa lamang ito kani-kanina lang ! Hmm. magawan nga ng paraan.

Nagpalabas ako ng konting gintong liwanag mula sa aking likuran. Gintong liwanag , isa sa aking kapangyarihan na kayang gawin ang mga bagay tulad ng paggawa ng mga nilalang na tulad ng mga taong lupa. Ginto, sapagkat tinuturing silang kayamanan sa mundo namin.

Nagsimula kong isipin ang paggawa ng isang nilalang na tinatawag nilang Security Guard at di kalaunan ay nakagawa ako ng isang makisig na alagad na ngayon ay isa ko nang tagapagsilbi magmula ngayon.

Nag-isip din ako ng dalawang magagandang babae na makakasalamuha ko sa malaki kong bahay, mahirap na mag-isa.

Isa-isa silang nabuo mula sa gintong liwanag at sumilay ang napakagandang ngiti mula sa kanilang mga labi.

" Maraming salamat sa paglikha samin mahal na Prinsesa. Ikinagagalak po naming paglingkuran kayo " nakangiting bati nila sakin.

" Ikinagagalak ko rin. Ngayon, tulungan nyo muna akong buhatin ang isang tagalupa papasok sa loob ng malaki nating bahay "

" Masusunod po mahal na Prinsesa " Sabay-sabag nilang sabi.

" Teka muna " tugon ko hudyat ng paghinto nila sa paglalakad at sabay silang lumingon sakin.

" Ano po yun mahal na prinsesa ? "

" Pakiusap wag na ninyo akong tawagin bilang isang Prinsesa, sa halip, Eve nalang ang itawag nyo sa akin. " Sabi ko sa kanila. Nakakailang kasi na hanggang dito ba naman sa mundo ng mga tao ay tinatawag pa rin akong prinsesa.

" Masusunod po mahal na pri--- Eve "

" Magaling, at ikaw lalaking makisig na tinatawag nilang security guard dito sa mundo ng mga tao. Simula ngayon, Dave na ang pangalan mo. At kayong dalawa, dahil magkakamukha kayo, Have at Gave ang pangalan ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo ? " Tanong ko gamit ang maotoridad kong boses, mabuti na yong matakot sila sakin. Kahit naman hindi ako nakakatakot.

Sabay-sabay naman silang yumuko at sumang-ayon saken.

" Masusunod po Eve "

" Magaling, pumasok na tayo. Nilalamig nako. Ba't ba madilim dito sa labas ? " Tanong ko ng may pagtataka.

" Gabi na po Eve, marahil tulog na ang mga tao " Sagot ni Dave.

" Ahh . Oh sige , dalhin nyo yang walang malay na Tagalupang yan sa kwartong malapit sakin "

"Opo "

At nagsimula na kaming pumasok sa malaki naming bahay.

Sana naman magising na'tong tagalupang 'to pagdating ng umaga noh ?

---

EvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon