Ikalawa

23 1 2
                                    

Voide

Nakakatakot.

Sa tanang buhay ko ngayon lang ako nakakita ng napakagandang babae na bigla-bigla nalang sumulpot mula sa harapan ko.

Di mawala sa isipan ko ang mga nakita ko...

Ang mukha niya, napaka amo at hugis puso. Ang puti ng balat niya . Ang mga mata niya na sobrang lamig sa pakiramdam. Ang buhok niya na kahit walang hangin ay sumasayaw sa napakagandang kanta. mahiwaga . Mahiwaga ang mga nangyayari, lalo na nung nakita ko ang nakakasilaw na liwanag sa kanyang likuran. Teka ? Liwanag ?!

" Aaaaah ! Liwanag ! Enkanto ! Tulong ! " Napabalikwas kong sigaw sa sarili. Panaginip. Panaginip lang ba yon lahat ? Parang totoo. Sana panaginip nalang yun lahat. Dahil hindi ko na kakayanin pag magkatotoo lahat ng iyon.

Bumangon ako mula sa aking hinigaan. Bakit sobrang lambot naman ata ng kama ko ? Sa pagkakaalam ko eh ayaw ko sa mga sobrang lambot na kama ?.

Ang dilim ng paligid. Wala pala akong salamin ! Tanga ! Hayys . Kaya pala hindi ko maaninag ng masyado ang paligid.

Kinapa kapa ko ang sa tingin ko ay maliit na mesa sa tabi ko. At hayun ! Nakapa ko ang salamin ko. Sa wakas !

Matutuwa na sana ako eh  , kaso, pagtingin ko ulit sa kinahihigaan ko, sa ibang kama pala ako nakatulog ?! Sa ibang kwarto ako nakatulog ?! Sa ibang bahay ako nakatulog ?!

" Aaaaahhhh !! " Bahala na kung lalaki ako pero daig ko pa ang babae pag tumili basta natatakot ako . San na'ko ? Kanino tong bahay na'to . Di ko mapigilang sumigaw at tumakbo palabas sa kwartong hindi naman akin.

" Waaaah ! Mama hindi na po ako maglalayas ! Isosoli ko na po talaga ang ka--- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may kamay na tumakip sa nakaawang kong bibig. Nanggaling ang kamay na yun sa isang napaka-kyut na Babae, parang kapatid ko lang.

" Pakiusap wag po kayong maingay, ang aga pa po , nagpapahinga pa po ang mahal na Prin--- este si Eve " mahinang bulong sakin ng babae.

" Eve ? " Tanong ko sa kanya. Ang ganda ng pangalan niya. Parang sa bibliya lang ? Pero iba ang dating ng pangalan niya, naghatid iyon ng hindi ko maintindihan na pakiramdam.

" Opo si Eve, siya po ang may-ari ng bahay na'to "

" Ahh-- " shit ! ang babae !

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng makita ko na naman ang babaeng dahilan ng napakaganda-este-napaka nakakatakot na panaginip ko.

" Waaaah ! Ang babaeng umiilaw ang likuran ! Waaah ! Engkanto ! " Para akong nang-aakusa ng isang napakaganda at napaka inosente na babae.

Sa halip na magulat siya ay nanatili paring malamig ang pagkakatitig niya saken. May pakiramdam ba ang babaeng ito ?

Eve

Gulat na gulat pa rin ang mukha niya hanggang ngayon. Ganyan ba palagi ang mukha niya ? na parang luluwa ang mga mata niya at parang mapapasukan na ng langaw ang sobrang laki nyang bibig na hindi ata sumasara ? Hmm. ibang klase talaga ang mga tagalupa .

" Ahmm  . Ipagpaumanhin mo po ngunit hindi ko alam ang mga pinagsasabi mo. Patawarin mo rin ako sapagkat hindi ko sinasadyang biglain ka. At hindi totoo iyon. walang ilaw ang likuran ko " Pagpapalusot ko pa. kung alam mo lang tagalupa na ang lahat ng mga nakita mo kahapon ay totoo.

" Pero ikaw yun eh... Ikaw yu--- " Hindi ko na sana gusto pang marinig ang mga sinasabi ng tagalupang 'to ngunit parang may sariling isip ang tenga ko at parang handa pa ata itong makinig buong magdamag sa boses niya.

Kailangan kong iwasan ang taong 'to.

" Sabihin mo na ang gusto mong sabihin tagalupa pero isa lang ang masisigurado ko, namamalikmata ka lang o di kayay nasobrahan ka sa tulog " 'Yon nalang ang nasabi ko sa kanya at humarap sa babaeng nasa gilid lang niya at naghihintay kung ano ang iuutos ko sa kanya.

" At ikaw Have, pakiusap gabayan mo siya sa daan palabas " Utos ko kay Have at tumingin ulit sa tagalupa.

" At ikaw tagalupa, maari ka nang bumalik sa iyong pinanggalingan. Pasensya na ulit. Sana naging mahimbing ang tulog mo kagabi " Sabi ko nalang at akmang tatalikod na'ko ng tawagin niya ako... Sa totoo kong pangalan...

" Eve, salamat "

Hindi ko alam kung anong nangyayari saken, basta ang alam ko, Delikado ang tagalupang 'to. Kailangan ko siyang iwasan pero mayroong bumabagabag sa puso ko na gusto ko siyang protektahan. Pero walang magagawa ang puso ko, hindi siya nakakonekta sa isip ko. Wala siyang karapatang sundin ng isip ko...

" Walang anuman. Makakaalis ka na " At pumasok na'ko ulit sa aking silid. Kailangan ko pang magpahinga dahil pakiramdam ko nasobrahan ata ako sa paggamit ng kapangyarihan ko kahit konti lang yun.

Voide

Namumutla siya.
Yun lang ang hindi ko napansin sa kanya kani-kanina lang. Ngayon ko lang napagtanto 'nung tumalikod na siya sakin. Maysakit ba siya ?

" Ano pong pangalan nyo ? " Napatirik na naman ako ng mata nang biglang may isang cute na namang boses sa gilid ko. Ayy, yung babae lang naman pala. Uso ba talaga dito ang mga taong mahilig manggulat ?

" Voide , voide ang pangalan ko " Sagot ko.

" Ahh , Voide . Halika, ituturo ko sayo ang daan palabas " 

At nauna na siyang lumakad palabas sa malaking bahay .

Andaming pasikot sikot sa bahay. Bahay ba talaga 'to o mansyon ?! Grabe naman yung babaeng yun ! Bahay lang talaga ang tawag niya dito noh ?

At sa wakasbay nakalabas na kami ng 'Bahay' kuno.

" Isang karangalan para samin ang makasalamuha ang isang tulad mo, mapalad ka, ikaw lamang ang napansin ni Eve " May di mapangalanang ngiti sa kanyang mga labi habang sinasabi niya ng mga katagang iyon. Nakakapangilabot. Dapat na ba akong kiligin dahil nag-iisa lamang ako sa mga napansin nung babaeng 'yun ? Pambihira !

Bago pa ako masiraan ng bait ay tinahak ko na ang daan palabas ng bahay na'to. Anlaki naman ng bakod nila, Anyaman nila. Hindi 'to bahay, Mansyon 'to.

Nagulat na naman ako nang may napansin akong bulto sa harapan ng gate. Nakatambay siya sa kyut na 'Guard House' kuno. Siguro ito yung guard.

Magsasalita pa sana ako ng binigyan na naman niya ako ng ngiti na pareha nung binigay saken ng 'Have' na yun. Uso na pala signature smile dito noh?

" Aah , ang tagalupa. Mag-ingat ka sa pag-uwi mo, alam kong magkikita pa tayong muli, at hihintayin ko 'yun. Dahil sa oras na mangyari 'yon. Mangyayari na ang hinihintay na mangyari ng lahat " at pinalabas na niya ako ng gate.

Kakatok pa sana ako eh. Kaso, baka matuluyan na talaga ako. Sa Mental na ang uwi ko.

Hay wala na akong choice mukhang kailangan ko ng bumalik sa bahay k--- Teka ? Bahay namin yun ah ?

Ibang klase ! Tumakbo ako papunta sa bahay namin na katapat lamang ng bahay ng Eve na 'yun. Hinihingal kong narating ang bahay namin at tumingin sa Mansyon niya. Impossible ! Malawak na kapatagan pa yan kahapon ah ? Ba't nagkaroon ng mansyon dyan ?!

At teka, kanina pa talaga ako nalilito sa tawag nila saken " tagalupa " ? Eh ano ba sila ? Alien ? Engkanto ? Insekto ? hay naku ! mukhang kailangan ko na talagang magpamental.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 11, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EvoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon