Marrise pov's
Napangiti ako ng makalabas ako sa opisina ng manager ng inaplayan Kong kompanya ..
"Thank you lord , sana magtuloy tuloy na itong swerte ko " nag ring ang cellphone na pinahiram sakin ni mang domy .. Inasahan ko ng si mang domy ang tumatawag dahil siya lamang ang nakakaalam ng numero ko .
"Hello mang domy ?" - ako
" hello iha , kamusta ang pag aapply mo ? " - mang domy
" yun na nga po mang domy eh , - ako
"Oh bakit iha ? Hindi ka ba natanggap ? ",- halata ang pagka bahala sa boses ng matanda .. Kaya't napangiti ako ..
"Natanggap ho ako mang domy at maraming maraming salamat po sa inyo " .hindi ko na napigilan ang sarili ko at nag sisigaw ako at natigilan ng mapatingin sa paligid ko , mawala sa isip ko na hindi pa pala ako nakaka labas sa gusali ng inaplayan kong kompanya .. Napayuko ako , at nag mamadaling lumabas ng gusali ..
Dumiretso ako sa tinutuluyang Kong apartment , nang nasa labas na ko ng gate ay napangiti ako ng makita kong kumakaway si mang domy , napakaswerte ko dahil nakilala ko siya , dahil sa kanya nakalaya ako , may natutuluyan ako at nagkaroon pa ng trabaho .. Siya din ang nag rekominda sa akin sa kompanyang inaplayan ko , kaya kahit na may record na ko ay natanggap akong repacker sa factory ng kompanya ..
" nako , mang domy pasensiya na po at natagalan ako , napakarami pala talagang sasakyan at napakatrapik na talaga gaya ho ng sinabi ninyo, pakiramdam ko tuloy ay napakatagal kong nakulong .. "Pambungad kong sabi sa matanda ..
"Ay siya nga iha , napakarami na ring mga loko loko sa daan kaya mag iingat kang parati " sagot naman nito ..
Ngumiti ako at " salamat ho sa inyo mang Romy " . halika po kayo at tumuloy muna sa loob na natin ituloy ang kuwentuhan .. " pag tuloy ko habang nag lalakad papasok sa apartment ..
"Marrise iha , hindi na din ako mag tatagal kasi may kailangan pa akong ayusin sa firm , dumaan lang ako para iabot itong kaunting grocery , para may panimula ka .. At inaabot sakin ang limang plastik na daladala nito ," at ito kunting pera para sa pamasahe at panggastos mo , magsabi kalang pag kulang pa ito .." Napatingin ako sa perang inaabot niya , limang libo .. Alam ko sa sarili ko na kailangan ko ang perang iyon , pero sobra na ang tulong na naibigay niya ,.
" hindi ko po matatanggap yan mang domy .. Maraming salamat nalang po '' - ako
"Tanggapin mo ito iha , wag kang mag alala dahil sisingilin ko ito sayo " sagot niya
Hindi ko na napigilan ang sarili ko kung kaya't yumakap ako sa kanya ng napapaluha , " mang domy hindi ko po alam Kung pano ako magpapasalamat sa inyo , napakalaki na po ng utang ko sa inyo " napakalaking tulong ho nito para sa panimula ko at paghahanap sa kapatid ko.." Hindi ko na napigilang umiyak habang nakangiti ..
Natigilan siya , at kitang kita sa mukha niya ang matinding awa ..tumango tanggo lang siya at sinabing " tanggapin mo iyan iha , para sayo yan at Alam Kong kulang pa yang kabayaran ".. Sabi niya na halos pabulong na ang huling sinabi ..
Kumunot ang noo ko " ano pong ibig niyong sabihin ? " tanung ko ..
" wala iha , mauuna na ako , ", dalidali siyang lumabas ng gate ng hindi na muling lumingon ..
BINABASA MO ANG
A WEAK MAN'S HEART
RomanceMinsan sa sobrang galit natin sa. isang Tao Hindi natin namamalayang napapamahal na din tayo dito .. Sabi nga nila the more you hate is the more you lov e .. Na kahit Hindi iadmit yun talaga yung nararamdaman mo .. Itong istoryang to ay isang halimb...