DAY ELEVEN: THE LAST DAY

554 21 0
                                    

DAY ELEVEN

YAEL's POV

"Ang macroeconomics ay debisyon ng ekonomiks na nauukol sa pag-aaral ng mga kabuuang aspetong ekonomiya at  pangsistemang-pang-ekonomiya" paliwanag ni Sir. Josh. Ekonomiks kasi ngayon ang subject namin.

"Ano? hindi ko pa rin gets 'yang macro at microekonomiks!!" bulong ni Jackie. Napangiti na lang ako.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo si Sir Josh nang may biglang bumukas ng pinto at pumasok ang may limang lalaking di kagwapuhan. Oo. Nilalait ko sila. Lumapit sila sa pwesto namin.

"Ikaw si Jack di ba? yung leader ng GDragon?" tanong ng lalaki

"Oo ako nga!!! Anong kailangan mo at kailangan niyo pang bulabugin itong klase namin??!! Alam mo bang hindi ko maintindihan ang pinagkaiba ng micro at macro ekonomiks??!!" sigaw ni Jackie

"Wala akong pakialam. Gusto kang makita ni Master" sagot naman ng lalaki.

"Sinong Master?" tanong ni Jackie

"Master Rye"

"Oh?? Yun lang naman pala!! Pwede niyo naman akong itext eh hindi yung gagambalain niyo ang klase" tumayo naman siya

"Sige, tara na" maglalakad na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya

"Jackie.." sambit ko

"Wag kang mag-alala Yael. Babalik ako bago matapos ang lunch"

"Sorry Sir sa abala!!! Sorry po talaga" at nag bow pa siya sa harap ni Sir at lumabas na.

THIRD PERSON'S POV

Palabas na ng eskwelahan sina Jackie ng tanungin niya ang mga lalaking sumundo sa kaniya.

"Asan ba 'yang Master Rye niyo?" tanong niya

"Sa old biulding" sagot ng lalaki sa kaniya

Palihim niyang nilabas ang kaniyang cellphone at tinext ang kaniyang members.

| Sinundo ako ng mga tauhan ni Rye. Papunta kami sa old building.|

Ang old building. Kung saan dinaraos ang lahat ng gang fights.

Pagdating niya doon ay agad niyang nakita ang grupo ni Gian.

"Ah so hawak pala kayo ni Rye. Kaya pala pinapunta niyo ako dito ay para BAWIAN"

"Buti alam mo ang mangyayari" sagot ni Gian

"Akala ko ba si Rye ang kakausap sa akin eh bakit ikaw?"

Lumabas ang lalaking matangkad mula sa kawalan.

"Wag kang atat makita ako Jack"-Rye

"Andiyan ka na pala. Ano bang kailangan mo sa akin?" malanding tugon ni Jackie

"Wag kang ganiyan magsalita Jack. Di bagay sayo."

"Ganoon ba?"

"Mukha kasing naag-grabyado mo ang isa samga hawak kong grupo. Ang gusto namin eh ang bawian ka."

"Asa naman kayong matatalo niyo ako."

"Balita ko, grabe kung protektahan mo ang isang nerd na nagngangalang Yael."

Natigilan si Jackie nang malamang kilala ni Rye si Yael.

"Wag niyong gagalawin si Yael" matigas niyang sabi.

"Oh sure. But on one condition."

"At talagang may kondisyon pa."

"OO NAMAN. BABAWIAN KA NAMIN AT BAWAL KANG LUMABAN. ONCE NA LUMABAN KA,MAPIPITIK NAMIN ANG LALAKING IYON."

Next Day, You'll Be MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon