Mark's POV
Sabado na naman, at alam kung pupunta sila Jet at Carlo dito mamaya. Tatlong buwan na ang lumipas ng makilala namin si Jet. Noong una palang ay napakatahimik ni Jet parang parating may iniisip, pero ganyan naman talaga pag bago ka pa sa isang paaralan, at noong nakilala na namin si Jet naituturi kko na rin siyang parang isang kapatid kasama si Carlo. Hindi katulad ng kapatid kung napakasuplado, pag nasa bahay siya hindi talaga mapakali ang isipan ko. Mabuti nalang nakilala ko sina Jet at Carlo na parating pumupunta sa amin para dalawin aku at kadalasan dito na sa bahay nag papalipas ng gabi.
At dumating na nga ang isang unngoy, si Jet, na pumasok agad sa tarangkahan, kung makapasok parang taga rito na nga. Ngunit hindi naman siya pumasok agad sa bahay, sinigaw muna niya ang pangalan ko at tiniyak kung na sa bahay ba talaga ako, hindi ko muna siya sinagot at natawa nalang aku sa kanyang nababagot na mukha. "Sinu ka? Bakit ka pumasok?", sinagot ko siya sa ibang tono ng boses ko. Ngumiti nalamang siya at pumasok agad sa bahay, batid na talaga niya ang aking pag-uugali.
"Tagal mu namang sumagot. Wala pa ba si Carlo?" Tanong niya
"Wala pa eh, kagigising ko pa nga lang. Teka nga lang, cant you see 10am pa sa orasan ko ang aga-aga mo naman."
"hahaha naiinip na rin kasi aku sa bahay eh. Oo nga pala, dinagdag ko na si Michelle sa aking facebook, sana tanggapin nya yung pagkakaibigan ko sa kanya. Hehehe"
"Sana hindi. Hahaha Pero pag tinanggap niya yung kahilingin mo, Wag mung paglaruan ang kaibigan ni Apple hup, malilintikan talaga ki ta."
"Hahaha. Yes sir! Teka, hindi ko pa alam ang kuwento ninyo ni Apple ah, kuwentohan mu nga ako. Sabi ni Carlo patay na patay ka ra raw sa babaeng ito."
Oo nga noh, hindi pa pala alam ni Jet ang kuwento namin ni Apple. Nagsimula ang aming kuwento noong nasa unang taon palang kami sa highschool. Kaibigan siya ni Hannah at dahil kasama kami ni Hannah sa tiyutor parati ko nalang naririnig ang pangalan ni Apple. Pinagmamalaki niya na maganda daw ang kaibigan niya at dahil malapit kami ni Hannah kaya pinagbibiruan ko na lang siya na ang Apple ay isang prutas at maganda yun dahil masarap itong kainin. Makalipas ang ilang mga buwan nagpatiyutor din si Apple sa aming guro at nung makita ko siya kinain ko talaga ang aking mga sinalita. Napatawa nalang si Hannah sa aking reaksyon at simula noon parati na kami kasabay umuwi ni Apple at napalapit talaga aku agad sa kanya. Tutol man aku sa "love at first sight", pero nahulog talaga ang puso ko sa kanya. Sinu ba ang hindi mahuhulog sa mga mata niyang nag ningning, sa mga ngiting nagpapakalma sa akin, sa mukha niyang kay ganda na parang anghel. Now I sound like a poet, pero hindi ko masisi ang aking sarili, talaga lang lumalakas ang tibok ng puso ko tuwing nakikita ko siya.
BINABASA MO ANG
Foolish heart
Teen FictionIt's very interesting how are heart works. Scientifically, it works to pump blood throughout our entire body, but psychologically, it just gives us confusions of our feelings, our affection to someone, yet we battle that confusion and let feelings a...