IV. The Maze

3 0 0
                                    

Athena

Isang babaeng naka-pigtails ang nakaharap sa akin ngayon. Maputi sya. I'm guessing she's five feet tall. Matangos ang ilong, manipis at mapula ang mga labi at pansin din yung natural na blush ng mga pisngi nya. I wouldn't say that she's fat, so I'm certain that she's just a big-boned lady. Although, without a doubt she had those dazzling green eyes. May lahi siguro ang isang 'to.

Naka-krus pa yung dalawang braso nya as she looked at me. Kamukha nya tuloy si Miss Minchin kapag pinagagalitan si Sarah. At talagang kailangan may back-up pa s'yang dalawang babae sa kanyang likuran. Pare-parehas nila ako minamaliit sa paraan ng pagtingin nila.

This is so amateur. Napanuod ko na 'to kay Shan Cai ng Meteor Garden! Hindi ako papa-bully! Subukan lang nila talaga kahit isang hibla lang ng bangs ko at---.

Natigilan ako sa aking pag-iisip ng tumili ang tatlo at niyakap ako sabay sigaw ng, "Group hug! Welcome sa Cattaneo Most Hottest Bachelors Club!"

"Ako nga pala si Sakura, ako ang presidente ng grupong ito.", sabi nung naka-pigtails na babae. "At ito naman sila Sharon at Aileen, ilan lang sila sa miyembro ng grupong ito na kakaaniban mo rin. Soon!"

"Ay teka sandali, hindi n'yo ba ako pagsasalitaan ng masama or sasaktan? Pagbibintangan ng kung anu-ano at babantaan? Walang ganoon?"

"Ay grabe ka! Violence is against the School's Code of Ethics and Regulations. At isa pa, hello! We're in the 21st century, hindi na uso yan. Well sabagay mukha ka namang lumang tao."

"Wow ha! Grabe ka kamo. Nahiya naman ako sa pigtails mo ha! Pero...wait...what do you mean na I'll belong to this club soon?"

"Di ba ikaw yung hinila ni Xavier kanina?"

"Oo. Teka..iniiba mo yung usapan. Sagutin mo muna yung question ko."

"Ate alam mo atat ka ha! Papunta na yung question ko sa explanation na gusto mo. Tinatanong lang kita para hindi ako magkamali. Top secret kasi yung sasabihin namin sa'yo."

"Okay, so...tapusin mo na?."

"Hahah! Oh my G! Magkakasundo tayo nito.! Excited na me-ee!"

Hinila n'ya ako papasok sa isang room, stock room to be exact.

Kakaiba 'tong stock room na to. Well, aside from it being big enough to be considered as a classroom, may curtain sa gitna na nagdidivide sa room into two.

Sa left side ng room, pagpasok mo sa pinto, nakahilera ang mga shelves with boxes ng mga gamit para sa school.

Sa right side naman, ay isang lounge room well may sofa, small dining table for four people and chairs, a bed? ,may television rin with attached game consoles. It is a pretty and humble place to relax and probably release stress from studying.

"Okay!", bulalas ni Sakura, pagpapa-alala na kasama ko s'ya at ang dalawa n'yang kaibigan.

"Sigurado ka ba sa gagawin mo Sakura? She looks so...so you know, nerd.",sabin nung Sharon.

"So anong pinaglalaban mo?", tanong ko sa kanya.

Tiningnan ko yung Sharon na ipinakilala kanina ni Sakura. Ngayon ko lang napansin na kakaiba s'ya kay Sakura at dun sa Aileen. Naka-designer shoes ang mapanlait at sigurado ako na ang dala n'yang bag ay sapat na para tustusan ang pagkain ng mga taong nagugutom.

Mayamanin siguro kaya mapanlait.
"Don't mind her Xavier's girl." Tawa-tawa pang sabi ni Sakura.

"Athena. That's my name.", pagtatama ko sa kaniya. "At oo, nerd talaga ako, minion!", sigaw ko kay Sharon.

"Okay...gals! Relax lang tayo and-".

"I'm not joining any clubs at the moment and lalong ayokong mabilang sa club na mapanlait sa kapwa nila. Thanks for the offer."

Pagkasabi nito ay mabilis akong umalis nung stock room-lounge na inimbento ng kung sino na namang mga mayayaman na hindi marunong rumespeto ng kapwa. Nerd pala ha!

Sa sobrang inis na nararamdaman ko ay hindi ko namalayan kung saan na ako pinadpad ng aking mga paa.

Talaga naman 'pag minamalas ka. Patuloy lang ang ginagawa kong paglalakad, left turn dito, right turn.

Dalawang linggo pa lang nagsisimula ang mga klase kaya hindi ko pa rin masyadong kabisado ang pasikot-sikot sa eskwelahan na 'to.

"Sandali...kamukha nito yung board na nilampasan ko kanina? Wait...", napalingon ako sa likuran ko.

"Ano ba namang buhay 'to, naliligaw pa ako. Bakit ba naman ang laki ng paaralan na ito!", sigaw ko ng walang alintana kung may makakapakinig sa akin dahil mukha namang wala ng tao sa parte na ito.

Ipinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko hanggang sa napagod na ako dahil na rin sa nahihilo na ako. Paulit-ulit lang naman kasi ang nakikita ko.

Bakit ba kasi hindi ko napansin kung saan ako hinila nung mga babaaeng yun?!

Napatingin ako sa aking pambisig na relo. May thirty minutes na rin pala akong naliligaw.

Matalino ako pero bakit ang bobo ko sa directions?

Sa inis ko ay umalis ako sa sinandalan kung pader at nagsimula ulit akong maglakad dahil baka mag six o'clock na ay hindi pa ako nakakauwi sa amin. Hindi na rin naman ako makakaabot sa library dahil 5 ay pasara na ito kaya maganda kung maaga pa lang ay mahanap ko na ang tamang daan palabas ng building na ito.

Pagliko ko sa may corridor ay bigla na naman akong natumba. Hindi ko na napigilan ang frustration ko at napasigaw na ako.

"Ang malas ko naman talaga!". Sigaw ko sa sarili ko nang hindi tumitingin sa nakabangga sa 'kin.

"I believe your lucky Ms. Kape".

Mabilis na itinaas ko ang tingin ko sa nagsalita.

"Ay malas talaga!".


My Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon