III. Trouble

10 0 0
                                    

Athena

Nagmamadali akong lumabas ng silid after ng class ko. Magkaklase pala kami ni Mr. Respect-Me!

"Hey woman! Hey! Wait for me!"

Woman? Ako ba 'yun?

Out of curiosity, I looked back.

Big mistake!

Lahat ng kaklase namin pati na rin ang mga tsismosa sa ibang classrooms ay mistulang napatigil. Suddenly everything and everyone was idle. Parang na frozen lang lahat! Ang lakas ko namang maka-Elsa!

Ang bilis n'yang hakbangin ang pagitan namin and parang slow mong hinila nya ako palabas papunta sa greenhouse sa tapat ng classroom namin. At that moment nakatingin lang ako sa mga mata nya. I can't seem to look away! Parang may magnet na nagpu-pull sa akin to look in his eyes. And somehow, nababasa ko yung sadness and pain doon. And it scares me because I want to take that away from him.

Is this what they call LOVE AT FIRST SIGHT?! No! Hindi applicable yun kasi hindi ko naman 'to naramdaman noong nag-aaway kami kanina.

THEN SECOND SIGHT?...Hello?! I believe mahigit pa sa dalawang beses n'ya akong tinitigan kanina.

So..ano na? Fifth? Sixth? Seventh? Para Kapuso? Hay..Basta ewan pero parang LOVE! LOVE?!

Nanlaki ang mga mata ko.

Ano Athena? Kilabutan ka nga! Pero hindi naman ata yun pwede! Ata? Hindi TALAGA no! Maraming umaasa sa 'yo Athena! Love is not an option!

I shook my head.
Hindi talaga pwede! Ni hindi mo nga kilala yan eh! Kaya nga hindi na nga di ba?!

"Hey...are you okay? Is something wrong? Did I use to much force to pull you? Why do you keep shaking your head at nanlalaki pa yang mga mata mo? Wait...'Wag mong sabihin may multo sa likod ko! 'Wag mo kong takutin! "

Nagising ako sa kabaliwan ng pag-iisip ko at may pwersang inalis ang paghawak n'ya sa palapulsuhan ko. Then I stared at him.

"Ano bang problema mo? Bakit ba bigla-bigla ka na lang nang hihila? Sa dami ng tao dun baka kung anong tsismis na ang kinalat nila tungkol sa 'ting dalawa at---".

Napatigil ako dahil sa sobrang lakas at parang wala ng bukas na halaklak ng mokong na 'to. Hawak-hawak pa nya ang t'yan n'ya as he made fun of me.

Nakakairita!

I just waited hanggang tumigil sya at taas kilay na pinakatitigan ang mokong na nasa harapan ko.

"Hahaha! You know you make me laugh woman! Grabe! Ikaw ata ang kailangang magkape!"

Inismiran ko naman sya.

"So anong problema mo at hinahabol-habol mo 'ko?"

"Wow! #GGSS? You know looks can really be deceiving. Mukha kang timid because of that-", napatigil pa ang mokong naghahanap ng malalait sa pagkatao ko.

"-bangs of yours tapos you pair it up with glasses too. Can you show me your teeth?"

"And why would I do that?", naiinis na tanong ko. Eh 'Di ikaw na ang gwapo!

"Ah...okay. Fine. 'Wag na lang at baka may something between your teeth ka pa. 'Di ka naman singaw magsalita so I'll assume wala kang braces. But damn! That will complete your charade being a nerd!", pagak pang tumawa tong baliw na to! Pero ang sarap pakinggan. Eh ano naman? Di mo naman aaminin kaya shut up ka na lang!

"Anyways... Kidding aside...look I'm just here to apologize for...earlier."

Tug tug tug...oh my heart! Wag kang extra.

Titig na titig ako sa kanya habang nakayuko ang ulo nya.

Sincerity.

My heart can read na there's truth behind his apology and somehow, someway naniniwala ako. But no words came out of my mouth. Napatingin na lang ako sa kanya at siguro naramdaman nya yun kaya naman itinaas nya ang mga mata nya. And as akward as it is nagkatitigan kami. Our eyes met. Something knocked my breath out of me. He took my breath away. Ang hirap huminga!

Tug tug tug...epal ka talaga heart!

"Kinikilig ka ano?"

Panira ng moment!

"Ang kapal mo! Sa 'yo na yang sorry mo! And FYI, NERD TALAGA AKO!", hiyang-hiyang bulalas ko.

"Hey woman!"

Dali-daling iniwan ko ang mokong sa kinatatayuan nya.

"Hey! Wait!".

Hindi ko na sya pinansin. Daig ko pa ata si The Flash sa sobrang bilis ng pagtakbo ko. Nang sa palagay ko ay nakalayo na ako, I stopped. Habol hininga pa ako as I placed my left hand sa tapat ng dibdib ko kung nasaan malapit ang puso ko.

Oh dear heart! Please hindi pwede!

"Ehem!"

Mabilis na nilingon ko kung saan nanggaling ang tikhim na yun.

"Bakit ka kailangan hilahin ni Xavier Cai! You better explain, you,you nerd!".

And dare I say here comes trouble?!

---------------------------
Xavier

That woman is really something.

I was shaking my head habang nakatingin sa bulto ni Ms. Rebisco or Ms. Kape na lang.

Nakakatuwa s'yang asarin. Nakaka-aliw.

Yung tipong lumalaki yung butas ng ilong nya habang sumisigaw para ipagtanggol yung point n'ya. Akala mo tatahimik na lang at hahayaan kang lait-laitin sya but no. She doesn't back down. Nakaka-excite naman. She's amusing...very amusing.

Natigilan lang ako sa aking pag-iisip nang tumunog ang phone ko. I looked at the caller I.D. and saw my mom calling me.

"Hey mom, what's up?"

"Anak, what time ka uuwi? I want to talk to you about something important. Dito ka na mag-supper, please anak."

"I guess in about-", I checked the time in my watch and said, "-5pm? Will that be okay mom?"

"Yes anak, basta you have to come here okay? Promise me."

"Okay mom, I'll see you."

"Anak...promise me."

"Sige mom.",bumuntong hininga muna ako bago sabihin, "I promise mom."

"Okay anak, I love you. Mag-aral mabuti at less flirting ha."

"Sige mom. I'll fail sa less flirting."

My mom laughed on the other line making my day.

"Bye anak. I love you. See you soon."

"Okay mom. Bye. Love ya."

And I ended the call, I guess I'll be seeing my dad tonight. And I am definitely dreading this meet up.
 
Tumingin ako sa direction na tinakbuhan ni Ms. Kape kanina.

"Might as well do something amusing."

Then tinahak ko kung saan nagtungo si Ms. Rebisco.

My Unexpected RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon