Chapter 2

26 1 0
                                    

Pagpasok namin sa classroom ni Leila ay agad niya akong pinakilala sa mga kaibigan niya.

"Uy si lauren nga pala, new student siya dito ang ganda niya noh?!" Ang sabi ni leila habang itinuturo ako sa mga kaibigan niya.

"Ang ganda nga! Ako nga pala si erien."

"Ako naman si Eric."

"Hi lauren, ako si ely."

"im Clarisse."

Laking tuwa ko at napakafriendly naman pala nila :)

"Nice to meet you all." Ang sabi ko habang nakangiti sa kanila.

Pumasok na sa room ang aming adviser, siya si ms. Lovi lovietta. Inayos niya ang aming seating arrangement, may nakatabi akong lalaki, gwapo siya, nangingislap ang mga mata, pula ang mga labi at halatang matipuno ang katawan.

Shet! Lauren! Wag mo pagnasaan yan! Ano ka ba! Ang tanging nasabi ko na lamang sa sarili ko.

Nagsimula na ang adviser namin sa pagoorient saamin para sa rules and regulations ng school, hindi parin maalis ang tingin ko sa lalaking ito.

Nakatingin parin ako dito hanggang sa hindi ko na napakinggan ang aking guro.

RIIIIIINGGG!

Tumunog na ang bell! Lunch time na namin! Dun lang ako naalarma na nakatitig lang pala ako sa kanya buong magdamag.

"Justin! Tara sabay na tayo kumain!"

Sigaw sa kanya ng mga kaklase naming lalaki.

Lumabas na siya ng classroom at sumunod narin ako.

So Justin pala pangalan niya, nice name :)

SA CAFETERIA

"Lauren! Upo ka dito dali! Kain tayo!"

Yaya ni leila.

Pagkaupo ko ay kumain na kami.

"Uyy nga pala, swerte mo katabi mo si Justin! Famous dito yun eh. Gwapo noh!?" Sambit ni erien.

"Ahh oo, so old student siya?"

"Oo! Pero alam mo wala pa kamo nagiging girlfriend yan, nakakaturn on nga diba?"

"Ahh."

Nabasag ang kwentuhan namin ng dumaan si justin at nginitian kami. Sobrang kinikilig talaga tong mga new friends ko.

"Awwtsu, killer smile talaga." Ang sambit ulit ni erien na todo ang kilig.

"So, crush niyo si justin?" Tanong ko.

"Ahm, nope. Pero si erien, OO." Ang sagot ni leila.

"Crush ko nga siya pero hanggang dun lang!" Ang sabi ni erien.

"Tara na guys, pasok na tayo sa room." Yaya ni ely.

Pumasok na kami sa room.

Pumasok na din ang teacher namin at nagklase na ito buong maghapon.

RIIIIINGGG!

Uwian na! Yeeeess! Makakatulog narin! :)))

Pagkauwi ko ay agad na akong kumain at nagpahinga.

-----------------

HEY GUYS, PLEASE VOTE NIYO TO, AND COMMENT PO :) THANKYOUUU! <3

Best thing i never hadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon