Chapter 12

23 0 0
                                    

Give me another chance

Give me another chance

Wala paring nagsasalita sa amin, iyak parin ako ng iyak at siya naman nanatiling nakayakap sa akin at pinapat ang likod ko.

"H...hindi ko alam. S..sobrang s...sakit eh." Iyak parin ako ng iyak, hindi matigil ang luha ko sa paglabas, kumikirot nanaman tong puso ko.

"S...sana n..naman hindi ka nalang nagpanggap k..kung gusto mo ko protektahan e..edi sana hindi mo nalang din ako sinaktan." Hindi siya nagsalita patuloy parin niya akong niyayakap, pero bakit ganun gumagaan ang pakiramdam ko sa tuwing niyayakap niya ako kahit pa nasasaktan na ako, unti-unting nawawala ang galit ko sa kanya ng dahil sa pagyakap niya, totoo nga talagang gagaan at gagaan ang pakiramdam mo kapag niyakap ka ng taong mahal mo.

****

"Lauren!" Pagpasok na pagpasok ko ng room ay Narinig kong tawag sakin ni erien. Aba himala at tinawag niya ako, ano nanaman kayang plano nito?

"Bakit?" Tanong ko.

"Halika nga. May sasabihin lang ako. Promise, hindi kita aawayin, gusto ko sanang makipagayos sayo lauren, hindi ko naman kayang patagalin yung pagaaway natin ng dahil lang sa isang lalaki, magkaibigan parin naman tayo diba?" Aniya. Laking gulat ko at sinabi niya iyon, hindi ko alam kung maniniwala bako dito o hindi.

"H-huh? Seriously, ano bang nakain mo?" Maloko kong tanong. Nagtataka lang talaga ako.

"Lauren, im telling the truth, gusto ko makipagayos sayo."

Halata namang seryoso siya pero maaring sa kabila ng pagseseryoso niya eh tinatraydor niya padin ako. Isang beses na niya akong tinraydor hahayaan ko pa bang mangyari ulit yun.

"P..please magusap tayo." Akmang hahawakan na niya ako ngunit inilagan ko siya, ayoko lang hawakan niya ako. I still can't accept her apology without proving how sincere she is.

"Just, don't touch me. L..lets talk about it later."

"I'll be expecting that."

Umalis na lang ako at lumabas ng room para kumain sa cafeteria, hindi pa naman nagring yung bell at hindi rin kasi ako nakakain ng almusal sa bahay.

"Isang order nga po ng mac and cheese with drinks tsaka regular fries nga din po."

"Ok mam."

-

Pumunta ako dun sa table na kung saan kami ni Justin laging kumakain, naaalala ko lang nung bestfriend pa kami, ayan nanaman ako kumikirot na naman ang puso ko, namimiss ko na kasi ang bestfriend ko.

"Hi my queen." Pamilyar yung boses na narinig ko, haay ayan nanaman siya at bibwisitin nanaman ako.

"Lean pwede ba? Kahit isang araw lang wag mo akong bwisitin?"

"Grabe ka naman, wala naman akong ginagawa sayo eh. Hindi naman kita binibwisit, ganito lang talaga ako kung makipagclose kasi nga gusto kita." Sabi niya habang nakasimangot siya. Ewan ko ba kung bakit ganito ang mood ko pagdating sa kanya, ah basta nabibwisit ako sa kanya.

Bumuntong hininga pa ako bago nakapagsalita.

"Ok sige pagbibigyan kita."

"Talaga? Payag ka na ligawan kita?"

"Huh!? What i mean is payag na kong maging kaibigan ka. Hindi mo ko pwedeng ligawan ok?"

"Ah sige." Nakasimangot niyang sabi.

"Ayaw mo ba? Sige binabawi ko na."

"Ayy hind! Syempre gustong gusto ko maging kaibigan ka noh. Salamat katie!"

Best thing i never hadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon