WIOS 2

337 12 0
                                    

4 am pa lang ay gising na ako. Siguro dahil ang aga ko na ding natulog kagabi. Medyo jetlag pa din akoooo. Di na ko makatulog kahit gaano ko pilitin. Nag paikot-ikot na ko dito sa kama para lang makahanap ng komportableng pwesto. Nagtaklubong na din ako ng comforter pero waley! Nasakit lang ulo ko! At ng nag 5 am na ay naisipan ko ng gumising. Umupo ako sa kama, napatingin ako sa isang side ng kwarto. Si PJ. Mahimbing na natutulog. Parang may bumbilyang umilaw sa utak ko. Hehehe. Kinuha ko agad ang cellphone ko pero nadismaya ako dahil dead batt na ito. Kinuha ko na lang ang phone niya, alam ko naman ang password nito dahil pag hindi niya nililike yung post ko ako na mismo ang naglilike gamit ang account niya hehehe. So yun na nga kinuha ko na ito at inilagay sa camera. Pinicturan ko ng close up yung mukha niya, bahagyang nakabuka yung bibig niya pero wala namang tulo hahaha. Agad ko itong isinend sa akin kung sakaling burahin niya may kopya ako hahaha. Gagawin ko sana itong profile picture niya sa fb pero baka magalit sakin imbes na maasar lang. So ginawa ko na lang itong wallpaper niya sa phone niya haha.

Lumabas na ko ng kwarto pagkatapos nung kalokohan kong ginawa. Yung mga dragon ko sa tiyan nagwawala na!!!! Wala naman akong dala sa baggage ko na makakain. Mga chocolates lang nandoon. Ay alam ko na tatawag na lang ako sa reception para magpadala ng food.

Pagkatapos kong tumawag ay naisipan kong halungkatin ang gamit ko para hanapin yung charger ko. Chinarge ko naman agad yung phone ko. Inopen ko na din ang laptop ko para magcheck ni emails.

*scroll.... scroll... scroll...

Ay patay!! Ngayon nga pala yung press conference namin!!! Di bale mag 6 am pa lang naman at 9 am yung start nun. Naghanap na din ako ng maisusuot don. Siguro naman kahit casual lang ay ayos na. Faded jeans na lang at white long sleeve chiffon top lang and chanel espadrilles.

Dahil wala akong magawa ay tinawagan ko na lang sa skype si catherine. Alam kong kahit maaga pa lang ay gisin na yon dahil may pasok pa yon.

"Morning catherine." Bati ko sakanya.

"Ate! Ang tanda mo na di ka pa rin marunong magsuklay at maghilamos every morning!" Eksaherada niyang sabi.

"Eh bakit ba! Wala kang pake alam." Sagot ko naman.

"Oh eh bakit naman kaaga aga ay napatawag ka?" Antok niyang sabi.

"Eh kasi naghalungkat ako dito sa maleta ko at napansin kong puro pasalubong ang laman nito. Majority ay para sayo, nakalimutan kong ibigay kahapon. Pampabigat lang to sa dadalhin naman ni PJ pag lilipat na kami ng condo."

"Oh tapos?" Aba himala hindi naexcite sa pasalubong niya. Papikit pikit pa ang mata. Hahaha antok pa.

"Eh teka nga! Bat ganyan itsura mo?" Natatawa kong tanong.

"Eh kasi naman ate! Ang aga aga mo tumawag! Madaling araw na ko natapos dun sa requirements ko!" OA = catherine.

"Oh eh ano ba oras ng klase mo?"

"10 am!!! 6 am pa lang ngayon! Kaya utang na loob ate di pa masyadong nagana ang brain cells ko!" Hahaha.

"Eh sadya namang hindi nagana yang brain cells mo!" Natatawa kong saad.

"Ang hard mo ate!!" Naiiyak na sabi niya hahaha.

"Oh di bale na para makatulog ka na ulit. Makakaluwas ka ba dito mamaya para kuhanin tong mga to?" Ipinakita ko pa sa camera yung sapatos na pinabili niya.

"Ay oo! Isasama ko si kuya daboy! Luh!!! Yey!!! Mga 6 pm nandyan na ko. 4 pa awas ko eh!" Nag iba naman yung mood niya hahaha. Basta pasalubong! Hahaha.

"San ko ba kayo pupuntahan?" Tanong niya.

"CELESTINE!!!!" Napahagikhik ako.

"Ate ano yon?" Curious na tanong ni catherine. Tumawa lang ako.

Written In Our Stars [Book 2] | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon