WIOS 32

150 4 1
                                    

HAYSSSSS!!! buti na lang naligo na ako agad kagabi hahahaa! Grabe! 4:40 am na ako nagising kanina! Hahahaha  buti na alng talaga naiready ko na agad mga isusuot ko.

Suot ko lang pala ngayon ay black leggings, boots and mga ilang patong ng shirt and longsleeves tas may dala din ang furry jacket. Oh diba pak na pak! Hahahaha.

Nakakatawa lang na binigyan ako ng kape ni mark kaya kahit papaano e nagising ang diwa ko. May pakape ang lolo niyo!

Pero waepek ang kape! Nakatulog pa din ako byahe! Malayo layo daw yun e from tokyo.

Nagising lang ako ng niyugyog ako ni mark.

"Do you want to eat some breakfast? I'll buy you." Luminga-linga ako sa paligid at nakitang nag stop over pala kami.

"Uhm yeah. I'll just buy myself."

Inayos ko ng konti ang sarili ko at sabay kaming bumaba ng bus.

Dun lang kami sa isang convenient store bumili. Sandwich and hot choco na lang binili ko tas siya naman ay ganun din pero coffee naman. Pagkabayad namin ay dumiretso na kami pabalik ulit sa bus.

Tinatanon niyo sino nagbayad? Ako! Hehehhee ang kulit e siya na daw pero ako nauna sa line kaya ako nagbayad na. Tsaka mura lang naman😂😂

Halos ilang hours din kaming bumyahe. Wala akong katabi dito sa bus kaya nasa tabi ko yung backpack ko. Walang akong nagawa kundi ang matulog ng matulog. At nang mapagod na ko kakatulog ay nag ayos ako nang sarili dahil alam ko namang sobrang sama ni itsura ko ngayon. Parang nagtoothbrush lang ako kanina bago lumabas ng kwarto e. Wala ng hilahilamos at pulbo pulbo hahaha.

Tapos na ko mag ayos ng makakita ako ng sign na nakalagay "mt. Fuji 500m ahead."

Wahhhh malapit naaaaaaa!! Gusto ko itry yung mga snow sports hahahaha.

Tumingin ako sa mga kasabay ko aa bus at nakitang puro sila tulog. Di na siguro tong mga to natulog kagabi. Si mark naman nadun lang sa likod nung bus driver at tulog din siguro.

"Welcome tourists to Mt. Fuji!!!!! Enjoy your stay! We will be leaving later before the sunsets! Here are your maps! You have all the day! Enjoy!"

And again naiwan nanaman ako dito sa bus hahaha dahil inaayos ko pa yung sapatos ko. Badtrip sa sobrang komportable kong natulog kanina tinanggal ko nga pala boots ko para maitaas paa ko hahahaha. The heckkk nawawala yung kabaak nung boots ko! Huhuhu. Pumunta ako dun sa aisle ng bus at isa isang tiningnan ang ilalim ng mga upuan.

"Looking for this?"

SI MARK! HAWAK HAWAK SA SINTAS YUNG BOOTS KO AT IWINAWAGAYWAY NIYA PA.

"HOY! amina yan!" Mabilis akong lumapit sakanya pero bago ko pa makuha ng matiwasay ay inihagis niya ito saakin and luckily nasambot ko.

Badtrip to ah! Hoy gags! Mahal tong boots na to! Pag nagasgasan to eh! Bigat bigat pa naman nito buti na lang nasambot ko talaga.

Tiningnan ko na lang siya ng masama habang isinusuot ito.

"Where do you wanna go celestine?" Tanong niya sakin pagkababa namin ng bus.

"Can we climb the mountain?" Tanong ko habang nakatingala dun sa mt. Fuji.

"Sorry babe but our time here will not allow it."

Babe? Babe mo mukha mo! Pakboy ata to ah! Di ko na lang siya pinansin at tiningnan na lang yung mapa na binigay niya samin kanina. Naghahanap ako ng interesting na mapupuntahan.

Mt. Fuji 5th station

Dun na lang. Gusto kong mag ski hahahaha.

"Hey celestine! Where are you going??" Patakbo niya akong sinundan noong di ako sumunod.

Written In Our Stars [Book 2] | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon