EPILOGUE

220 7 22
                                    


Piolo's P.O.V

"Daddy daddy!! Look at our hands!" Bati sa akin ng mga anak ko pagkadating ko ng bahay.

"Wow! Very good! Kaya naman pala bumili ako ng pasalubong!"

Sumigaw silang dalawa at niyakap.

"My favorite!!"

"Thank you daddy! We love you!!" Nagtatakbo na sila palayo sa akin papunta sa kusina.

"Hey kids. Get ready we are going to mommy." Kasalukuyang nilalagyan ko sila ngayon ng medyas.

"Yehey! I really miss mommy!" Sigaw ng anak ko.

"And mommy misses you also!" Sumakay na kami sa kotse.

Pina-cremate namin ang katawan ni tin. Yung abo ng puso niya e pinalagay ko sa isang kwintas para kahit papaano e nasaakin pa din ang puso ng mahal ko. After she died, Halos madepress ako, hindi ko matanggap ba hanggang doon lang kami, na hindi man lamang maaalagaan ni tin ang mga anak namin, na hindi matutupad iyon mga pangarap namin dati. Pero isang beses ay napaginipan ko siya. Hindi siya nakangiti man lang sa akin. Galit ang ekspresyon ng mukha niya. Bakit daw ba pinapabayaan ko ang sarili ko at lalo na ang mga anak namin. Umiyak siya sa panaginip ko. Kung hindi man daw siya makakasama sa pagpapalaki ng mga anak namin, gawin ko daw lahat ng makakaya ko para mapalaki ng maayos ang mga ito. Wag ko daw intayin na yung mga anak ko daw ang mawala saakin. Umiiyak akong bumangon sa pagkakatulog at agad na lumapit sa mga anak ko.

"Hi mommy!!" Patakbong lumapit ang mga anak namin sakanya. "Look mommy daddy bought us this paper camera!" Masayang iwinagayway ng dalawa naming anak iyong camera.

"Daddy!! Come here! We'll take a picture of you and mommy!!" Hinigit nila ako at pinaupo sa tabi ng lapida ni tin.

"One! Two! Three!!! SMILEEE!!!"

Pagkatapos akong kunan ay nagkagulo na iyong dalawa sa camera.

"Hi loves. Kamusta? Kita mo naman yung dalawang anghel natin? Ang laki na nila no? Napaka kulit! No wonder kung kanino nagmana ng kakulitan! Ofcourse sayo! Hahaha. Si Arabella at Isabella. Kamukhang kamukha mo silang dalawa. Ilong lang ang nakuha sakin. Isang beses nga non. Ginising nila ako, akala ko nananaginip pa ako dahil mukha mo ang bumungad sakin. Kuhang kuha nila ang itsura mo. Kahit papaano e thankful pa rin ako. Galing mo no? Masyado kang prepared na umalis, may iniwan ka talaga, at dalawa pa." Kinausap ko siya.

It's been 5 years my love. I hope you are doing okay. I hope I am doing okay. Sana napalaki ko yung mga anak natin the way you wanted them to grow. I know you are just here. Beside us. We miss you so much. Miss na miss na kita Tin. Kung pwede lang na sundan na kita pero hindi pwede. Sa tuwing nakikita ko ang mga anak natin ay okay na ako. Sa tuwing ngi-ngiti sila ay napapanatag ang loob ko. Sa tuwing tatawa sila ay naaalala ko yung mga panahong natawa ka, nangiti ka. Kuhang-kuha nila kung paano ka ngumiti, kung paano yun tunog ng tawa ko. Halos mapaiyak ako noong una kong narinig iyon.

"Ito nga pala may dala akong yakult. Isang pack yan ha. Next time na ulit kita dadalhan. Wag ka magtampo ha." Pabiro kong sabi habang inilalapag iyong inumin at nagbukas ng isa.

5 years old na sina Arabella at Isabella. Obviously they are girls. They are identical twins, magkamukhang magkamukha sila, isama mo pa ang nanay nila. Though you can still see na may nakuha din silang physical traits sa akin. Si Isabella, siya yung unang lumabas. Siya ang ate ni arabella. May pagkamakulit pero alam mong protective at strict. Sinasakyan niya ang mga kalokohan ni ara pero kapag nakakagawa sila ng mali ay siya pa ang unang nanenermon kay ara. Si arabella naman, Napakakulit! Parang ipinaglihi sa energy! Hindi nauubusan ng energy! Halos maghapon ata na kung ano ano ang ginawa. Umaga pa lang nagsisitakbo na iyon sa bahay at sa tuwing uuwi naman na ako sa bahay ay nasa parking palang ako e kinig ko na ang napakalakas na boses nito! Natutuwa nga ako sa dalawang anak ko e, si isabella mahilig sa instruments at si arabella naman ay ang taga kanta. Manang-mana talaga sa pinagmanahan!

"Bye mommy! We'll visit you again next time! Tomorrow is our first day in school! Wish us luck!!!" Masayang sabi ni ara.

"Bye mommy. Love you and miss you!" Si isa naman.

We'll visit you again one of these days. I love you tin. No one will replace you here in my heart. In our hearts. I miss you, I can't wait to be with you again.








A/N:

I'm very sorry for this kind of ending :(
As much as I wanted to end this happily pero this is how life goes. A lot of things may happen in just a span of hours.

Thank you for reading this story!
Thank you for continuously supporting my works! Kahit na hindi ganon kaganda ang mga updates ko hehe at medyo late na rin mag update hehe.

Wag kayo malungkot may next story ako ongoing na din hehe.
Just check my profile....
"CAN'T WE TRY"


love you guyshhhhhh

-celesthina

Written In Our Stars [Book 2] | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon