Prouloge

4 1 0
                                    

'Sa ayaw at sa gusto mo, magiging akin ka' - parang bulong sa hangin pero malinaw sa pandinig ko.

Pagod na ko sa katatakbo sa sementeryong ito kung saan nagkalat ang mga bungo at buto ng tao na lumilikha ng masangsang na amoy.

Sa katatakbo ko, hindi ko napansin ang isang bungo kaya nadapa ako. Lumikha 'yon ng sugat sa tuhod ko sanhi para ako'y umiyak.

Natigilan ako sa paghikbi ng umihip ang pamilyar na hangin. Nakita ko sya, kung tawagin sya ay 'KAMATAYAN' .

Dala nya ang kanyang 'scythe' habang palapit sya ng palapit. Hindi ko maiwasang maitanong sa sarili ko. 'ito na ba ang katapusan ko?'

Ang ilang metrong layo niya sakin ay naging ilang pulgada na lang.
Nasilayan ko ang itsura niya, bungo.

Bungo! Pero isang kurap ko lang nasa tapat na ng mukha ko ang kaniya. Ang takot na naramdaman ko kanina ay mas dumoble pa.

Isang kurap muli, ang kaninang bungo niyang itsura ay napalitan ng....ng--gwapong nilalang?!!

Hindi ko na nagawang kumurap pa hanggang sa sumilay ang mga nakakatakot na ngiti sa kanyang kulay dugong labi.

Lumapit pa siyang muli at tinitigan ako sa mata na akala mo'y kaya niyang kunin ang kaluluwa ko gamit ang mga 'yon.


'Akin ka!'








Sinabi niya 'yon at....



















Hinalikan niya ako.

-------------

Omy omy! Pls support me on this one :))) I didn't ask for vote or watevs! Kelangan ko lang ng mabait na gagawa ng book cover para sa istoryang ito.... Kindly PM me kamsa :D

Not So Ordinary StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon