(After 3 years~)
>>>>>>>Natapos ang kontrata ko at muli akong nagbalik sa pilipinas.
Pilipinas na nagbigay sa akin ng maraming ala ala.
"Ma na miss ko kayo "
Sabi ko habang yapos siya,"Ang laki laki na ng anak ko"
Sabay kalong ko sa isang batang nakatingin lang saken at hindi umiimik.Palibhasa hindi ako nagpalaki sa kanya, at kakikita nya lang sa akin ngayon, dahil nung umalis ako dati ilang buwan lang sya.
"Baby, si mama to"-ako habang kalong ang anak ko.
Ewan ko ba kung bat ako naiiyak."Sya tama na yan,Naghihintay ang ate mo sa sasakyan"si mama habang tinutulungan nya akong mag dala ng mga gamit ko
Nag groceries muna kami,pumunta sa restaurant kumain bago umuwi,
Pag ka dating ko sa amin,
Nakipag laro muna ako sa anak ko,
Inilabas ko lahat ng pasalubong ko sa kanila.Simpleng bonding lang,
Dahil sa pagod ako si mama na raw ang bahalang magpatulog kay jyrell,
Siguro bukas isasama ko nalang sya para mamili ng mga gamit sa bahay at ng mag karoon kami ng closure dalawa.(Kinabukasan,tanghali na akong nagising dahil sa pagod sa byahe...pumasok muna ako sa banyo bago Lumabas ay inayos ko muna ang aking sarili...sumilip ako sa bintana at nalanghap ko ang sariwang hangin, napangiti ako... andito na nga pala ako sa pilipinas, napakunot ako ng nuo sa di kalayuan ay natanaw ko si mama at si jyrell na abalang nagpapatuka ng mga manok sa poultry namin, napailing nalang ako sa nakita ko, kahit nuon pa, si mama talaga poultry na ang pangarap, isang farm, kung saan nanduon ang mga alagang hayop namin,Pinagmasdan ko silang dalawa,parang ang bilis ng panahon, dati ipinagbubuntis ko palang si jyrell at patong patong na problema ang hinarap ko, pero ngayon ang laki laki na nya,naalala ko tuloy nung bata ko parang kagaya rin niya ako, ako lagi ang nagpapatuka sa mga manok namin...Lumabas ako at pinuntahan ko silang dalawa )
"Oh, kumain kana anak... nasa mesa ang pagkain"-si mama habang naghihinaw ng kamay
Nakatingin lang sa akin si jyrell.
Nginitian ko sya."Anak sasama kaba sa akin mamaya? Bibili tayo ng toys mo?"
Ngumiti Sya sa sinabi ko,
Pero tumingin sya kay mama
Ngumiti naman si mama at tumango kaya tumango narin si jyrell.Bago magtanghalian ay nagpasya na kaming umalis sa bahay.
Una muna kaming pumunta sa isang mall at namili ng laruan.Habang namimili kami,
"Excuse Me Miss."
Hindi ko pinansin ang lalaking nag excuse dahil abala ako sa pag pili ng mga toys ni jyrell,at isa pa bakit sya mag eexcuse eh ang laki pa ng space para dumaan"Ehem...uhm...excuse me miss"
Ulit ulit nung lalaki..Sa pagka inis ay bigla akong napatingin sa kanya.
Mas nagulat ako sa nakita ko.
"Long Time No see Trix "
Nakatingin lang ako at walang kahit anong lumabas sa bibig ko sa pagka gulat."O-oliver?"
I said with a smile."Yes...Sya naba yung anak mo?"
He said habang nakatingin kay jyrell"Oo" sabi ko
"Ang bilis ng panahon noh.Ang laki na agad ng anak mo"
He said
BINABASA MO ANG
Stay Strong
Teen FictionLOVE❔ It Makes You Happy at first and makes you broken at the End When it comes to your LIFE you're going to do anything just because of it! Even you hurt to much just because of him/her YOUR STILL INLOVE and FOOL Your Still searching for the lo...