Kathy's POV
"Lunch, Miss Hot?" Nagulat ako sa biglang pumasok na lalaki sa tent ko kung saan ako nagpapahinga.
Napangisi ako sa hawak hawak niyang pagkain.
"Lunch pero kutsinta naman ang dala mo. Baka naman ang ibig mong sabihin ay breakfast?"
Tumawa ako ng malakas at nakitawa na rin si James.
"Sorry, lahat naman ng tao ay nagkakamali." Sabi niya ng naka-smile.
Tumawa kaming parehas.
Oo. Lahat ng tao ay nagkakamali. Siguro ngang mali ang mahalin ang taong may mahal nang iba. Pero para sakin, lahat ng mali ay tama. Tama na si John ang minamahal ko ngayon.
Pag dating sa pag-ibig lahat ng mali ay tama.
Pero ang sobrang pagmamahal sa isang tao ay nakakasama rin minsan.
Pero bakit hindi ko maiwasan ang pagmamahal ko sa kay John?
Sumigaw na si Direk at ilang minuto na lang daw ay mag sisimula na ang shooting.
Eksena pa namin ni James ang kukunan. Si John ay hindi mahagilap ng aking mga mata. Tulog pa siguro yun. Kagabi pa naman kasi siya dumating.
Sana hindi na dumating yung bruhang si Julie para solo ko si John Keith.
Kinukunan na kami ng scene ni James. Syempre todo iyak ako at ginagalingan ko talaga ang arte ko para malaman nila na mas magaling akong actress kaysa kay Jullie.
"Gusto kong gumanti. Gusto kong magdusa sila at hindi sumaya. Hindi nila pwedeng gawin ang bagay na ito sa akin. Hindi pwedeng ako lang ang iiyak. Dapat pati sila ay umiyak ng sobra. Walang pwedeng sumaya. Wala."
Huling linya ko kasama si James na sinasabihan ko ng mga hinanakit ko.
"Then, Cut! Good take." Kitang kita ang matamis na ngiti ni Direk at halatang satisfied sa nakunang eksena naming ni James.
Nagpalakpakan ang staffs at manonood.
May mga sumisigaw ng pangalan ko at agad ko silang kinawayan bilang tugon. Napaka sobrang saya naman ang nakukuha kong feedback mula sa mga tao sa paligid.
"Nice ka talaga Miss. Hot. You're so amazing." Sabi ni James. Tinapik tapik niya pa talaga ang balikat ko sa tuwa.
"Salamat sa compliments. Baka masanay ako niyan." Tumawa kaming dalawa sa sinabi ko. Panay tawa na lang nagagawa namin ni James pag nag uusap kami. Feeling ko clown kaming dalawa sa past life namin. Natawa naman ako sa naisip ko.
Sa kalayuan ay tinawag ako ni Direk. Agad akong tumakbo sa kinatatayuan niya. Nakita kong nasa gilid niya si Julie the kumag. Biglang nagbago ang mood ko. From happy ay napalitan ng angry. Nakakasura pag mumukha ng isang 'yan.
"Yes Direk. Hi, Jullie." Bati ko.
Eto ang tinatawag na plastic. Who cares? Maraming taong plastic. Nakikiuso lang ako. Sarap duraan ng plema sa makapal niyang mukha si Julie. Sumisipsip na naman siguro ito kay Direk kaya siya nakadikit. Well hindi ako magpapatalo sa labanang ganyan. Halata namang nagugustuhan na ako ni Direk, e. Kaya malapit ko na mapalitan ang titulong meron ngayon si Julie. Flips hair.
