STP-4

93 7 4
                                    

STP-4

Her p.o.v (Leewi Maine)

"Wala na bang iba? Pwede na ba ko mag- break time?" tanong ko dito kay Miss, pres. Nakanga-nga pa siyang tinitigan ako. Ramdam ko yung titig ng mga kamagaral ko.

Ano bang problema nila? Malapit ng magtime 'e. Tsaka, 20 minutes lang yung break time. By 9:30 class na ng next teacher.

"Ta-tapos ka na agad?" tanong pa nito. Napa-face palm ako.

"Seriously? Ayan na sa harap mo yung papel ko oh?" masungit na saad ko. Kinusot niya yung mata niyang may malaking salamin.

"Ah. Sige. Lagay ko na lang ito sa table ni Ma'am." tumango ako bago lumabas. Dala-dala ko bag ko.

--

"Hey! Miss, Gorgeous." sigaw ng kung sino naman. Napabusangot ako. Wag niyong sabihing ako yun.

"Nahulog mo oh?" saad ng tao sa harap ko. Pagtingin ko, panyo ko pala.

"Ge. Iyo na lang. Hinawakan mo na 'e." bored na saad ko at nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko nga maski pinatawan ng tingin yun. Ang kunin pa kaya yung panyo ko.

"Awe, sungit ni Miss, Ganda. Para kong nareject." saad pa nito.

Nasan ba yung Canteen?

Nagulat na lang ako ng dumikit siya sakin.

"Salamat sa panyo. Souvenir na din ito galing sayo. Ang bango pa naman." dun na ko napatingin sakanya.

At...

Gwapo. One word is enough to describe his psychical appearance.  Naka-lipstick ba ito at mas mapula pa nguso sakin? Mas maputi din siya sakin.

"Oh? That look of yours. Inaaya mo ba ko?" bagsak lang sa ugali. Manyak amputa.

Tinitigan ko siya ng masama. Nakahawak pa naman ako sa bag ko. Sarap sanang suntukin kaso katamad.

"Ulul." bored na turan ko sabay alis.

Wala kong time sakanya.

"That attitude. I like it." napairap ako. Gwapong manyak.

Tas, may light bulb sa utak ko na nag-pop out. Hawig niya si Jake Ejercito.

Buti at di na siya sumunod. May klase na siguro. Nahanap ko din yung Canteen.

"Tanginang school naman na 'to. Ang laki amputa. Kahapon lang nakita ko 'to kaagad 'e. Ngayon, pahirap." kausap ko sa sarili ko. Palakad na ko ng biglang may humila sakin.

"Cussing in this school is prohibited." napasimangot ako. Siya na naman?

"Paki mo? Sino ka ba? Bitawan mo nga ang bag ko! Nagugutom na ko!" inis na sigaw ko. Sambaktol ang mukha nito habang nakatingin sakin.

"Rude. Wicked witch." napa-nganga ko.

"Gago ka ah! Kahapon ka pa!"sigaw ko. Nanlaki naman ang mata niya ngayon, tapos, naramdaman ko yung pagtitig ng mga tao samin.

"I said don't cuss." tila windang na windang na saad niya.

"Ano bang paki mo? Sino ka ba sa akala mo?" galit na saad ko. Napakunot nuo ito.

"I was just telling you. Don't cuss." sabay bitaw niya sa bag ko. Kamuntikan pa kong matumba. Nauna na siyang naglakad sakin. Sumunod na lang ako.

Papunta din siyang Canteen 'e.

Napakunot noo ako. Iba-iba nga pala ang time interval ng klase ng mga studyante dito. So? Puno? Puno talaga? At wala na bang ibang upuan kundi yung sa tabi nung lalaking yun?

Sa Tamang Panahon.Where stories live. Discover now