STP-6
His p.o.v (Sandester)
"Kanina ka pa atang di mapapagay dyan, Sandester." Nakangising saad nitong si Sam. Tumitig lang ako dito na para bang naweweirduhan.
Pagkatapos kasi nang kaganapan kanina ay pinatawag si Leewi at natigil muna ang klase. Ilang oras din ang masasayang. Ano kayang gagawin ni Leewi? Ano naman kaya ang ipapalusot niya sa pagsagot sa teacher namin.
"Ehem... somebody is spacing out. Mukhang inaalala pa yung paghalik niya kanina."pangaasar pa nito. Bakit ba tumabi na naman 'tong mokong na to sakin.
"Shut the fuck up, Sam." Umiling lang ito bago nagayang kumain na lang muna sa canteen. Sumangayon na lang ako. Boring dito sa classroom.
Humanap na ito ng pwesto para makainan namin. Nagpabili na lang ako sa kanya. Nakakatamad pumila, tsaka naiihi ako.
Di na ko nakapagpaalam ng umalis ako sa upuan namin. Iniwan ko na lang yung bag namin dun.
Paglabas ko ng CR ay nakita kong naglalakad si Leewi. Nakatingin pa 'to sa hawak nitong magazine na para bang bored na bored. Teka? Ano kayang nangyari sa usapan nila at hatol sakanya.
Lalapitan ko na sana diya ng makita kong tinapon niya yung magazine, bago pa kaya yun. Kakatangal niya lang kanina sa plastik e. Kaya imbes na sundan ko siya para tanungin ay pumunta muna ako sa basurahan at pinulot yung tinapon niya.
Tinitigan ko lang siya na cool lang sa paglalakad palayo at as usual nakahawak na naman siya sa magkabikang strap ng back pack niya.
Tumingin uli ako sa magazine. Anong meron dito?
Habang naglalakad ay kinakalkal ko yung magazine. Isa isa kong tinignan at talagang napa WOW ako. Bakit puro mukha niya 'to? Yes, puro mukha niya. Makikita mo yung iba't ibanh expression sa mukha niya. May mga naka ngiti, fierce, seryoso, sweet,charming at seductive.
Siya talaga 'to. At kahit anong pilit kong pagbukas sara ng mata ko siya talaga to. So, isa pala siyang model? Model siya ng makeup? Sa unang tingin aakalain mong kamukha niya lang e.
Madalas kasi siyang nakasimangot o di kaya walang emosyon.
Paanong di alam 'to ng mga kaklase namin?
Her p.o.v (Leewi)
"Walang galang yang batang yan!" Akusa sakin nitong teacher namin na nagdrama kanina. Pinatawag kasi ko dito sa loob ng principals office para kausapin at humingi ng paumanhin sa teacher na 'to.
Binigyan ko lang ito ng bored na bored na titig.
"Don't asked me to say sorry. That ain't happened. You know, ikaw ang may mali ma'am." Pagsagot ko pa din dito. Suminghap pa ito at masama na talaga ang titig sakin.
"Tignan niyo,Head. Kung paano siyang sumagot napaka bastos!" Sigaw niya pa. Pinakalma naman siya ng Principal.
"Miss, Maine. Kindly explain bakit mo nasabing siya ang may kasalanan? Para maintindihan ko." Wala na kong nagawa kaya nakwento ko na lang kung paano ako akusahan ng teacher namin na nadaldal kahit di naman talaga. Kung paanong imbes na magturo siya ay putak lang siya ng putak.
"Can you think of it, principal. Can we really learn if our teacher have an attitude like that? It's hard to study if we have a teacher who cannot control her temper." Dagdag ko pa sa kwento. Napatango naman ang principal.
"Ma'am, I think your student is right. Try to control your temper. Hindi makakabuti sa mga estudyante yun." Napaiyak lalo ang teacher at masama ang titig sakin. Bored ko lang itong tinitigan. Tunango tango na lang siya sa pagsangayon sa principal. Nagpaalam na sana akong lalabas ng may biglang pumasok ng delivery boy.
"Para kanino yan?" Tila manghang tanong ng principal. "Leewi Maine po ang nakalagay." Tumingin lang ako dito kaya tinuro ako ng principal.
"Salamat." Plain na saad ko bago pirmahan ang papel. Inabot sakin nito ang bouquet at napabalot na magazine. Galing ata 'to sa studio. Tumango lang ako bago ibigay sa teacher namin yung bouquet.
"Peace offering ma'am." Palusot ko para di na ko tanungin bakit may ganun. Tamad ako magpaliwanag. Ngumiti naman ang principal pati yung teacher ko.
May pakinabang din yung pinapadeliver saking ganto.
Tinago ko yung magazine bago nagpaalam sakanila. Habang naglalakad dun ko na lang ito binuksan. Hindi na masama ang mukha ko dito. Sa totoo lang parang di nga ako yung tao dito sa magazine e. Sadyang bihira lang akong makitaan ng emosyon.
Napabuntong hininga ako bago itapon yun sa basurahan. I don't need that.
Malapit na ko sa canteen kasi nagugutom na ko ng makita ko si Sand na nauuna na sakin. Kailan pa siya nasa likod ko?
Napatingin ako sa hawak niya.
Wtf? Ba't hawak niya yun?
Hinabol ko naman ito bago hablutin ang braso.
"Paanong napunta sayo yan?" Seryosong saad ko. Tumingin lang to sakin na nagtataka.
"Bakit? Iyo ba 'to? Sa basurahan ko to nakita. Basurahan ka ba?" Nakangiseng tugon nito. Napasimangot akong lalo.
"Ibigay mo sakin yan." Kumalas lang siya sa pagkakahawak ko bago ako ngisihan.
"You, give me a reason why." Nakakapikon na turan nito.
Aft! Ang sarap niyang saktan talaga!
"Kasi akin yan!" Galit na saad ko. Tumingi lang to sakin na parang di kombinsido.
"Ikaw lang ba ang may kakayahang bumili ng gantong magazine?" Tanong pa nito na para bang naamaze sa mukha kong namumula na ata sa inis.
"Basta akin yan!"
Nadinig ko pa ang pagtawa nito bago guluhin ang buhok ko.
"Now, it's mine. Mamulot ka din sa basurahan." Nakakapikon na sagot nito bago ako talikuran at tumakbo sa tropa niyang nakatingin samin. Ipinikit ko na lang ang mata ko. Gustong gusto ko na siyang sapakin.
At dahil wala akong magawa. Dumeretsyo na lang ako sa pilahan ng pagkain. Gusto ko ng heavy meal. Nagutom ako ng sobra. Nakapagorder na ko ng may sumingit sa gilid ko.
"Ate, isang orange juice nga." Masama ko itong pinakatitigan. Sinasadya niya bang bangain ako ng pagkalakas lakas. Muntik na sumaboy sakin yung ulam sa harap.
Pakuha na niya yung orange juice niya kuno ng makaisip ako ng pangganti. Pakunway ay natulak ako ng nasa gilid ko kaya napatapon sa kanya yung orange juice. Bigla akong napangise.
One point for Leewi.
Wag niya sabi akong kalabanin e. Hahahaha, basang basa tuloy yung sapatos niya. Tumitig pa siya sakin na para bang inaakusahan ako. Nagpatay malisya lang ako.
"Hays..." tila sukong saad nito at umalis na sa pila. Sinundan ko lang siya ng titig.
"Pikon." Mahinang bulong ko.
Bigla naman itong humarap at lumapit papunta uli sa pwesto niya kanina.
At biglang....
O.O
O////O
Niyakap niya ko. Nanigas ako na diko alam kung bakit. Dapat ko siyang sipain. Pero bago pa mangyari yun. Naramdaman ko ang malagkit na bagay sa binti ko.
PINUPUNAS NIYA SA BINTI KO YUNG SAPATOS NIYA!
Mabilis din siyang tumakbo papalayo. Naiwan naman akong nagpipigil ng inis. May araw ka talaga sakin! May araw ka talaga!
Nakita ko ang mangilan gilan na tawanan ng mga tao. Nakakapikon na talaga! Gaganti talaga ako!
Jelliice
Hello guys! Mabagal ang Ud 'no? Hahaha. Walang maisip na magandang update e. Sorry.
YOU ARE READING
Sa Tamang Panahon.
Teen FictionSa Tamang Panahon. (ALdub Fanfic) Since the day I saw you. I fell in love with you deeply. That the madness of love inside of me, brought me to wait for you. Now or forever. But between those, I will love you unconditionally that no one could ever...