Prologue

58 3 0
                                    

This is a work of fiction. Names, Characters, businesses, songs, places, events or any incidents are products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead or atcual events is purey coincidental.

Minulat ko ang aking mga mata dahil sa kakaibang uhaw na nararamdan ko sa aking lalamunan. Bumungad sakin ang madilim na paligid ng aking kwarto nilipat ko ang tingin ko liwanag na nagmumula sa bintana. Tumayo ako sa pagkakahiga para sumilip sa malaking salamin na nasa kanan bahagi ng kama ko, matatanaw dito ang napakagandang bilog na buwan.  

Sa pagtitig ko dito ay  unti unti itong nagbabago ng kulay  may pulang bagay na humahalo sa maliwanag na buwan upang humalo dito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Sa pagtitig ko dito ay  unti unti itong nagbabago ng kulay  may pulang bagay na humahalo sa maliwanag na buwan upang humalo dito. Inalis ko sandali ang tingin dito at agad din naman na ibinalik. Ngunit bigla akong nakaramdam ng hilo. Naglakad ako papuntang banyo para uminom ng gamot na nakatago doon. Binuksan ko ang ilaw tumambad sa akin ang namumutla kong repleksyon sa salamin.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam kong kuikirot na sakit sa aking ulo. Lumabas ako mula sa aking kwarto at bumaba sa kusina. Kumuha ako ng isang malamig na tubig mula sa ref at ininom ito mabilis. Ipinagtataka ko lang ay bakit siya nakakaramdam ng labis na uhaw sa lalamunan.

Lumabas ako ng bahay para makalanghap ng hangin. Umupo ako sandali pero nahagip ng tinginko ang alagang aso ng kapitbahay kong sila Aida kakaiba ang aso nila malaki ito dahil sa lahi nito. Imposibleng ilabas nila ang alaga nila ng gantong kaaga lumapit ako dito. Pero hindi ko inaasahan ang nangyari sa isang hakbang ko lang ay nasa harap na ko ng alagang aso nila Aida.

Makikita dito ang sirang tali nito sa leeg kung ganon tama ang hinala kong nakawala ito. Naamoy ko ang dugo nito na nanggaling sa sugat nito sa pagkakatali sa leeg bigla nalang may naudyok sakin na inumin ang mga dugo ng aso.  Mapangahas kong hinawakan ito sa bunganga at binali ang leeg saka kinagat sa parte non.

Naisin ko man na mandiri sa ginawa kong painom ng dugo dito ay hindi ko magawa dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko iyon. Umangat ang tingin ko sa kalangitan at hinanap ang kulay pulang buwan. Pumikit ako ng mariin nang maramdaman akong kakaiba sa aking mata.  Dumilat ako na may kakaiba sa aking paningin mas luminaw ang paligid muli ibinalik ko ang tingin ko sa asong walang buhay sa harapan ko.

Gusto kong maawa pero kasalanan ko ang nangyare sa kanya. Hindi ko na alam ang nagyayare sa akin simula nung gabing iyon. Pilitin ko man na itigil ay pilit rin na may nagsasabi sa katauhan ko na ayos lang ang ginawa ko. Inamoy ko ang aking kaliwang kamay na punong puno ng dugo mabango ito para sa ilong ko. Kahit malansa man dapat ito sa pang amoy ko ay hindi nababalutan ito ng kakaibang aroma na napakasarap. Wala ng pumapasok sa isip ko kundi ay dugo, puro dugo na lang ang isinisigaw ng utak ko sa oras na yon. Hanggang sa......

"Astrid."

Isang boses ang tumawag pansin sa akin. Lumingon ako para makita kung saan nanggaling ang pagtawag na yun. Nakita ko ang isang bulto ng lalake napaka-pamilyar nito. Hindi na ako nagdalawang isip pa at sinunggaban ang leeg nito. Ininom ko ang dugo ng lalakeng nasa harap ko ngayon napakasarap yan lang ang masasabi ko at pinagpatuloy ang pagsipsip sa dugo nito.

 Ininom ko ang dugo ng lalakeng nasa harap ko ngayon napakasarap yan lang ang masasabi ko at pinagpatuloy ang pagsipsip sa dugo nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

^^^^^

"I want more." nahihirapan sambit ni Astrid sa binata. Hinawakan nito ang pisngi nya at tumingin ng malalim sa mga mapupula nyang mata.

"Sumama ka sakin,cœur." That's the last thing she heard before everything went black.


Sorry for typos, wrong grammars or any errors that you may encounter in this story. Please vote, comment and share. Thank you.

The Vamp's BiteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon