Dedicated kay SweetishHeart_ 😉 Basahin mo. 😂 Sorryyyyy ✌️
~•~
Hi ako nga pala si Jellina Magsaysay but you can call me Jelly.
Simula pa nung bata pa ako ay naniniwala na ako sa tadhana. Ewan ko lang kung bakit.
Naniniwala ako na 'pag nagdikit yung kamay niyo ay naka tadhana na kayo para sa isa't-isa.
Naniniwala ako na 'pag same kayo ng iniisip ay naka-tadhana narin kayo para sa isa't-isa. Syempre dapat mag opposite gender.
Naniniwala ako na 'pag nagkita kayo sa isang place ay nakatadhana narin kayo para sa isa't-isa.
Ang bababaw 'no? Pero I can't blame myself kasi yun talaga ang pinaniniwalaan ko eh.
'Pag may part na sakin na iniisip na naka tadhana kami ay nagugustuhan ko kaagad yung guy na iyon. I don't know why.
~•~
"Mom, punta lang ako sa park ah!"
"Sige anak. Ingat. Umuwi ka ng 5:45 para makakain tayo ng maaga."
"Sige po mom."
~•Park•~
Ba't ang daming tao dito sa park ngayon?
Pumunta ako doon sa pinakamaraming tao para makita kung ano man nangyayari doon.
"Will you marry me?" Sabi nung guy.
Ah. Kaya pala. Ito lang pala nangyayari dito eh.
"I'm s-sorry, Ash. P-pero hindi pwede..." Paiyak na sabi nung girl.
"Bryana, why? Yana naman oh. Nag-jojoke ka lang ba?"
"Hindi, Ash. Sorry t-talaga." Patakbong umalis yung 'Bryana' daw. At naiwan si 'Ash' na naka-luhod lang doon at umiiyak.
Siguro hindi lang talaga sila nakatadhana sa isa't-isa.
Naglalakad-lakad ako dito sa park na may nakita akong cute na guy.
Medyo long hair yung guy na bagay naman sa kanya. Tan yung skin niya. Siguro kasing age ko lang rin siya. Malakas yung appeal niya na mararamdaman mo kaagad na andyan siya.
Ewan ko kung bakit pero may na-fi-feel akong something. I don't know kung ano yun kasi wala pa naman akong alam sa mga ganyan. Di pa kasi ako nagkakaroon ng boyfriend eh.
Di ko pa nahahanap yung naka-tadhana for me.
Hala. 5:42 na pala. Kaylangan ko ng umuwi. Baka pagalitan na naman ako ni Mommy.
Bye cute guy.
~•Home•~
"Ate, magbihis ka na daw para maka-kain na tayo." Sabi ni Martine, kapatid kong lalaki.
"Sige."
"Oh, Jelly, kamusta naman yung pagpunta mo ng park?" Tanong ni daddy.
"Oo nga anak. May bago ba?" Sabi ni mommy. Matagal narin kasi silang hindi nakakapunta doon eh. Tinatamad daw sila.
"Okay lang naman po. May nag-po-propose nga po doon eh. Yun nga lang hindi sinagot nung girl yung boy. Sad nga lang."