Prologue

2 0 0
                                    

Rosie; December 22, 2016

Simula nung grade 2 magkaibigan na kami ni Matty. Eleven years later, magkaibigan parin kami. Pero sa dami ng pinagdaanan ko syempre naging mature ako. Hindi kami nagkasundo ni Matty most of the time. Pareho kaming seventeen years old pero iba ang level ng maturity namin.

Hindi ko naman ipipilit na magkasundo kami para lang isave ang friendship namin. Aaminin ko, sayang ang eleven years. Pero lahat ng bagay may downfall lalo na kung di na talaga pwede.

Nagiba landas ni Matty. Nagkabisyo siya pero hindi yung bisyo na drugs. Naging party boy siya. Yung mga sinasamahan nyang tao hindi ko ka level. Pero sino ba naman ako para umasta ng ganito eh kaibigan ko lang naman siya.

Hindi na tumagal, lumaho friendship namin nung patapos ang second semester ng fourth year college. Natigil dahil may iba na siyang mga kaibigan. Parang every night nasa bar sila, may time pa nga na hindi nasulat ni Matt ang thesis niya dahil sobrang wasted. Siyempre medyo okay pa friendship namin noon kaya tinulungan ko siyang tapusin. Kinaumagahan hindi niya naalala na ako nasa tabi niya na gumagawa ng thesis dahil sobrang kinginang kalasingan niya.

Akala ko noon sa tagal ng pagsasamahan nabibilang ang pagkakaroon ng tunay na kaibigan. Nalaman ko na hindi pala, syempre akala ko nga eh. Nalaman ko na matatawag mong tunay ang isang tao kapag nandyan parati para sayo kahit hindi kayo laging magkasama.

Oo aaminin ko nasaktan ako nung nawala si Matty sa buhay ko pero narealize ko na dapat hindi ako masaktan kasi may natutunan naman ako. Natutunan ko na may mga taong papasok sa buhay ko at dapat lang na iexpect kong may chance na lalabas sila dahil ano ba namang space ang pwede mong pasukan tapos di na aalis?

Sa dami ng nangyari sa buhay ko, naghohold on nalang ako sa fact na lahat ng bad events eh may lesson.

Kasi ayoko na masaktan, dahil wala din akong time dun.

Sabi nila napaka drama queen ko daw pero hinayaan ko lang dahil hindi pa kalahati ng mga pinagdaanan ko sa pinagdaanan nila. Hindi naman forever ignorante ang mga tao.

I hope. Kasi this is the reality.

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: May 29, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

The PastTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang