Sync's POV
"Hoy Pre! Una na ko ha? May pupuntahan pa kasi." sabi ng ka tropa kong si Miguel habang inaayos ang gym bag nya.
May pupuntahan daw? Magde-date lang naman yun ng babae nya eh.
Napaismid tuloy ako.
Nang biglang may umakbay saken. Si Leo, isa sa pinaka close ko sa tropa
"Nagmumukha ka namang bitter pre,umamin ka na kasi." at humalakhak na naman ito.
Alam ko naman ang ibig nyang sabihin.
"Gago ka ba? Alam mo namang hindi yun madali diba?" at inayos ko na din ang bag ko. Kakatapos lang kasi ng basketball practice namin.
"Eh ano? Papatagalin mo nalang yan. What if, what if may gusto din pala sayo yun?Pero may nauna na? Tatanda ka ng binata nyan pre." at napailing ito habang tumatawa na naman.
Napaisip ako.
Pero...
"What if lang naman diba? What if kaibigan lang yung tingin nya saken?"
"Hay nako. Ikaw na nga bahala sa love life mo."at tuluyan na kaming lumabas ng gym.
Agad akong dumiretso sa car park at nang masundo ko na ang bestFRIEND at ang babaeng unang kong minahal. Si Siri Rios.
Siri, kababata ko. Nasa kanya na ata ang lahat.Maganda, mabait, masipag...
USC President...
Writer's block Chief Editor...
Blue League's Volleyball Team Captain...
at pambato ng WCC university sa mga pageant.
Almost perfect na.
Madaming nanliligaw pero na re-reject kaya natatakot din naman ako.
Sino ako?
Sync Montreal
Gwapo...
Mayaman...
USC Secretary...
Dean's lister...
Blue League's Basketball Team Captain..
at Good boy.
Good Girl x Good Boy= Perfect Match
Pero bakit patay na patay pa din sya sa Phoenix Dale Elizalde na yun?
Mas gwapo naman ako dun...
Mas mayaman nga lang...
Basketball Team captain ng kalaban naming school ang DLND University.
Isang cassanova...
Maangas...
Hambog...
at Isang Bad boy, isang gangster.
Good girl x Bad boy= Syntax Erro
Wala eh. Gwapo nga kasi ako.
xx
First update!!! Yay!!! Vote, comment and yeah!!! Support!!
Asan kayo? SiNc Shipper? SiNix shipper?
[SYNC AT MULTIMEDIA♥♥]
BINABASA MO ANG
The Good Guy's Side
Fiksi RemajaPalagi nalang ba bad boy ang makakakuha ng puso mo? Paano naman ako? Gwapo naman ako, matalino, mayaman,at GOOD BOY. Bat palagi nalang sya yung bukambibig mo? -Sync Montreal