Chapter 6

24 1 0
                                    


Chapter 6

Scarlet POV

   Matatapos na ang second semester at mas lalong naging close na kami ni Aki. Bestfriend na nga ang turing ko sa kanya eh. Tsaka sobrang thankful din ako na nakilala ko sya kasi kung hindi dahil sa kanya siguro mga pasang awa ang grades ko sa Algebra. Malapit na din naman ang summer kaya makakapa relax relax kami.

    "Bogs, anong plano mo sa bakasyon?" tanong ko kay Aki

    "Eh di magliliwaliw?" sagot nya

   "Nye, anong balak mong gawin? Sino mga kasama mo? Dadating ba mga pinsan mo?"

    "Siguro, gala dyan, tambay dito, nuod ng basketball. Sinong kasama ko? Siguro'y ikaw! Hahaha ang lapit lang naman ng bahay nyo samin, isang sakay lang tsaka wala naman akong dumadating na pinsan pero dumadating yung mga business partners nila mommy at daddy kasama ang mga anak nila kaya sila ang palaging nakakasama ko nung hindi pa kita kilala. At dahil andyan ka na mimi ko, tayo na ang magkasama."

    "Hahaha ano ulit yun? Mimi ko???!!" O_O

    "Akin ka naman talaga ah, bakit may iba ka bang bestfriend?"

    "Ah, kala ko eh."

    "Naku mimi kung anu-ano ang naiisip eh."

   "haha sorry naman ha. "

    Medyo kinabahan naman ako dun, akala ko, akala ko talaga. Hay... ts... siguro masyado lang ako nag-iisip.

- - - - - - - - - - - - - -

    Bakasyon na at nandito ako ngayon kila Aki. Darating ngayon ang mga business partners ng magulang nya kasama ang mga anak nito at ipapakilala nya daw ako. Sabi ko nga wag na lang kasi di naman nya ako kapamilya o kapatid pero sabi nya bestfriend nya naman daw ako, kaya andito ako ngayon sa kanila at tumutulong sa paghahanda ng hapunan.

    Maya-maya rin ay dumating na ang mga bisita kasama ang mga anak nito. Habang pumapasok sila sa loob ay may namumukhaan ako sa isang lalaking nandito. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko ng biglang may umagaw ng atensyon ko.

    "Waaahhhh Maaarrkkk" sabi ng babae na lumampas sa akin at nagderetso kay Aki

    "Oh Chelsea, hindi ka pa rin nagbabago, ang ingay mo pa din." Sabi ni Aki at niyapos nya naman ito

    Hindi ko alam pero may iba akong naramdaman eh, parang naiinis ako, siguro takot lang akong maagawan ng bestfriend.

    "Bakit, hindi mo ba ako namiss??" sabi ulit ng babae

    "Hindi e, hahahaha" sabi ni Aki na parang aliw na aliw sya sa babae

    "Ganun?" at nagpout naman yung babae

    "Hahaha ikaw naman masyadong matampuhin, syempre namiss kita, namiss ko ang maganda at sexy kong kaibigan." sabi ni Aki

    Aba't talagang may ganun! Tss...

    Siguro napansin naman ako nung babae at nagtanong sya kung sino ako.

    "Ah Chel, Si Scralet nga pala bestfriend ko "

    "Scar, si Chelsea nga pala..." hindi pa tapos magsalita si Aki ng nagsalita si Chelsea

    "Girlfriend nya."

    "Hahaha oo girlfriend as in Girl friend" pag-eexplain ni Aki na animoy tuwang tuwa sa sinabing pagpapakilala ni Chelsea bilang girl friend daw

    "Ehem... ehem..." imik ng nasa likod ko

    "Oh, kamusta na Mark, long time no see." bati naman ni Patrick

    Hindi naman ako makapaniwala na ang long time crush ko ay nasa harap ko na, dati nakikita ko lang sya sa malayo, ngayon nasa harap ko n at nakaka-usap ko pa.

    "Hi Chel, lalo kang gumanda ah." Sabi ni Patrick

    "ts..." sagot lang ni Chel

    "Mark, ipakilala mo naman ako dito sa magandang babae na nasa harap ko." Pambobola naman ni Patrick

    "Ah... eh... si Scralet nga pala bestfriend ko, sa AMU din sya nag-aaral." Pagpapakilala ni Aki sa akin

    "Bestfriend lang talaga?? Kasi diba maraming mag bestfriend dyan nagiging magsyota na." sabi ni Patrick"

    "Oo naman bestfriend lang kami Scar, walang talo talo diba Mimi??? Tsaka hindi ko gusto yang si Mimi hahahaha :D"

    "Ah a... oo naman." Pilit kong sagot kasi medyo nainis naman ako sa sinabi ni Aki

    "So, ako nga pala si Patrick, Patrick Garcia." Iniabot nya yung kamay nya

   Medyo nagtagal ang kamay namin na magkadikit at nabigla na lang ako sa sumunod nyang ginawa dahil hinalikan nya ang kamay ko.

More than Friends 💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon