Regina's POV
Nadito na kami ngayon sa isang mall dito sa Gangnam.
Dito kase yung meeting place ni Jane at Hoya kasama yung wedding planner.
CEO pa ang wedding planner nila. Kaibigan daw ng papa ni Hoya. Isang exclusive restaurant ang binayaran ng tatay ni Hoya para lang dito.
Andaming tao sa paligid ng restaurant, siguro alam na nadito ang isa sa famous member ng infinite, papasok na sana kami pero ayaw kami papasukin nung guard.
Aba gago to ah!
"Ahjussi, they are my bestfriends! Let them in!" Sigaw naman ni Jane.
Lumapit naman kami at bumeso kay Jane. Nagbow naman kami sa PUTANGINANG SOBRANG GWAPONG SI HOYA.
Nagbow din naman sya at NGUMITI SAMEN. KINGINA MO BAKA AGAWIN KITA KAY JANE.
Umalis naman si Jane at Hoya para pumili ng nga gagamitin nila sa kasal.
Naiwan kami ni Shella dito sa lamesa at maya maya lang binigyan kami nung mga waitres dito ng sandamakmak na slice cakes.
"What is this? Miss?" Tanong ni Shella.
Pano ka naman hindi magtatanong diba?
"Your bestfriend told us to choose the best cake for them for their wedding. She said to give it to you. So please have a taste." Tapos tinuro nya yung tila 50+ na slice cakes.
"SERIOUSLY!? All of this!?" -Shella
"Yes Ma'am." Sabi nung babae tapos inabutan kami ng maraming juice.
Kingina talaga tong si Jane e. Ginawa pa kaming taster at HELLO!? TATABA KAMI DITO!
"Hayop talaga tong si Jane e." Sabi ni Shella habang sinisimulan na yun pagtikim ng cake.
"Nagrereklamo ka e kumakain ka naman." -ako
"Wag kang maingay tanga. Haha" -Shella
Tiningnan ko naman si Jane at Hoya.
Ang sweet ni Hoya pucha.
Nakahawak sya bewang ni Jane tapos si Jane naman parang naiilang.
Pakipot puta gwapo gwapo yang kasama mo bes!
After ng ilang minuto natapos na kami kakatikim.
Parang masusuka na ko sa sobrang dami.
Pero infairness. Parehas kami ng nagustuhang lasa ni Shella.
Yung mocha flavor pero hindi ko alam ang tawag dun. Basta tinuro na lang namin.
Lumapit naman samin yung mag-fiancè.
"Bes. Nakapili ba kayo? Masarap ba? Haha" tanong ng halimaw.
"Girls, have some drinks." Sabi ni Hoya tapos inabutan kami.
Ang sweet talaga! Kinginers!
Andami pa ding tao sa labas.
Nagkwento naman si Jane habang wala si Hoya. Susukatan kase sya.
"Bes. Mag-aannounce na mamaya ang Woolim Ent. about sa egagement namin at sa kasal." Malungkot na sabi ni Jane.
"Tapos yung kasal namin e nabago, hindi na June 30. June 18 na. Saturday. Sa may beach sa Jeju Island." Dugtong nya.
"And be prepared ok? Anytime dadating ang Infinite dito." -Jane
O________O
"Puta bes? Di nga? Sina Sungyeol? Pati Woohyun? Pati si Myungsoo!?" Natatarantang tanong ko.
"Kingina oo nga." -Jane
"KYYYAAAAAHHHH!! Omyghad!!" -Shella
Tapos biglang may dumating at..
Speaking of the POGING MONSTER..
NADITO NA SILAA!!
AT UMUPO SILA SA TABI NAMIN.
"Annyeong haseyo." -Infinite
"Annyeong haseyo." -kaming tatlo
Bumeso naman silang lahat kay Jane.
OO KAY JANE LANG T______T
BESTFRIENDS KAMI KAYA DAPAT SAMIN DIN. T______T
"A-ahm, guys. Meet my bestfriends, Shella and Regina." Tapos nakipagshakehands sila samen.
ANO BA. KINIKILIG AKO. SHET.
Tapos umupo naman kaming lahat at nakipagkwentuhan sa isa't-isa.
Nabanggit ni Jane na sa Dubai pa gagawin yung wedding gown nya worth 2.5M. OO WEDDING GOWN LANG YUN MGA BESSY.
Tapos yung wedding ring nila na hindi na nya sinabi yung presyo. Baka daw malunod kami.
Kingina baka sobrang mahal yun.
Sina MYUNGSOO MYLABS NAMAN E DALDAL NG DALDAL AT KONTI LANG YUNG NAIINTINDIHAN NAMIN.
Pero nag-eenglish naman ng konti.
Magpapasukat din pala sila ngayon. Tapos isasabay na din daw kami.
So ang wedding e tuloy na tuloy na..
Kaawa naman si Jimin. T_T
Pumasok naman na yung infinite sa room. Naiwan kaming tatlo nina Jane dito.
"Bes, paano ako makakaalis sa sitwasyon na to?" Naiiyak na tanong ni Jane.
"Bes, kung ako sayo. Just go with it na lang." Shella.
"No Shella. Pangarap ko si Jimin. Naging kami naman kaya alam kong malaki pa ang chance namin. Hindi ako basta basta susuko! Kayo ba susuko na lang agad? Hawak nyo na oh. Papakawalan nyo pa ba?" -Jane
Tapos nagtinginan kami ni Shella at nabuo yung plan na iniisip namin kanina..
Hindi kami susuko..
-