Regina's POV
Habang nadito pa kami sa lobby, at naghihintay kay Tito biglang lumapit si Jungkook.
"See you tomorrow night at the celebration. Wear red ok?" -Sya
Ay teka.
Boss ka?
Charot. XD
"Sure." Sagot ko naman.
May celebration nga pala bukas, kase successful yung comeback nila.
Ghaaaddd. Sobrang worth it yung pagod namin! ^___^
"Lets go" -Tito
"Congrats Tito!" Bati ni Jane
"No, congrats sa inyo. Haha" at nagtawanan lang kami.
"Girls. Dadaanan pa natin ang Tita nyo sa JYP ok? Para sabay sabay tayong umuwi." -Tito
"Sure Tito." -Shella
Habang nasa loob kami ng kotse, naririnig kong may tumatawag kay Jane, pero natutulog sya.
*Doolyng calling..*
Doolyng? Parang familiar.
"Bes! Tumatawag kay Jane yung nagtext sa kanya nung nakaraan. Sagutin mo." -Shella
And sinagot ko nga.
"Yeoboseyo?" -ako
"Jane, sorry." Teka. Si Jimin ba to? Bakit kaboses nya?
"Yeoboseyo. This is not Jane. She's sleeping."
And binaba nya yung phone.
Bastos na bata.
"Binabaan ako." Sabi ko kay Shella
"Bastos yan ah." Sabi nya naman.
Hinayaan na lang namin.
Tumigil na kami sa may tapat ng JYP.
"Congrats Girls!" Bungad ni Tita pagpasok nya ng kotse.
"Ganda ng comeback ng BTS! You deserve a good midnight snack!" Sabi naman ni Tita.
Napansin ko naman na nagising si Jane.
"Oh, Hi Tita." -Jane
And dumeretso kami sa isang Filipino Restaurant dito sa Korea.
Namiss namin ang adobo at sinigang.
"Woah. This is heaven!" -Shella
"Cloud 9!" -Jane
"Ansharap chalaga!" Sabi ko naman.
"Oh, kumain lang kayo ng kumain jan. Bukas 11am pa ang pasok natin." -Tito
"Yowwwnn! Mahabang tulugan ito." Ako.
At tumigil silang lahat pagkain at humarap saken.
Sabay...
Sabay nagtawanan sila. Haha
After namin kumain, dumeretso na kami sa bahay.
Nadito na kaming tatlo sa kwarto, naglinis at nagpalit na din kami ng damit.
"Bes, kamusta? Magkwento ka naman" -Shella to Jane
Nakahiga lang kaming tatlo.
"You know what mga Bes. Hindi ko naikukwento sa inyo. Sinundo ako ni Jimin dito 1 night. Habang natutulog kayo." W-what?
"Ha? Saan? Kelan?" -Shella
"Sinundo nya ako dito last last week para magsorry. Dinala nya ako sa isang coffee shop tapos ayos naman kaming dalawa. Pagkatapos nun, kinaumagahan naitext nya ako. Tapos nung nagphotoshoot sila sa Dosan, galit na naman sya."
"Tapos nun, nung nag-usap kami sa music room, sobrang nagalit sya saken. Sinigawan nya ko hanggang sa tumulo yung luha ko." Tuloy nya lang.
"So ayun, zero lovelife. Haha" natawa pa sya.
"Putangina kinikilig ako! Di mo man lang naishare na lumabas kayo!" -Shella
"Ako naman, nakissan ni Jungkook yung noo ko nung papunta tayo sa MCountdown." -Ako
"KYYYYAAAAAA!! INAMES! MALANDI! BAKIT HINDI MO SINSABI SAMEN!!" Habang pinaghahampas ako nitong dalawa.
"Tumigil nga kayo. Kinilig ako e. Haha" sagot ko na lang.
"Kami nga ni Jin nagkadikit yung ilong namin nung nasagi ako ni Regina habang nilalagyan ko sya ng lip oil e." -Shella
"WAAAAHHHH! OMYGHAD! HALIPAROT KA! PASALAMAT KA NASAGI KA NI REG!" -Jane habang kilig na kilig.
"THANKS BES! HAHA!" Sabi saken ni Shella.
"IKAW NA LANG ANG WALA! HAHAHA!" Sabi naming dalawa kay Jane.
"Ansama nyo ha. Bwisit kase kase hung doolyng na yun e. Hmp!" H-ha?
"W-what? Duling? Anong spelling?" Tanong ko. Tumawag yung kanina e.
Tapos yun din yung nagtext sa kanya dati.
"Edi Doolyng! Si Jimin! D-O-O-L-Y-N-G!" Sabi nya at umirig.
"Gago bes. Yan yung tumatawag sayo kanina e. Sinagot ko." Sabi ko naman.
"What? Tumawag? Kelan?" -Jane
"Kanina. Nung natutulog ka sa kotse ni Tito." -Shella
"Anong sabi nya?" Curious na tanong ni Jane
"Sorry daw. Tapos nung sinabi ko na natutulog ka biglang binaba yung phone." -ako
And kinuha ni Jane yung phone nya.
"Hoy bes umamin ka nga! Ikaw ha! Kayo ba ni Jimin? Nabasa ko din yung text nyan nung nakaraan e! Did you sleep well? Or you think about me all night pa yang nalalaman!" Shella to the highest level
"H-ha!? Ofcourse not!" Sabi ni Jane.
Pagkatapos nilang magbangayan,
Nakatulog na ako..
-