Jin Adam's POV
Isang linggo na ang nakalipas magmula ng magpasukan pero ngayon pa lang papasok ang magaling na babae na 'yon. Hay. Napakatamad talaga ng babae na 'yon.
Kasalukuyan kong hinihintay sa tambayan naming magkakaibigan ang kakambal ko. Oo, kakambal ko, nagtext kasi siya na papasok na siya ngayon. Finally. 9:00 am pa naman ang start ng klase namin kaya tambay tambay muna kami.
Ilang minuto pa kaming naghintay at natanaw ko na din sa wakas ang magaling kong kakambal. Nakasuot siya ng maiksing high-waist shorts at crop top tapos ay naka-heels kaya lahat ng madaanan niya ay napapatingin sa kanya. Hay. Kahit kailan talaga 'tong babae na 'to, ang hilig sa atensyon. Tss. Nang mapatingin siya sa pwesto ko ay agad ko siyang nginitian at kinawayan at siya naman ay tumakbo at yumakap sa akin.
"Waa! A! I miss youuuuuu~", sabi niya habang nakayakap sa akin.
"Sorry Aesiah, but I don't feel the same way." Haha. Sarap talagang inisin ng kambal ko. "Wag ka ngang ngumuso, di bagay sa'yo. Haha."
"Ganyan ka ba sa napakaganda mong kambal? Hmp. Hate you!" At lalo pang humaba ang nguso niya.
"Sige na nga. I miss you too kambal." Sabay halik ko sa noo niya. Gustong gusto niya kasi 'yon lalo na 'pag si dad ang gumagawa, nararamdaman daw kasi niya na mahal siya nito. Baliw talaga 'to e.
"Bakit nga pala lumipat ka ngayong taon dito?", tanong ko dito.
"Ah, 'yon ba? Masyado na kasi kitang namimiss e. ^_^", napairap na lang ako sa sagot nito. "Joke lang! 'Di pa kasi ako nakakapag-aral dito diba? Gusto ko naman maranasan mag-aral sa school ng mga Sandoval 'no. Nagtatampo na nga si lolo sa akin e. Hihi."
"E teka, alam na ba ni lolo na dito ka na mag-aaral?"
"Hihi. 'Di pa. ^_^ Isu-surprise ko siya! Ngayon na!", sabi niya sabay hatak sa akin. Jusme 'tong babae na 'to.
"Pre, alis muna ako. Pagbutihan niyo review. Haha.", nagre-review kasi sila para sa quiz namin mamaya. Haha. Ako? Di ko na kailangan niyan. Tss. Ako pa ba?
"O sige 'pre. 'Wag ka nang babalik. Bwisit ka.", -Kent
Naglalakad na kami ngayon ni Aesiah papunta sa office ni lolo para sa surprise nga nitong baliw ko na kambal.
"A, ikaw muna pumasok para masaya. Hihi."
Baliw talaga 'to. Hay nako. Binuksan ko na ang pinto ng office ni lolo at nakita ko siyang may kausap na babae. Grade 10 student din siya base na rin sa ID lace niyang blue. Pero hindi ko siya kilala baka taga-kabilang section siya.
"O Adam, napasyal ka. May kailangan ka ba?", tanong sa akin ni lolo nang mapansin niyang andito ako sa office niya. Napatingin din naman sa akin 'yong babae pero agad din siyang nag-iwas nang tingin.
"Actually wala talaga pero si Ae-", naputol bigla ang sasabihin ko nang sumigaw itong kambal ko.
"SURPRISE! ", napakamot na lang ako sa ulo ko. Hay. Nasabi ko na bang baliw siya? Tss.
Nagulat naman si lolo pati na din 'yong babae na kausap nito. Tss. Lumapit naman si Aesiah kay lolo at yumakap habang sine-sway sway si lolo.
"Tigilan mo nga iyan! Nahihilo ako!", saway ni lolo kay Aesiah.
"Hihi. Hi lolo! Miss me?" -Aesiah
Hinampas naman siya ni lolo. Haha. Buti nga.
"Nako kang bata ka! Kung ano-anong kalokohan ang alam mo! May pa-surprise surprise ka pang nalalaman! E muntik na kong atakihin sa puso sa ginawa mo! Nako ka talaga!", sermon ni lolo sa kanya sabay hampas ulit. Haha.
BINABASA MO ANG
It's Over Now
Teen FictionAre you ready to take risk and fall in love or give up and let go for the one you love? °°°°° "Love is forever but forever is OVER"