YEN ZYLINE's POV
Heto muli ako sa harap ng lahat at magpapakilala. Bakit kasi nilipat pa ako? Kakailanganin ko pa tuloy ulit magpakilala. Nakakakaba kaya ito lalo na't maraming mata ang nakatingin sa'yo. Hindi naman ako nahihiya, actually kaso iba kasi 'yong tingin nila sa akin e. 'Yong tingin nila kasi parang kakainin ka nila ng buhay tapos 'yong iba parang makailang beses ka nang napatay sa isip nila. Yikes! Creepy.
"Ms. Wang, please introduce yourself.", -Mr. Reyes, statistics teacher
"Annyeong! I'm Yen Zyline Wang, 17. Thank you.", pagpapakilala ko pagkatapos ay nag-bow.
"Ok, thank you. Please sit beside Mr. Sandoval over there.", utos sa akin ni Mr. Reyes.
Napangiti naman ako ng lihim ng ma-realize ko na kay Adam niya ako ipapatabi. Omaygad. Unti-unti ng natutupad ang mga pangarap ko. Charot.
Ilalagay ko na sana ang bag ko sa upuan sa tabi ni Adam ng may biglang umupo dito.
"Oops, sorry. Nauna ako.", sabi ng babaeng mukhang clown habang nakangisi sa akin.
At dahil ayaw ko naman ng gulo e humanap na lang ako ng ibang mauupuan. Tss.
"Psst. You can sit beside me, you know."
Agad naman akong umupo sa tabi niya. Mukha naman siyang mabait e. Duh. Io-offer ba niya 'yong upuan sa tabi niya kung hindi. Tss.
"Erina Jane Fuentes, EJ for short. :)", she introduces herself then extended her arms for a handshake.
"Yen Zyline Wang. :)", then I accepted her hand.
Umayos naman na ko ng upo pero paisang sulyap lang. Haha. Lumingon ako sa likuran para sana masulyapan saglit si Adam pero dahil dakilang epal ang babaeng clown na 'yon ay hinarangan niya ang view ko. Ugh. Panira ng view. Aba! At talagang inirapan pa ko! Feeling ata niya kinaganda niya 'yon. Tss.
"Yaan mo na siya. Ganyan talaga 'yan sa lahat nang nadidikit kay Adam. Akala niya ata girlfriend siya ni Adam. As if.", sabi ni EJ sabay irap. Haha. Inis din pala siya doon.
"Ano ba pangalan 'nong babaeng clown na 'yon?", tanong ko sa kanya. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa.
"Hahahaha. Babaeng clown? That's really funny 'ya know. Bagay sa kanya. Hahaha. Well, anyway, Carissa Mae De Guzman is the name but they call her CM.", -EJ
CM? Short for Clown na Malandi?
"Hahaha. You're really funny Yen. Hahaha. Clown na malandi? You're so brilliant. Hahahahaha. I love you na!", sabi niya sa akin habang tumatawa with matching hampas sa desk niya. Shemay. Nai-voice out ko pala 'yon. Nakakahiya. Buti siya lang nakarinig. Hihi.
"Class, hindi tuloy ang quiz natin ngayon.", bigla naman silang naghiyawan nang marinig iyon pati na din si EJ ay nakikisigaw. Hay nako. Mga estudyante nga naman. Haha.
"Hay nako napakaswerte niyo at may meeting kami pero humanda kayo bukas. 'Wag masyadong pakasaya. Class dismissed.", -Mr. Reyes
Nagtayuan na kaming lahat nang magpaalam na si Sir.
"Yen tara sa cafeteria. I'm starving na e.", aya sa akin ni EJ.
"Ah sige. Pero daan muna tayo sa Diamond section.", tinanguan na lamang niya ako.
Paglabas namin ni EJ sa room ay nakita ko na agad si Dan. Mukhang 'di ko na kailangan pumunta pa sa section namin dati.
"Z! I hate youuuuuuu~", sigaw ni Dan sa akin. Ano ba naman 'tong babae na 'to parang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas ng boses. Sakit sa eardrums.
BINABASA MO ANG
It's Over Now
Teen FictionAre you ready to take risk and fall in love or give up and let go for the one you love? °°°°° "Love is forever but forever is OVER"