Unang Kabanata

26 2 1
                                    

Unang Kabanata

Agatha Faith Morente

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa sarili ko at naisip ko mag pakamatay. Pera? Pamilya? Hindi ko alam.

"Tao po?"

Nagtitimpla ako ng kape ng may kumatok sa may kahoy na pinto namin. Tulog ang nakababata kong kapatid kaya ako nalang ang nagbukas.

"Sino po sila?" tanong ko.

Halata ang gulat sa aking muka ng makita ko ang isang lalaki na nakasoot ng itim na suit at maayos ang tindig sa harapan ko. Hindi ko sya kilala at ano naman ang gagawin nya sa tapat ng isang lumang bahay na napapaligiran ng madaming dumi sa isang squater's area?

"Are you Ms. Agatha?" tanong nito sa malalim na boses.

Bakit nya ako kilala? Tumango nalang ako bilang sagot.

May iniabot sya saakin na dalawang paper bag at saka nagsalita. "Mister Ocampo wants you to be at his office by tomorrow morning. Suotin mo yan. May susundo sayo dito bukas. Have a good day." pagkatapos ay umalis na lang sya sakay ng isang itim na kotse.

Mister Ocampo? Sino un? Bakit nya ako gustong makita? At may susundo saakin bukas? Pano kung mamatay tao pala sila? Pero pano kung bigyan nila ako ng trabaho at magka pera ako?

Napatingin ako sa paperbag na hawak ko. May nakalagay dito na tatlong letra na malalaki ang sulat. 'CLN' mukang mamahalin ito.

Binuksan ko ang unang paperbag at kinuha ko ang laman nitong damit. Kahit ata magtrabaho ako habang buhay, hindi ako makakabili nito.

Isang peach na dress.

At isang black na heels.

Inilapag ko na ang damit sa papag namin na kama at naupo. Pupunta ba ako o hindi? Tatayo na sana ako para kunin ang kape ng may mahulog na maliit na papel sa sahig.

'I hope to see you tomorrow. And I also hope that the dress fits you. -mdo."

MDO?

Duda kong ocampo nga yung huling letra sa pangalan.

Pagkaubos ng kape ay umalis na ako. Iniwanan ko ng prinitong itlog at pandesal ang kapatid ko para may pagkain sya mamaya. Dibale ng wala ako, basta meron sya.

Isa akong tindera sa palengke. Tinutulungan ko ung auntie ko sa pagtitinda. Un nga lang, ang kinikita ko sa isang araw ay sapat lang sa pagkain namin magkapatid.

"Hoy Agatha aba'y tanghali na bakit ngayon ka lang?" salubong sakin ni Auntie Minda

Tinignan ko ang mga taong nasa palengke at naisip ko na, mahaba habang araw nanaman ito.

"Pasensya na po Auntie, may pumunta kasi sa bahay kanina, hindi ko un inaasahan." kailangan ko din pala mag paalam para bukas. Pero di ko alam kung pupunta ba ako o hindi.

"Talaga? Sino naman daw sya? May kinalaman ba un sa nanay mo?" sabay tingin nya sa'akin. "Ay ale bili na ho! Ano hong hanap nyo?"

Bahagya akong natahimik ng dahil doon.

Si mama, iniwan nya kami nung bagong panganak palang si Aronn, ung kapatid ko. Labin-dalawang taong gulang lang ako noon. Ayoko na sanang alalahanin ung mga bagay na nangyari kaso hindi naman habang buhay na matatakasan ko un.

Simula noon ay hindi ko na nakita si mama. Nakapagtapos naman ako ng college sa sariling sikap ko. Nakatira kami noon kela auntie at nagtratrabaho na ako noon sa palengke at ung sahod ko na ang pinangbabayad ko sa tuition ko sa school. Pero si aronn, hanggang grade 2 lang. Dapat sana grade 4 na sya ngayon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 29, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon